Chelsea

59 4 0
                                    

Nagising si Brandon, at kinausap ako.  "Chelsea, tigilan na natin to, nasasaktan na ko.  Sa tingin ko, kailangan ko na lang sabihin sa'yo ang totoo dahil hindi mo ito kayang tanggapin o marahil ayaw mo lang alalahanin.  Ikaw at si Mylene ay iisa.  Nung una tayong magkakilala hindi mo sinabi sa kin ang tunay mong pangalan, sabi mo Mylene ang pangalan mo. Yung jewelry box na sinasabi mo na nakita ng papa mo sa guest room, sa kin galing yan."  Nabigla ako sa sinabi ni Brandon kaya kinontra ko ang sinabi nya. "Ha, pa'no nangyari yun?  Bigay sa kin ni papa yun, natatandaan ko, galing kay papa yun." Sumagot si Brandon, "Chelsea, tigilan mo na ang pag-iibento ng kwento, sawang sawa na ko.  Pakinggan mo ko kung ano talaga ang nangyari sa 'yo, sinisisi mo ang ibang bagay dahil hindi mo matanggap kung ano ang nangyari sa 'yo.   Nung bagong lipat kayo, sinabi mo sa kin na dalawin kita sa bahay nyo dahil birthday mo. Nagpunta ako sa inyo at nakilala ang best friend mo na si Khrystelle. Yang jewelry box na yan ay binigay ko sa'yo bilang birthday gift.  Usap usapan dito sa village na hindi naman talaga nasa Saudi ang papa mo, ang dahilan kaya kayo lumipat ay dahil naghiwalay na ang mama at papa mo at may ibang pamilya na siya."  Walang patid ang pagtulo ng luha sa mata ko sabay sigaw,  "Hindi totoo yan Brandon!"  "Sorry Chelsea, kailangan mo itong marinig, ito ang totoo.  Masyadong masakit sa'yo ang mga panyayari kaya ayaw mong amihin sa sarili mo ang totoo. Yung mga gabi na hindi ka makatulog, sabi mo sa kin, iniisip mo ang papa mo.  Mas madali na lang kasing isipin mo na may nanakot sa 'yo kesa isipin ang sakit ng paghihiwalay ng parents mo.  Akala ko makakarecover ka, pero mali ako.  Lalong lumala ang kondisyon mo, habang tumatagal, parati kang lutang at wala sa sarili.  Isang beses ka lang pumasok sa school tapos lagi ka nang nagkukulong sa kwarto mo at ako bilang kaibigan mo ang dumadalaw sa'yo.  Sinabi mo sa 'kin na gusto mo ko pero sinabi ko din naman sa'yo na kaibigan lang ang tingin ko sa'yo.  Gusto sana kitang layuan pagkatapos mong sabihin yun sa 'kin pero di ko magawa dahil nag-aalala ako sa 'yo.  Ang mali ko lang ay di ko agad pinaalam sa'yo na nililigawan ko ang best friend mo na si Khrystelle." Parang sinaksak na naman ang puso ko sa sinabi ni Brandon,  "Pinagtaksilan nyo ko ni Khrystelle!"  "Chelsea, hindi totoo yan, ayaw akong sagutin ni Khrystelle hanggat di ko sinasabi sa'yo ang totoo at dahil dito dumating ang araw na pinagsisihan ko.  Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa'yo ang totoo kaya niyaya kitang magdinner sa labas. All this time iniisip mo pa rin pala na may gusto ako sa'yo, kaya nung sinabi ko sa'yo ang nararamdaman ako para kay Khrys dali-dali kang umalis at 'di ko na alam kung saan ka nagpunta.  Wala akong malay tumawag ka pala kay Khrys sinabi mo sa kanya na nababaliw ako at kung merong mangyari sa'yo ako lang ang pwedeng gumawa nun.  Kinabukasan nagulat na lang ako, hinuli ako ng pulis dahil may nagsumbong sa kanila na pinatay daw kita.  Wala silang nakitang matibay ebidensya kaya pinakawalan din nila ko, pero simula nun sobrang higpit na sa kin ni mama, bawal na kong lumabas ng bahay.  Chelsea, hindi ko kayang gawin sa iyo yan parang kapatid na ang tingin ko sa 'yo.  Ano ba talaga ang nangyari Chelsea? Yung totoo?"

"Gusto mong malaman kung ano ang totoo? Brandon, galit ako sa iyo.  Akala ko iba ka, pareho lang pala kayo ng papa ko. Totoo ang tsismis, iniwan talaga kami ni papa.  Hindi pala kami ang totoo nyang pamilya, marami syang babae, hindi lang si mama.  Nung nalaman ko na hindi pala ko ang nag-iisang daddy's little girl, gumuho ang mundo ko, gusto ko nang mamatay.  Ikaw lang ang naging inspirasyon ko para pagpatuloy ko ang buhay ko, pero mali ako, akala ko mahal mo ko."  "Chelsea, mahal kita higit pa sa best friend mahal kita bilang kapatid."   "Nasaktan mo na ko Brandon, kaya ikaw naman ang sasaktan ko.  Ayokong mapunta sa 'yo si Khrys kaya sinabi kong pag may nangyari sa kin ikaw ang may kasalanan.  Nagmadali akong umuwi ng bahay nung araw na nag-date tayo.  Wala si mama sa bahay nun nagpunta sya sa probinsya kaya ako lang mag-isa sa bahay.  Sinira ko ang suot kong damit para maisip ng mga tao na may nagtangkang humalay sa kin at dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko, kumuha ko ng kutsilyo at sinaksak ko sa sarili ko.  Pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ng puso ko kaya sinaksak ko ang dibdib hanggang mawalan na ko ng lakas. Hanggang ngayon masakit pa din dibdib ko, ang puso ko.  Tumulungan mo ako... samahan mo ako... dito ka na lang sa tabi ko..

THE END

Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon