Chapter 2

7 2 0
                                    

Chapter 2

Babawi

Kinaumagahan ay nag punta ako sa may labasan ng eskinita kung saan may karendirya para bumili ng aming mauulam, tapos ay bumili na din ako ng pandesal sa may bakery katabi ng karenderyang ito.

Habang papasok sa eskinita ay narinig ko na naman ang mga bunganga ng tsismosa group. Jusmiyo! Hindi ba talaga sila mapapagod? Ke-aga aga! Ginawang almusal ang pag-chichismis!

"Hindi na nahiya!" Hindi ko alam kung nag bubulung-bulungan ba sila o sadyang nilalakasan ng madinig ko?

"Kaya nga, ni-hindi man lang inisip ang kahihiyan na maidadala nya kay Aling Delya!" Sabi naman ng isa.

"Walang utang na loob!" Sabi pa ng isa. Hindi ko sila binigyan ng tingin, pinabayaan ko na lang sila.

Pumasok na ako sa maliit naming bahay, "Nasaan po si Mett?" Tanong ko kay Lola Delya.

"Nag bibihis na." Sagot nya, tinignan ko ang orasan.

"Mett dalian mo! Malilate ka na!" Sabi ko sa kapatid ko. Si Mett ay First year high school na. Hindi ko sya pinatigil sa pag-aaral kahit na nahihirapan ako sa gastusin.

"Eto na pooo!" Sabi nya, lumabas sya ng kwarto na dala na ang bag nya.

"Mag almusal ka muna." Sabi ko sa kanya, sinunod naman nya ako.

Inihatid ko sya sa sakayan ng Jeep, sa labasan lang iyon ng eskinita namin. Dumadaan kasi doon sa school nila yung jeep na pinaparahan dito.

"Mag-iingat, mag-aral ng mabuti!" Eto palagi ang sinasabi ko sa kanya bago sumakay ng Jeep.

Pag balik ko ay na abutan ko si Lola na hinuhugasan ang pinagkainan namin. "La, ako na dyan." Sabi ko at nilapitan sya.

"Ako na, kaunti lang naman ito." Sabi nya.

"La..." tawag kong muli.

"Ako na nga dito. Nga pala, tumutunog yung cellphone mo kaninang pag alis mo." Sabi nya, pinabayaan ko na lang si lola at kinuha ang cellphone kong naka-patong sa lamesa.

Tinignan ko iyon, nakaka-dalawang missed call na si Jaimy. Itetext ko na sana ng tumawag sya muli. Agad ko naman iyon sinagot.

"Oh?" Tanong ko.

"Girl kailangan mo ng isa pang work?" Tanong nya, kumunot naman ang noo ko.

"Hindi ba obvious?" Sagot ko naman.

Sa gabi lang naman ako may trabaho, kapag ganitong oras ay mag kasama lang kami ni lola dito sa bahay.

"Seryoso nga!" Sabi naman nya.

"Malamang diba?" Sabi ko naman.

Ikinuwento nya sa akin na yung friend daw nya ay nag hahanap daw ng isa pang waitress sa pinapasukan nito. Coffee shop iyon.

"Puntahan ko na ba ngayon?" Tanong ko kaagad.

"Mag bihis ka na, at sasamahan kita." Sabi nya.

"Kakauwi mo lang halos a?" Sabi ko sa kanya. Tuwing tuesday kasi--- halos umaga na ng wednesday na ang uwi nya. Tuwing ganoong araw lang naman ang pinagkaiba ng uwi naming dalawa.

"Malakas pa ko girl, dalian mo na! On my way na me!" Sabi nya, di na nya ako pinag salita at ibinaba ang tawag.

"May lakad ka?" Tanong ni lola.

"Opo la, mag aapply po ako doon sa coffee shop na pinapasukan ng kaibigan ni Jaimy." Sabi ko sa kanya.

"Waitress?" Tanong nya, tumango naman ako.

Hinayaan na lang ako ni lola, pag tapos kong maligo at mag bihis ay saktong dating ni Jaimy. Nag paalam na kami kay lola at umalis na.

