facebook

102 3 0
                                    

Madaling araw na naman di makatulog, makapag facebook na lang muna.  Uy Krystelle De Guzman tagged a photo of you, ano kaya tong picture na to?

Si Khrystelle ang BFF ko since nung bata pa kami.  Kapitbahay namin sya dati, kaso ngayon di na kami nagkikita mula nung lumipat na kami ng bahay at dahil magkaiba na din kami ng school, sa ibang university kasi sya nag-enroll mas mura daw kasi tuition dun. Dahil wala nga akong kapatid, parang sisters na kami ni Khrys.  Actually para kaming twins, lagi kaming magkasama, pareho kami ng haircut, ng accessories, ng likes and dislikes.  Maraming nagsasabi magkamukha daw kami.  Para ngang sisters from another mother. 

Matingnan na nga tong picture...... Ano 'to? Solo picture ko, pero may nakasulat: "Justice for Chelsea Enriquez!!!", Justice for me? Bakit? Ano bang nangyari sa 'kin? Wala naman akong matandaan.... Bakit naman magpopost si Khrys ng ganito? 

On-line si Khrys, di rin siguro sya makatulog.  Makapagmessage nga.  "Bes, ano yung picture na Justice for me?"   Sumagot si Khrys, "Kung sino ka man don't play your jokes on me.  Di ko alam kung pa'no mo na hack yung account ng best friend ko pero shut up.  We are all hurt with what happened. What you're doing is not funny. Please don't do this."

"We are all hurt with what happened?" Ano nga ba nangyari? Wala akong matandaan? Bakit nya sinabing na hack account ko, e ako naman yung nagmessage?  Galit si Khrys, ramdam ko pero di ko alam kung bakit.  Lagi naman kaming nag-uusap sa FB kahit nung nakalipat na kami ng bahay.  Pagkauwi ko galing ng school, lagi kaming may message sa for each other.  Bakit nya maiiisip na na hack yung account ko? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko, kay mommy, sa school, at ngayon kay Khrys.

Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon