Differences

967 1 0
                                    

Sa buhay, maraming tao kang maaaring makilala, makausap o makasalamuha. They have different behaviors, attitude, characteristics and appearance. And that differences, is my reason for writing this one. Pag-usapan natin ang mga nababanggit kadalasan.

Mga taong sinasabihan na di sila kagandahan/kagwapuhan, maliit, mataba, o bobo: Masakit para sa kanila ang masabihan nang paulit-ulit tungkol sa bagay na alam na nila. Oo, tanggap na nila yang bagay/katotohanan na iyan pero di naman pwedeng ipamukha pa lalo sa kanila. Flaws na nga nila yan so no one should bring them down. Instead, everyone should uplift their spirit and boost their confidence. Sa totoo lang, hindi naman nila ginusto yang mga bagay na iyan. Kasalanan pa ba kung yun ang napunta sa kanila? Yung mga sinasabihan ng panget, alam ba ng iba kung anong nangyari sa itsura nila? Yung mga sinasabihan ng maliit, may iba pa ba silang magagawa kung yun lang talaga ung height nila? Yung mga sinasabihan na mataba, may magagawa ba sila kung ganoon talaga ang katawan nila at alam din ba ng iba kung bakit mas pinipili nila kumain? Ang mga nay kapansanan, pagkakamali pa ba nila kung ganoon talaga sila isinilang? Napakasakit isipin na karamihan sa atin ay napakamapanghusga.

Bakit hindi na lang natin purihin ang isa't isa sa mga magagandang katangian na mayroon tayo? Tell a girl that she's beautiful because of her kind heart. Batiin mo ang isang bata na nakagawa ng isang tama.

Magtulungan na lang tayo na matutunang maging kuntento kung ano ang ibinigay sa atin ng Makapangyarihang Diyos. Let's be thankful for all the blessings that we have at wag nang problemahin pa ang mga bagay na 'di natin nakukuha. Learn to respect our differences and be sensitive enough for the feelings of others. Alalahanin ding mag-ingat lagi sa mga binibitawang salita..

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon