" Uy,ViceRylle"
"Yiee, ViceRylle"
"ViceRylle, picture naman dyan. Matutuwa ang babies"
"Vice, dikit ka naman kay K"
Captured.
Lagi namang ganoon. Laging ako ang kukuha ng mga litratong masaya sila. Litratong magpapakita kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Tapos ipopost ko to sa twitter and IG. Ilalike at isheshare ng mga "anak" nila. Sasabihan ako ng thank you's and I love you's may times pang parang nasira ang keypad nila. Nakakatuwa, nakakatuwang makita na marami rin akong napapasaya.
Mapapangiti na lang din ako.
Tapos lalapit sya, hihingi ng picture nyong dalawa. May mga kuha pang ayaw nyang i-pashare para makita ng iba. At ikaw, ngingitian mo ko. Ngiting nagpapakulay ng madilim kong mundo. Ngiting nagsisilbing pahiwatig ng pag-asa.
Sobrang sweet nyo. Sobrang bagay nga kayo. Matangkad sya, medyo maliit ka. Perfect height difference sabi nga nila. Matalino sya, matalino ka perfect din talaga. Malakas ang sense of humor nya at weird ka kaya pag nag-uusap kayo, nasasabayan nyo trip ng isa't isa. Maganda ka, gwapong maganda sya. Pareho nga kayong nakalipstick na dalawa.
Mahal nyo ang isa't isa. Kahit na may mga tumututol at nagsasabing hindi totoo ang nararamdaman nyo.
Paano ba naman? Nasa showbiz na nga kayo, pinagtambal pa. At higit sa lahat babae ka at BAKLA SYA. Bakla sya pero hindi naitanggi ang lakas ng karisma nyo lalo't pag kayo'y magkasama na. Hindi rin naging hadlang para ipaglaban nyo ang nararamdaman nyo sa isa't- isa.
Biruan nang biruan pa hanggang sa na fall na nga kayo sa isa't isa.
Sa totoo lang nagtataka ako kung bakit sa kanya.
Bakit hindi kay Vhong, na laging nasasakyan ang mga biro mong hindi magets ng iba?
Bakit hindi kay Billy, na matagal mo ng nakasama?
Bakit hindi kay Eruption, na pareho mong fitspiration?
Bakit hindi kay Ryan, na natural ang pagpapatawa?.
Bakit hindi kay Jhong, na tulad mo'y magaling na artista?
Bakit hindi kay Teddy, na tulad mong nagbabanda?
O kaya,
Bakit hindi ako?
Bakit hindi ka sa akin nagkagusto?
Mabait din naman ako, matalino, medyo kinulang sa height, cute din naman at chinito. Pareho pa tayong mahilig sa musika at graduate ng Ateneo.
Ako rin naman ang tinatakbuhan mo pag nag-aaway kayo. Ako ang niyayakap mo sa panahong naguguluhan ang puso ng taong mahal mo. Ako yung nakikinig sa bawat hinaing mo.
Pero bakit sya ang pinili mo?
Marami ring nanligaw sayo sa labas ng programang pinagsasamahan nating tatlo. Mga gwapo at hindi tulad nila ang gusto. Pero sa huli sya pa rin talaga ang laman ng puso mo. Hindi naman sa sinasabi kong nakabawas sa pagkatao nya ang gender preference nya ah?! Nakapagtataka lang.
At sa totoo lang,
Mahirap magpanggap na okay lang sa akin ang lahat. Mahirap magpanggap na sa tuwing naglalambingan kayo sa likod at harap ng kamera ay "kinikilig" at kukuha pa ako ng mga larawan. Larawang habang buhay na nagiging saksi at katibayan ng inyong pagmamahalan.
" Pogi, snap tayo pleaaaaase" sabi mo sa kanya sabay nang pagpapacute mo sa kanya na hindi nya rin mareresist. Kung sa bagay, sino bang makakatanggi sayo? Wala. Wala naman. Walang matinong nilalang.
"Pogi, sabi ko naman sayo. You have to eat vegetables para mas maging healthy ka" magkasama kayo sa backstage at kumakain. Ayaw na naman nyang kainin ang gulay. He hates it. Pero nang dahil sayo, pinipilit nya.
"Kurba naman! Bakit naman ganyan kaiksi yang shorts mo? Hindi bagay" singhal nya sayo
" But Viceeey, I wanna wear this!" Sabi mo naman at ngumuso sa kanya.
