Paalam, Mahal Ko (Isang Tula)

390 1 0
                                    

Noong una, saya nati'y walang katapat
Pagmamahal sa isa't isa ay sapat.
Walang pakialam sa anumang sabihin ng iba
Basta't lagi tayong magkasamang dal'wa.

Tayo'y naniniwala sa pag-ibig na panghabambuhay
Kaya't bawat araw ay binibigyang kulay.
Pag-ibig at tiwala ang ating mga sandata
Sa lahat ng unos at pagsubok sa atin, sinta.

Ngunit, bakit ikaw ay biglang nagbago?
Pagmamahal mo sa aki'y biglang naglaho.
Gabi-gabing puso ko ay umiiyak
Dahil ako ay iniwan mong nag-iisa at wasak.

Naniwala ako na ang pag-ibig nati'y tunay
Umaasang 'di tayo kailanma'y maghihiwalay.
Pero, may mga bagay talagang 'di natin inaasahan
Relasyon natin ay nagkaroon ng hangganan.

Ngayo'y patuloy na binubuo ang sarili
Upang maging handa na magmahal muli.
Mga alaala at pinagsamahan nati'y ibabaon ko
Dahil kailangan ko nang magpaalam, mahal ko.

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon