Masyadong Magulo

93 0 0
                                    


Masyadong magulo ang mundo. Ang mga giyera at patayan ay kabi-kabila at 'di malaman kung bakit ito nagsimula.

Masyadong magulo ang mga relasyon. May mga away at tampuhang 'di matapos-tapos kaya itinigil na lang ito nang padalos-dalos.

Masyadong magulo ang paligid. Maraming basura at polusyon na gawa ng mga taong pabaya at labis na lamang na ipinagsasawalang-bahala.

Masyadong magulo ang ating utak. Nilalamon na ito ng mga negatibong pag-iisip at kinalimutan na ang mga masasayang alaalang kalakip.

Masyadong magulo ang lahat. Hindi na natin alam ang mga sagot sa lahat ng tanong at mga solusyon sa mga problemang sinusuong.

Masyadong magulo man ang lahat, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang Diyos Amang gagabay at tutulong sa ating lahat..

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon