Sunday morning

87 2 1
                                    

Walang pasok, pahinga day! Yeheyy!! Pero ano naman ang masaya kung wala naman akong makausap.  Sumilip ako sa bintana sa kwarto ko, nasa labas si Brandon.  Buti na lang, nandyan sya.  Makalabas nga muna ng bahay para makapaglibang.

Paglabas ko, kaway agad si Brandon.  "Chelsea! Kamusta na!"  Napangiti naman ako, sa wakas may makakausap din ako na taong masaya.  "Hi Brandon, ba't nakatambay ka na naman dito sa labas? Baka makita ka ng nanay mo, pagalitan ka uli".  Ngumiti din si Brandon sa 'kin, "Wala sila mama, nag-grocery, nandito ko kasi naramdaman ko na magpapakita ka sa kin. Matagal na tayong nag-uusap pero may importanteng bagay pa kong di nasasabi sa'yo."  Ano naman kaya ang gustong sabihin ni Brandon? Sasabihin nya kaya na crush nya ko, o in-love sya sa kin? Kinikilig naman ako.  Tuloy na nagsalita si Brandon. "Kaso lang sa tingin ko, baka hindi ka pa ready malaman yung bagay na yun.  Ang pwede ko lang sabihin sa'yo ngayon ay nandito ako para tulungan ka.  Alam ko confused ka ngayon sa mga nangyayari sa'yo, kaya nandito ako para may mapagsabihan ka ng mga nararamdaman mo.  May mga nangyari sa'yo na hindi mo matandaan, pero para sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo, kailangang mong maalala lahat yun.  Hindi ka matatahimik hanggat hindi mo naaalala kung ano ang nangyari sa'yo.  Sa ngayon, ako lang ang pwede mong kausapin tungkol sa problema mo dahil ako lang ang papansin sa'yo."

Natigilan ako sa mga sinabi ni Brandon, may kakaiba syang talent. Naramdaman niya na lalabas ako ng bahay para kausapin sya tapos naramdaman nya din na nalilito ako sa paligid ko, ang galing nya naman.  Sumagot ako, "tama ka......marami nga talaga kong hindi maintindihan sa paligid ko, pero, ano nga ba ang dapat kong gawin? Saan ako maguumpisa? At... Bakit ikaw lang ang papansin sa 'kin?"

"Chelsea, subukan mong balikan kung ano ang nangyari sa'yo nitong mga huling araw.  Kailangan mong maalala.  Wag mo munang intindihin kung bakit di ka nila pinapansin basta sundin mo lang muna ang sinasabi ko sa'yo."  "Balikan kung ano ang nangyari ng mga huling araw? Hmmm......."

Biglang may dumating na sasakyan, nandyan na ang mama ni Brandon.  "Naku Chelsea, next time na tayo uli mag-usap, parating na si mama.  Kailangan ko nang bumalik sa loob ng bahay.  Ingat ka!" Sabay alis ni Brandon.

Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon