Balik tanaw

70 2 0
                                    

Pumasok na lang uli ako sa bahay. Kahit lalo akong nalito sa sinabi sa 'kin ni Brandon, baka nga tama sya.  Susundin ko na lang ang payo nya.  Balikan ang mga nangyari ng mga huling araw. Hmmm......  Kailangan ko sigurong isipin kung kailan nagsimulang maging weird ang paligid ko.  

Lumipat kami ng bahay one week bago yung first day of classes, umuwi si papa nun galing Saudi.  Excited kaming lahat, lalo na si papa, tuwang tuwa sya kasi mura lang namin nakuha yung bahay.  Maganda itong bahay, may malaking bakuran, apat ang kwarto, yung isa master bedroom kwarto nila mama at papa, syempre yung pangalawa sa malaki na kwarto yun yung akin, tapos yung dalawang kwarto guest room.  Lahat ng kwarto may sariling rest room saka walk in closet maliban sa isang kwarto.  Yung isang kwarto maliit kumpara sa iba pero hindi naman masikip, parang naging bodega yung kwarto nung mga dating nakatira dito.  Nung binuksan namin yung kwarto, mabaho, maraming agiw, mukhang matagal nang walang pumapasok.  Ibang klase yung amoy sa kwarto, amoy bulok na hayop. Dahil nga mabaho yung kwarto, sinabi na lang sa min ni papa na lumipat na lang kami sa ibang lugar ng bahay.  Sya na daw ang bahalang mag-linis.

Bukod sa kwarto na ginawang bodega, lahat ng nasa bahay ay kaaya-aya naman.  Yung bakuran balak ni mommy lagyan ng greenhouse para makapag-start syang mag-alaga ng orchids.  Malapit din kami sa clubhouse, tapos sa clubhouse may swimming pool.  Yung mga bahay dito halos katulad din ng sa'min malalaki din ang mga bakuran at matataas ang gate.  Okay din naman ang security kasi 24 hours din ang duty ng mga guard sa entrance gate.

Wala akong masyadong alam kung sino yung mga dating nakatira sa bahay, ang natatandaan ko lang na sinabi ni papa ay nag-migrate daw sa Canada yung mga dating nakatira dito.  Siguro pwede kong tanungin si Brandon yung tungkol dun.  Baka may alam sya tungkol sa dati nyang kapitbahay.

Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon