First day

61 3 0
                                    

Gaya ng pinangako ni papa, sinamahan nya kong mag-commute papunta sa school.  Hindi na niya ko sinamahan sa loob ng campus kasi college na daw ako, dapat masanay na daw ako on my own.  First class ko room 203, Philosophy, under kay Prof. Cagatan, nakita ko naman kaagad yung room ko.  Maaga ako pero marami na ding students sa loob ng classroom.  

After ilang minutes dumating na si Prof, nagpakilala sya, "Good morning I am Prof. Rosario Cagatan and I will be your professor for this subject for this semester. Now I want you to introduce yourself to me and tell me your expectations towards the subject, let's start with the lady at the back." Tinuro nya ko, tumayo naman ako, kaso nahihilo ako, ilang gabi kasi akong napupuyat dahil sa pagtugtog mag-isa ng jewelry box.  Pagtayo ko, biglang namuti ang paningin ko at ako'y napapikit.  Di ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos.  Pagdilat ng mata ko, nagulat na lang ako nakahiga na ko sa clinic. "Ms. Enriquez, are you okay?, sabi sa 'kin ng nurse.  Dinala ka ng mga classmates mo dito kasama si Prof. Cagatan." "Okay na po ako, nahilo lang po ako kanina pero maayos na po ang pakiramdam ko."  Kinausap ako ng doctor, inadvise ako na magpablood test ako baka daw kasi anemic ako.

Apat na oras pala kong nakatulog sa clinic, hindi na ko naka-attend sa iba kong klase.  Kinausap ko si papa na kailangan kong magpacheck ng dugo. "Sige anak, dumiretso na tayo sa hospital ngayon, nga pala anak bakit 'di mo sinusuot yung binigay namin sa 'yo na locket?" "Yung locket...." hindi ko masabi na nawawala yung locket... "Ano kasi papa, gusto ko tuwing special occassion ko lang suot yun." Hay salamat nakalusot.

Tama yung doctor, lumabas sa test na anemic ako.  Pinayuhan ako ni papa na wag na magpupuyat, hindi ko masabi sa kanya hindi ako makatulog sa kwarto dahil sa takot....

Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon