BM; Birthday Party

340 2 1
                                    



Sa kabilang planeta este lugar. Masayang inaayos ng lahat ang birthday party ng ka isa isang anak ni viceral na si kyle. Mag lilimang taon na si Kyle ngayong birthday niya. Nang matapos na sila sa pag aayos ng birthday party ni kyle nag ayos na ang lahat at sinimulan na ang party ng anak.



"Happy birthday anak, Mahal na mahal ka namin ni mommy." Na touch naman ang lahat sa sinabi ni vice sa anak. Napa "aww" ang lahat.



"I love you more daddy and mommy" nakangiting sabi ng bata sabay pag yakap sa magulang neto,




























"Anoooo? Nasan naba yung party na sinasabi mo! Kum—"



"Relax lang mahal! Okay? Malapit na tayo" tugon ni ice habang tinitignan niya ang daan na dinadaanan niya.



"Siguraduhin mo lang pa ikot ikot na kaya tayo dito!" Naiinis na sabi ni K habang hinihele niya ang anak .



"Eto na nga oh nandito na tayo" biglang hininto ni ice ang sasakyan sa isang malaking bahay, kumbaga parang mansion nato sa sobrang laki ng bahay. Unang bumaba si ice sa kotse at pinagbuksan niya ng pinto ang mag ina niya. Pag kababa palang ng kotse ni K nagulat na siya sa nakita niya..







Ang bahay ni vice.....




Ang dati niyang mahal...




Ang first love niya...








"Di-dito t-tayo??" Nauutal na tanong ni Karylle , kaya naman nagtaka si ice.



"Malamang mahal dito ako nag park e— araaaay! Yan ka nanaman masakit! Kota na tenga ko sayo" nakasimangot na sabi ni ice, alam naman ni karylle na nagtatampo ang fianće niya kaya naman nilambing niya eto.



"Hehe sorry na mahal " malambing na sabi ni K at hinalikan sa pisngi si ice. Napangiti naman si ice.



"Tara na nga mahal, teka baka nahihirapan ka nang bitbitin si baby?" Nakangiting sabi ni ice.



"Hindi." Nakangiting sabi ni K sabay ang pag iling neto tumango nalang si ice at sabay nag lakad ang dalawa papasok sa bahay ni vice..


















"Okay kids! May palaro tayo ngayon! Who wants to play?" Nag hiyawan naman ang mga bata sa nasabi ng clown at sabay sabay na lumapit sa clown.



Kinakabahan si karylle, pero hindi niya pinapahalata kay ice. Masakit pa din sa damdamin niya ang nangyari sakanila noon ni vice. Gusto niya ng maiyak pero pinipigilan niya eto dahil makikita ni ice.



"Okay ka lang mahal?"



"Oo ka—" bigla namang naiyak ang anak nila , narinig naman eto ng karamihan at agad napatingin sakanilang dalawa, agad naman kinuha ni K ang milk bottle sa bag niya at agad pinadede ang anak.



"Oh! Ice!" Tawag ng lalaki habang papalapit kila K.  Alam na agad ni K kung kaninong boses iyon. Kaya naman mas kinabahan pa siya.



Be Mine || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon