Marrianne's POV
"Putek. Kailangan ba talaga naten sumayaw sa klase? Di pa ba sapat yung para sa Graduation natin?! Nakakaiyak Marrianne!" Sambit ni L-Jey. Inirapan ko nalang siya. Magsasayaw kami sa buong klase, by group daw. Kahit anong sayawin namin. Ewan ko kung ano pakulo ng teacher namin.
"Tangek! Masaya yun. Tsaka may prize pa nga daw eh. Hahaha! Ayaw niyo yun? Magaling nga kayo sumayaw eh." Singit ni Jila. Ako? Walang pake dito. Iniisip ko pa ren, ano gagawin namin pagkatapos ng highschool?
"St. Vincent! Bumalik kayo sa pwesto niyo, at may itatanong ako." Sabi ng teacher namin na si Ma'am Chona. Nagsibalikan sila. Di ako kasama, kase naka-upo ako sa pwesto ko.
Pinatong ni Ma'am Chona yung pad paper na hawak niya sa naka-slant na table pero maliit. (MAHIRAP I-EXPLAIN! HUHU.)
"Itatanong ko lang yung mga grupo niyo at membro ng grupo na binuo niyo. Isulat niyo sa 1/4." Pagkasabi ni Ma'am ay biglang maraming tumayo. Alam niyo na.
"HOY SINO MAY WAMPORT?! BIGYAN NIYO KO, KAKANTAHAN KO KAYO NG JEJE SONGS. HEHEHE." Malakas na sabi ni...Shari. Nakatayo siya sa harapan ng upuan niya, at nakaharap saamin. Bigla kong iniwas yung tingin ko. Ang pogi niya, nakakadistract.
"Beybs, penge ng wamport." PUTEK! Ang bilis niya. Bakit nasa harapan ko na siya agad?! Bibigyan ko sana siya ng 1/4 ng biglang hinablot saakin ni Marc...?!?!?!? yung papel. Sinamaan ng tingin ni Shari si Marc. Anyare?
"Thanks, mayan." Sambit ni Marc. Bumilis yung tibok ng puso ko. Shit. Marc! Ano--
"Pre, akin yan. Binigay saakin yan ni beybs."Sabi ni Shari kay Marc. Nagkatinginan sila sa mata. (SHAMARC/MARI IS LIFE) Sinamaan lang ng tingin ni Marc si Shari.
"But, I got it first." WHY YOU DO THIS TO ME MARC? Huhuhu.
"War na itu." Sambit ni Kyla sa tabi ko.
"Pero ako yung nanghingi at bibigay niya na sana saakin kaso kinuha mo." -Shari
"Tss. Kasalanan ko bang mabagal ka?" -Marc
"Eh ano ka-"
"Eto na Shari oh! 'Wag na kayo mag-away, umupo ka na sa upuan mo." Binigyan ni Haniel si Shari. Tumigil na sila at bumalik sa pwesto.
"Amin din kasi pag may time." Biglaang sabi ni Harold. Teka- Ano raw?
{{063016;; Uh-oh. HAHAHAHAHA!}}

BINABASA MO ANG
Accidentally inlove with a Hotdog King
Romance{{ PS. TRIP LANG PO 'TO. EUHUEHUE. }}