"Gusto ko din sanang mag apply, kaso di ko keri! Madededo ako!" Sabi nya ng makasakay kami ng jeep.

Halos naging isang oras ang byahe papunta sa coffee shop na iyon, dagdag na doon ang traffic.

Na unang pumasok si Jaimy, na sa likod nya lang ako. Pagkapasok ay pinagmasdan ko ang coffee shop. Hindi ito gaano kalaki, iilan lang ang kulay brown na table nila dito. Puro tasa ng kape at mga quotes naman ang nakalagay sa itaas ng tasa ng kape ang desenyo ng dingding. Sa kaliwa ko ay mayroong bookshelves na punong puno ng libro. Halos katahimikan ang bumabalot dito, nakaka-relax. Ibang iba sa bar ni mamita.

Lumapit kami sa barista, isang babaeng mukhang kaedad ko lang na nakangiti ang nakatayo doon.

"Good morning Ma'am, what's your order po?" Sabi nito sa amin. Tinawag na Ma'am si Jaimy dahil babaeng babae ang itsura nya ngayon.

"Ahm, dalawang coffee latte." Sabi ni Jaimy na ikinabigla ko.

Tinignan ko yung menu nila sa taas, ang mamahal ng presyo. Di ako handa!

"Libre ko." Sabi ni Jaimy na mukhang na basa ang expression ng mukha ko.

Tumingin ako doon sa barista, "Iced coffee latte yung isa miss!" Sabi ko sa kanya, at kinindatan si Jaimy.

Sinabihan kami na maupo na lang muna at ihahatid na lang sa table namin yung coffee. Ilang minuto lang ay dinala ng isang lalaki ang kapeng inorder namin.

"Enjoy your coffee ma'am. We have books po, kung gusto nyo pong mag basa pwede po. Libre naman po eh. Kaso iiwan na lang po sa table after." Nakangiting sabi nito.

Pinagmasdan ko ang mukha nya habang sinasabi nya iyon. Maputi sya, may dimple sa kanang pisngi nya at chinito pa.

"Kuyang cutie, dito po nag wowork si
Nelly?" Tanong ni Jaimy sa kanya.

Ngumiti naman si kuyang chinito kaya halos na wala uli ang mata nya. "Yes po, kilala nyo po sya?" Tanong nito.

"Friend ko sya, pwede ba syang makausap for a minute?" Tanong ni Jaimy sa kanya.

"Okay po, tatawagin ko lang." Nag thank you si Jaimy. Umalis na ang chinito para tawagan si Nelly na friend ni Jaimy.

"Uy ga!" Sabi ni Nelly ng makita si Jaimy.

Umupo sya sa isa pang bakanteng upuan. "Ga, na alala mo yung sinabi mo na nag hahanap kayo ng isa pang waitress?" Sabi naman ni Jaimy.

Lumingon sa akin saglit si Nelly na mukhang na intindihan nya na. "Ah oo, sya ba?" Tanong nya at muling tumingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, nag hi ako at nag hello naman sya.

"Nako, maari bang mag hintay ka pa ng dalawang oras? O di kaya balik ka after two hours? Kasi mamaya pang 1 ang dating ni Sir." Sabi nya sa akin.

Tumingin ako sa wall clock nila na hugis tasa ng kape, 10:37 am pa lang pala.

"Mag hihintay na lang ako." Sabi ko, at nilingon si Jaimy.

"At ikaw? Umuwi ka na. Bangag na bangag ka na." Sabi ko sa kanya, ngumisi naman sya.

Tinanong muna ni Jaimy kung ano ang pangalan nung chinito, Kitt daw ang pangalan nito. Nang malaman nya ay umalis na din sya kaagad.

"Mag basa basa ka na lang muna ng libro para di ka gaanong mabored." Sabi nya, sumangayon naman ako.

Nakita kong kinausap ni Nelly yung barista bago pumasok sa loob mismo. Sana naman matanggap ako dito, hindi kasi sapat yung sahod ko sa bar. Kailangan ko pang mag hanap ng trabaho, para na din may pang-ipon ako. Kakayod at kakayod talaga ako ng mabuti.

'My, Dy... babawi tayo.'

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon