I'm Ana Karylle Tatlonghari, photographer slash writer. I was assigned to feature a certain event to a certain province and because of that I needed someplace to stay for a week while doing my coverage write-ups. And that's where I met him...
" Hello miss! Bago ka dito?" Tanong nya sa akin nang papasok ako sa nirerentahan kong apartment for a week. Wala naman kasing hotel dito sa probinsyang in assign ako. More likely, raw houses. Dikit dikit. So yes, I decided to call my rented place as an apartment.
Tinignan ko lang sya at tinanguan. Mama's first rule: Don't talk to strangers. Nag dire-diretso ako papasok sa apartment. Straight sa bedroom, I decided to sleep.
*Kriiiing*
Napakunot ang noo ko nang tumunog ang alarm clock. Napatingin ako. 3 am. Wow! Almost 12 hours na pala akong natutulog. So I decided na mag jog around, para mafamiliarize din sa place for me na mas mapadali ang work ko.
"Aray! Ouch! " sabi ko at pinipilit tumayo. Arggh! Di ko napansin na may bato.
"Hey! Miss don't force yourself. You might injure yourself more." Biglang may umalalay sa akin. Napatingin ako sa kanya. Sya yung lalaki kanina, pero napakunot ang kilay ko. Bakit parang? Wait! Binubuhat nya ko
"A-ano! Mamang ano! You don't need to carry me naman. I can walk! " sabi ko habang pumipilit kumawala. At dahil dun ay nalaglag ako at pinilit tumayo
"Hala! Miss naman. Masasaktan ka nyan! Ikaw naman, nung nahulog ka handa naman akong tulungan at saluhin ka. Bakit naman, ginusto mong mahulog ng mag-isa? Nasaktan ka tuloy. Dapat sa susunod na mahulog ka, siguraduhin mong may taong sasalo sayo" I should be off sa pinagsasabi nya but instead I just find myself smiling at hinayaan syang buhatin ako.
"Oh ayan! Kapit ka lang sabi ng tarsier, teh! Kalerks ka naman medyo heavy " sabi nya at sinukbit ko ang mga bisig ko sa leeg nya.
I let him na ihatid ako sa kwarto ko, he even put some hot and cold compress sa ankle ko.
Tinignan ko lang syang gamutin ang ankle ko and after that he bid goodbye.
Oh! Silly Karylle, you didn't even said thank you.
So dahil, may injury ako. I called this day as an injury time out. Nagbukas na lang ako ng laptop and search about the place.
*knock knock*
Napakunot ang noo ko. Sino naman ang kakatok sa pintuan ko. I have no friends here. Wala pa nga akong isang araw dito. Kahit ika-ika, I decided to open the door and to my surprise. Sya ang bumungad sa akin
"Hi Miss! Ay teh! Ano kasi, baka kasi.. Ano baka kasi kuwan. Baka ano. Haay eto na nga! Eh kasi tanghali na tapos may injury ka so baka hindi ka pa kumakain so *abot ng Tupperware* dinalhan na lang kita" sabi nya habang nakayuko at nakalahad ang tupperware.
Tinignan ko lang sya.
"Ahh ehh, walang lason to teh! Gusto mo bang kainin ko pa to sa harap mo?" Sabi nya sa kin na nakaharap na at may nakakalokong ngiti at nakataas ang kilay.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong masamang feels towards him. Mukha rin naman syang mabait. Niluwagan ko ang bukas ng pinto.
Dumeretso sya at inilagay ang pagkain sa tabi ng laptop ko sa ibabaw ng center table.
"Ay teh! Akala ko di mo na ko papasukin. Pwede ko bang ilapag muna sa may upuan tong laptop mo? Baka kasi matapunan ng foods" sabi nya habang nag-aasikaso. Nakatayo lang ako
Nang matapos sya ay,
"Ay teh! Ano ba yan? Pasensya na nakalimutan kong alalayan ka. Ikaw naman kasi, halika nga dito" sabi nya at hinapit ang bewang ko at inalalayaan ako
BINABASA MO ANG
When ;
FanfictionWe just write WHEN ; • Inspired • Kota • Bored • Durog • Tigang And any feeling under the sun..