" Kurba, hindi bagay sayo mag pekpek shorts sa labas ng bahay. Nag sisipag haba na ang mga punyaterang leeg ng mga giraffe sa labas. Your short shorts are for my eyes only" sabay ng pag back hug nya sayo at paghalik sa sentido.
Makikintalan naman ng mga ngiti ang mga labi mo. Haharap ka sa kanya't magyayakap kayo.
Mapapangiti na lang ako. Ngiting nagmula sa puso kong umiibig sayo.
Kung kelan nagsimula? Sa totoo lang hindi ko alam.
Pwedeng nung nakakasalubong kita noon sa Ateneo. Pwedeng noong napanood kita sa entablado habang gumaganap ka bilang isa sa mga karakter sa play na yon. Pwedeng noong marinig ko ang mala-anghel na tinig mo, o nang masilayan ko ang mga ngiti mo.
Pwede ring nung napanood kita sa isa sa mga pantaserye sa pinaggalingan mong estasyon. Napakagaling nang pagkakaganap mo doon. Napanood ko nga rin pala ang ilan sa mga pelikula mo. At kumpleto ko ang mga album mo.
Oo nga! Maniwala ka! Fan mo rin talaga ako eh. Number one fanboy. Ay Mali! Number 2 pala, kasi syempre una si daddy mo.
Pero ano nga bang laban ko sa kanya? Dapat ko pa bang sabihin sayo na mahal kita?
O hayaan ko na lang to, baka sakaling dumating ang araw na mawala na rin ang nararamdaman ko?Dumating na nga ako sa punto na narealize kong dapat aminin ang nararamdaman ko sayo. Mahirap kasing itago. Nakamamatay pigilan. Antagal ko na rin namang nilihim.
Eto na yon. Aamin na ko. Hindi ko naman gustong masuklian mo ang nararamdaman mo. Gusto ko lang sabihin para sa ikatatahimik nito. Baka after kong masabi ay maging okay na ko. Baka ewan..
Papasok ako ng DR ng sabihin ng isang staff na pinapatawag daw lahat ng hosts sa DR ng kasintahan mo. Hindi ko man alam kung bakit pero medyo kinabahan ako. Bakit ba? Ginagawa naman talaga na mag meeting bago ang show di ba? Pero bakit ganito?
" Guys, sobrang laki ng pasasalamat ko sa lahat sa inyo. I will never be who I am right now kung hindi dahil sa inyo. Salamat sa suporta at paniniwala. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa inyo- Direk, para sa walang humpay na paniniwala. Alam ko na malaking risk ang pagpasok sakin dito pero thank you, tatay Bobet! Vhong, Anne, Kuya Kim, Teddy and Jugs salamat sa pagpapasensya sa akin at paggabay sa akin. I know I'm not easy to deal with nung mga panahong iyon at siguro may times na hanggang ngayon. Jhong, Eruption, Coleen, Billy thank you. Baby Ryan, thank you sa pagmamahal sa akin. Anak! Hinding hindi ka mawawala sa puso ko. Sa mga staff- kuya Mel, ate Ruth, ate Mae, kuya Baunch at sa inyong lahat salamat po! " mahabang litanya niya.
" Uy, paano naman toh?" Turo nila sayo.
Sabay nang hiyawan ng lahat
" Para saan ba to?" Ngumingisi pa ang iilan.
" Guys" kinuha nya ang kamay mo.
" I would also like to thank you and this show dahil hindi ko sya makikilala. Ang taong bubuo sa buhay at puso ko. Ang taong magiging liwanag sa madilim Kong mundo. Ang nagpagulo at nag ayos ng magulo kong pagkatao. Guys *itinaas nya ang kamay mo at nasilayan namin ang daliri mo na mayroong singsing* ngayon gusto kong sabihin na handa na ako sa panibagong yugto na kasama sya,*tingin sayo* Ang Buhay Ko." Sabay ng pagyakap nyo, nakita ko rin ang ngiti at kislap sa mga mata nyo. Pagmamahal. Pagmamahal ang nakikita ko.
Naghiyawan at nagkaiyakan sa loob ng DR.
Napuno rin ng congratulations ang paligid.
Napangiti ako, siguro nga hanggang dito na lang ako.
" VICERYLLE IS FOREVER" sabay kuha sa inyo ng litrato.
BINABASA MO ANG
When ;
FanfictionWe just write WHEN ; • Inspired • Kota • Bored • Durog • Tigang And any feeling under the sun..