Don't Cry Ana

1.9K 64 5
                                    

"Jose Marie! Jose Marie!"


Heto na naman tong babaeng ito.Napakatigas ng ulo.


"Jose Marie! Huy! Santan nga pala for youuuuu." Nakayuko nya pang ibinigay sa akin ang mga bulaklak na sa tingin ko'y kinuha nya sa bakuran nila.


"Ana naman! Tigil tigilan mo na to" sabi ko sa kanya at kinuha ang mga bulaklak. Napakunot rin ang noo ko ng makita ang putikan at dumudugo nyang tuhod.


Lumuhod ako at tinignan eto. Agad ko syang hinila paupo sa isa sa mga upuang ginagamit ng mga kliyente ko. Namula naman sya. Agad kong kinuha ang first aid kit.


"A-anong gagawin mo Jose Marie?! A-aalis na ko. Dinaan ko lang talaga yung mga bulaklak for you." Nauutal at patayo na nyang sabi. Agad ko syang hinila pabalik at dinampi ang bulak sa marumi't dumudugo nyang sugat.


"Hindi ka na naman nag-iingat! Ano na naman bang pinaggagawa mong bata ka!" Pailing-iling Kong sermon sa kanya.


"Jose Marie! Hindi na ko bata ano ka ba?" Kunot-noo nyang sabi habang nakanguso at pilit na inilalayo ang tuhod nya sa akin.


"Ahhh, talaga ba Ana Karylle? Yang ayos mo at ginagawa mo. Gawain ng bata yan. Tsk. Tsk" sabi ko sa kanya.


"Aray naman!" Sabi nya.


"Sorry! Sorry naman. Ang galawgaw mo kasi" hinipan ko ang sugat nya.


" Hindi naman yung sugat yung masakit Jose Marie eh! Kundi *turo sa dibdib nya* eto. Etong puso ko" malungkot nya pang sabi.


Natapos ko nang linisan ang sugat nya. Tinignan ko sya at pinantay ang sarili ko sa kanya.


" Ana, makinig ka ah! Bata ka pa, 14 ka pa lang. Baby kita, para na kitang baby sister. At ako? 20 na ko, Ana. " mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya. Kahit naman gano kakulit 'to hindi ko naman na maatim na makitang malungkot to. Mahal ko to noh. Para ko na syang kapatid.


" Pe- Pero Jose Marie! Age doesn't matter! Darating yung time na magiging dalaga na talaga ko. Wait ka lang" nakatitig sya sa akin habang may matatamis na ngiti sa akin.


Tumayo ako at iniikot ang upuan. Isa kasi ako sa mga baklang parlorista ni Mamang A. Itinirintas ko ang buhok nyang kulot. Haay.. Di na naman nagsuklay.


" Ana, hindi lang naman iyon iyon. Bakla ako, baby. Yung mga tulad ko lalake ang gusto" mahinahon ko pa ring pagpapaliwanag dito.


" Pero Jose Marie!" Pinadyak nya pa ang paa nya. Nakita kong nginuso na naman nya ang labi sa salamin.


" Tsaka ilang ulit ko bang sasabihin na Vice ang itawag sa akin." Natapos na ko sa pagtitirintas sa kanya at muli syang hinarap. Flinat ko ang nausling nguso nito.


Napatingin naman ito sa orasang pandingding na nakasabit.


"Hala! Patay ako kay momsie, inutusan nya nga pala akong bumili ng knorr cubes. Magmomonggo kasi sya" napakamot sya ng kanyang noo at mabilis na tumakbo.


Napatawa na lang ako.


"Byeeeeee, Jose Marieeeeee Aylabyuuuuu" sigaw nya habang papalayo.


Araw-araw ay ganoon ang ginagawa ni Ana. Tinukso man ng mga bakla ay deadma na lang ako. Matigas din kasi ang ulo ng batang iyon. Hindi ko rin naman sineseryoso ang mga sinasabi nya. Bakla ako, bata pa rin sya. Darating ang araw na makakahanap sya ng lalaking magmamahal at mamahalin nya.


When ;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon