Masaya ang Mag-isa

116 0 0
                                    

Oo, masaya ang mag-isa. Lahat ng naisip mong gawin ay magagawa mo nang 'di pinapakialaman ng iba.

Oo, masaya ang mag-isa. Hindi mo kailangang maghirap at gumastos para sa kasiyahan ng iba.

Oo, masaya ang mag-isa. Maglilibang at maglilibot ka kahit saan sa abot ng iyong makakaya.

Oo, masaya naman ang mag-isa. Pero, bakit nakararamdam ka na parang may kulang pa?

Oo, masaya naman ang mag-isa. Pero, napapatanong ka rin kung bakit ang taong para sa iyo ay wala pa.

Oo, masaya naman ang mag-isa. Pero, umaasa kang siya ay dumating na at lahat ay gagawin niyo nang magkasama.

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon