Misery

21 3 0
                                    

This is a fictional story, nothing written in this story is real. I repeat NOTHING is real. They're just a product of my imagination, A PRODUCT OF MY IMAGINATION. Everything written here is not related to me or to anyone close to me. :)

~*~

Utang

Ilang sigundo ko muna pinagmasdan ang refleksyon ng mukha ko sa malaking salamin na ito, bago ko lagyan ng make-up ang sarili kong mukha. Sa huli ay kulay pulang lipstick ang inilagay ko sa medyo manipis, maliit, malambot, at normal na na medyo mapula kong labi. Kinapalan ko pa ito katulad ng palagi kong ginagawa. Sinunuod ko naman ang buhok ko, ang itim na itim kong buhok ay kinulot ko. Yung marimar'ang buhok ang dating. Ng matapos kong ayusan ang sarili ko ay tumayo na ako, para mapagmasdan ang kabuuan ko.

Inayos ko ng kaunti ang short short ko na kulay pula. Sobrang ikli nito, na kapag nag squat ako ay mag mumukha na itong panty. At isang bra sa ipang taas, hindi yung simpleng bra. May mga borloloy ito kaya medyo na tatakpan ng kalahati ang katawan ko, medyo lang naman.
Kulay pula din ito, pati ang lace-up pumps ko ay kulay pula din.

Sinabihan ako na patapos na sila Jaimy, kaya nag abang na ako sa maliit na hagdan dito sa backstage paakyat sa stage.

Nag tatawanan, at nakangiti ang mga babaeng mas maikli pa sa suot ko ang mga suot. Kulay itim naman ang kanila. Huling bumaba ay si Jaimy. "It's your time to shineeee!" Sabi nya ng makita ako.

Kinindatan ko sya at agad na umakyat sa stage. Palakpakan, hiyawan, at sipol ang agad sumalubong sa akin. Ng mag simula ng mag play ang mabagal at mapang-akit na kanta ay nag simula na din ako sa pag sayaw.

All eyes on me, kaya dinama ko ang pagsasayaw. Mas ginawa ko pang mapangakit. Dahan dahan akong lumapit sa pole, at sinayawan iyon. Isinuklay ko pataas ang buhok kong medyo humarang sa mukha ko.

Ginawa ko ang palagi kong ginagawa habang sumasayaw, ang akitin lahat ng mga matang nakatutok sa akin. Magaling ako dito eh.

Ilang minuto lang ay na tapos na din ako sa pag sasayaw. Mas malakas na palakpakan, hiyawan, at sipol ang narinig ko ngayon. Ngumisi ako at kumindat na din, hindi ko alam kung saan ako nakatingin pero para iyon sa lahat. Bumaba na ako ng stage, tuwang tuwa naman si Jaimy na na nonood pala dito sa may maliit na hagdan ng backstage. May masisilipan ka kasi dito para mapanood mo ang kaganapan sa stage pati na din ang mga tao.

"Slay Messy, slaaaay!!" Lumiyad liyad pa si Jaimy ng sabihin nya ito. Na pailing na lang ako habang nakangisi.

Bumalik ako sa maliit na dressing room namin ni Jaimy. Para sa aming dalawa lang ni Jaimy ang dressing room na ito. Ang ibang dancer ay mayroon ding dressing room. Malaki iyon, at para iyon sa kanilang lahat. Kami lang ni Jaimy ang naka-bukod.

"Kaya talaga binabalik-balikan ang bar natin dahil sayo girl!" Sabi ni Jaimy ng makapasok kami sa dressing room namin.

"Eh syempre naman, tinanggap tayo ni mamita dito. Lalo na ako, ang dami nyang na itulong sa akin. Kahit ito man lang ay magawa ko para pambawi." Sabi ko naman sa kanya.

"Korek ka naman dyan!" Sabi nya.

Inabot na nya sa akin yung wipes, kinuha ko iyon at unti unting inalis ang make-up sa mukha ko. Na palingon si Jaimy sa pinto ng may kumatok, samantalang ako ay nakatingin lang sa may refleksyon ng pinto sa salamin.

"Gora!" Sabi ni Jaimy, kaya bumukas na ang pinto at pumasok na si Chris.

"Hi papa Chris!" Bati ni Jaimy kay Chris, tumango lang sa kanya si Chris. At ibinaling na sa akin ang tingin.

"Pinapasabi ni mamita na mag bihis ka na." Sabi ni Chris na nakatingin sa akin sa may salamin. Tumango naman ako bilang sagot.

Nag paalam na si Chris na tutulong muna sya kay Baldo sa pag seserve ng mga inumin.

"Ang pogi at hotty talaga ni Chris, ano?" Sabi ni Jaimy at bumaling sa akin.

Nag kibit balikat na lang ako at binilisan ang pag alis ng make-up ko. Ng maalis ko na ay nag lagay uli ako ng sobrang light na make-up, pero hindi na ako nag lipstick pa dahil nga normal na na may pagka-pula ang labi ko. Pinony ko na din ang kulot kulot ko pa ding buhok.

Pagkatapos ay pumasok ako sa ginawa naming maliit na cr ni Jaimy, well di naman sya totaly cr. Doon lang kami nag bibihis, nilagyan lang namin ito ng kortina. Sinuot ko na ang uniporme ko bilang waitress. Matapos ay nag paalam na ako kay Jaimy, mamaya pa sya mag wi-waitress pag-uwi ni Joana na isa ding waitress. Mga ilang oras na lang din.

Tatlong taon ko na itong trabaho, magiging dancer ng ilang minuto tuwing gabi. Pagkatapos noon ay mag wi-waitress na dito sa bar ni mamita.

Habang nag lalakad papuntang bartender ay may dalawang lalaki na may inilalabas na na dalawang babae akong nakikita. Kilala ko iyong dalawang babae, malamang.

Ang mga kasamang sumayaw ni Jaimy ay ang mga inuuwi ng costumer namin dito. Mas malalaki ang nakukuha nilang sahod kumpara sa amin ni Jaimy. Dahil mayroon din silang nakukuhang malaking tip sa lalaking inuuwi sila para sa isang gabi. Kahit naman gustong gusto ni Jaimy na may mag-uwi din sa kanya ay wala namang nag aalok. Eh paano ba naman, bakla sya. Ang aarte ng costumer namin, gusto purong babae. Pero okay lang naman iyon kay Jaimy.

At ako naman ay alam ni mamita na ang pagsasayaw at ang pag wiwaitress lang ang pinasok ko dito. Ilang beses ng nagkakaroon ng problema si mamita, dahil sa mga nag rereklamo na hindi ako maiuwi. Kahit na babawasan ang suki ni mamita dahil sa akin ay hindi pa din sya pumapayag na iuwi ako ng kung sino-sinong lalaki.

Sobrang laki ng utang na loob ko kay mamita. Kaya handa akong mag trabaho dito buong buhay ko.

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon