Mahal Kita

83 0 0
                                    

Mahal kita, hindi dahil sa angkin mong kagwapuhan o kayamanan, kundi dahil sa mahal mo rin ako at sa taglay mong kabutihan.

Mahal kita kahit ang iba ay tutol at ayaw sa ating dalawa, pero nagpatuloy tayo at hindi nakinig sa kanila.

Mahal kita sapagkat patuloy mong pinapatunayan na ikaw ay tapat at kakayanin nating harapin ang lahat.

Mahal kita pero darating pala sa puntong ang pag-ibig natin ay nawawala na at hindi na rin kayang ibalik pa.

Mahal kita subalit mukhang hindi tayo ang nakatadhana at pinagtagpo lang upang matutong umibig para sa iba.

Mahal kita ngunit ito ay pag-ibig na hanggang pangkaibigan na lang at bawat isa ay kailangan nang pakawalan.

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon