BM; JB Concert

288 5 0
                                    


2 Years After

Nasa kanya kanyang vacation ang mga host, dahil nga holy week na. Nasa LA ang Vicerylle kasama si yael,pamilya ni vice,iza,team vice,and others. Yung ibang host naman nasa ibang bansa rin. (Diko alam kung saang bansa sila eh)

"Uy Guys! Concert ni justin bieber sa sabado diba? Tara bili tayo ticket!" Masayang tugon ni K.

"Yeah! Lets buy a ticket!" May accent na sabi ni vice. Natawa naman ang lahat.

"Pangalawang araw palang tayo nandito, may accent kana agad meme? Bongga!" Sabi ni archie.

"Namaaaaan!"

"Ano na bili na tayong ticket!" Di mapakaling sabi ni K

"Ang excited mo masyado hon" natatawang sabi ni yael. Natawa naman ang lahat

"Gustong gusto ko na kase makita si justinnnnn!!!" Tili ni K.

"Huy wala ka sa palengke!!" Sita ni vice. Napa pout naman si K

"Che!!!"

Nakabili na ng ticket sila Vice,K,yael,at iza. Ang team vice hindi bumili dahil nga mahal eto. Kaya silang apat lang ang bumili ng ticket. Sakalukuyang nasa isang mamahaling restaurant sila, kumakain. Hindi nila kasama ang 'Viceral Family' dahil nga pagod sila galing biyahe.

Nasa isang mahabang table ang mag kakaibigan kumakain sila.

Karylle Yael Iza Archie Buern

-----------------------------------------------

Vice Russ Bernard Matt


"Ganda dito hon." Bulong ni K kay yael.

"Mas maganda ka hon." Narinig naman ng lahat yung sinabi ni yael. Napa 'ayieee' ang lahat. Bigla namang namula si K sa nasabi ng asawa..

"Im so excited on JB's Concert!" Kinikilig na sabi ni vice. Napatingin naman ang lahat sakanya.

"Ay excited te!" Sambit ni iza.

"Waw! Ilang araw ka palang nandito englishera kana? Aybilib!" Namamanghang sabi ni buern.

"Oo nga meme! Idol!" Sambit ng ibang team vice. Natawa nalang sila at tinuloy na ang pagkain.



Pag katapos nilang kumain, nag gala gala naman sila. Nag shopping ng mga damit,sapatos,jacket, at kung ano ano pa. Inabot na sila ng gabi. Kaya naman naisipan na ni vice na umuwi na.

"Grabe nakakapagod! Pero enjoy! Keri na din!" Sabi ni archie habang nilalagay niya ang mga gamit sa loob ng van. (Hiniram lang po nila yung van. Hahaha)

"Yeah!" Sabi ni vice at biglang umakbay kay buern na sobrang inaantok na na halos line na yung mata.

"Tara na sakay na tayo antok na ang bruha!" Sambit ni vice, pumasok na ang lahat sa van. Mag katabi sila matt at russ,archie at buern, vice at bernard, karylle at yael. Naka sandal ang ulo ni buern sa balikat ni archie habang si archie ay naka sandal ang ulo sa upuan nila at natutulog. Si russ naman ay nakayakap sa upuan ng driver seat at natutulog habang si matt naman ay nakasandal ang ulo sa likod ni russ. Si vice naman ay naka dungaw lang sa bintana at tahimik habang si bernard naman ay natutulog na. Si kurba at yael naman ay mahinang nag uusap at nag tatawanan. Nakikinig lang si vice sa usapan nila yael at kurba. (Pero may driver ha. Baka isipin niyo wala XD)

Be Mine || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon