Chapter 4
Single
"Kamusta naman?" Tanong ni mamita ng ikwento namin ni Jaimy na nag apply ako bilang waitress sa isang coffee shop.
"Na tanggap po ako!" Masayang sabi ko.
Halos pumalakpak sila Joana at Jaimy dahil sa tuwa nila para sa akin. Alam kasi nila na sobra akong na ngangailangan ng pera para sa kapatid ko pati na din para kay lola.
"Padala nga nito doon Jaim!" Sabi ni Baldo kay Jaimy.
Agad nag taas ng kilay si Jaimy kay Baldo, "Lakas mo ding mang-asar ano?" Sabi ni Jaimy at inarapan si Baldo.
Pero kinuha din nya yung isang tray na may lamang apat na beer at dinala iyon sa table na itinuro ni Baldo. Na pailing habang nakangiti akong tumingin kay Baldo. Ngumisi naman sya sa akin.
"Kailan daw ang simula mo?" Tanong ni mamita.
"Bukas na po." Sagot ko naman. Hinawakan naman nya ang kamay ko,
"Masaya ako para sayo." Sabi ni mamita, ngumiti naman ako at nag pasalamat. Halos tumayo na sya bilang pangatlo kong ina.
Kinabukasan ay inagahan kong pumunta ng coffee shop, syempre first day ko doon. Ayaw ko naman na bad record agad. Ng makarating ay na abutan kong nag bubukas na si Chinito.
"Good morning Chinito!" Bati ko sa kanya, nilingon naman nya ako at nginitian.
"Good morning..."
"Messylie, Messy for short." Sabi ko sa kanya, medyo na bigla ako ng ilahad nya ang kamay nya.
"Kitt." Sabi naman nya ng tanggapin ko ang kamay nya para makipag-shake hands.
Pumasok na kami sa loob at nag simula na syang ibaba ang mga upuan na naka-baliktad na naka-patong sa lamesa. Tinulungan ko naman sya. Nginitian naman nya ako ng makita ang ginawa kong pag tulong.
Ilang saglit lang ay dumating na din yung babaeng barista, sa likod nya ay si Nelly. May mga ngiti sa kanilang labi, pero ng makita ako ay mas lalong lumaki ang ngiti nila. Itinaas ko ang kanang kamay ko at nag "Hi!" sa kanila.
Halos mapaatras ako ng agad akong nilapitan ng babaeng barista at niyakap ako, "Masaya ako na may bagong dagdag sa pamilya." Sabi nito. Dahan dahan nag half-open ang bibig ko ng banggitin nya ang salitang 'pamilya'.
"Salamat uh... masaya din ako." At niyakap sya pabalik.
"Sama namin ka sa yakap na yan oh." Sabi ni Nelly at nakisama sa yakapan namin ng babaeng barista at ganoon din si Kitt.
"Andrea, Andeng na lang. Doon kasi ako sanay tawagin." Sabi ng babaeng barista ng kumalas na kami sa yakapan.
"Messy." Sabi ko naman.
Matapos ng welcoman ay nag simula na kaming mag trabaho, "Eto oh." Abot ni Nelly sa magiging uniporme ko. Lahat sila ay naka-uniporme pag pasok pa lang. Nag pasalamat naman ako, itinuro nya sa akin ang cr para makapg bihis na.
Tinignan ko ang itsura ko sa salamin ng na isuot ko na ang uniporme ko, medyo creamy brown ang kulay nito. Pinony ko na din ang buhok ko at sinuot na ang kulay creamy brown din na sumbrero. May nakatatak doon na AR Coffee Shop, iyon daw ang pangalan ng coffee shop na iyon.
Ilang saglit pa ay lumabas na ako, sinabihan ako ni Nelly na kapag kaunti ang costumer ako lang ang mag wiwaitress, Dahil sila daw ni Kitt ang gumagawa ng kape. Pero kapag di ko na daw kaya ay tutulungan ako ni Kitt.
Pag tapos nilang ipaliwanag ang lahat ay nag bukas na kami. Bale 9 am na kami na kapag bukas, sabi nila ay 08:30 am daw talaga ang bukas nila.
Winiwelcome ni Andeng ang mga pumapasok na costumer mula sa counter, samantalang ako ay nakikinig lang at nanonood kela Kitt sa pag gawa ng kape. Inilabas ko na ang tatlong kapeng inorder, "Here's your coffee ma'am. Enjoy!" Iyon ang sinasabi ko kapag inihahatid ko sa bawat table ang order nilang kape.
Pabalik na ako kela Kitt ng bumukas ang door glass, "Good morning Sir Adam!" Bati ni Andeng. Ako naman ay halos hindi na kagalaw.
Na sabi ko na ba na sobrang gwapo nya? Naka-black tuxedo uli sya katulad kahapon. At ano nga uli iyon? Adam ang pangalan nya?
"Good morning Andeng, nandito na ba yung bagong waitress?" Malapit kasi ako sa counter kaya naririnig ko ang usapan nila. Sadyang hindi lang nya ako na pansin.
"Ahm... Ayon po sya! Messy!" Tawag sa akin ni Andeng, agad naman akong lumapit. Halos niyakap ko na ang kakulay ng kahoy na bilog na tray ng ibaling sa akin ni Sir Adam ang tingin nya.
Dahil medyo malapit ako sa kanya kita ko kung hanggang saan lang nya ako, halos hanggang ilalim ng baba nya lang ako.
"Hi Miss Effacsin, How's your first day?" Na pa-half open ang bibig ko ng tawagin na naman nya akong 'Miss Effacsin.'
"Ahm... okay na okay po sir!" Sabi ko, tumango-tango naman sya.
"Good." Sabi nya, I bit my lower lip ng ngitian nya ako. Ibinaling na nya ang tingin kay Andeng, may sinabi sya na hindi ko na narinig. Nilingon nya ako ilang sigundo lang din at umallis na sya.
Na pakurap-kurap naman agad ako, tumingin ako kay Andeng na nakangisi sa akin, na pailing na lang ako at pumunta na kela Kitt. May ibinigay na naman syang bagong order kaya lumabas na ako para ihatid ito doon.
"Here's your coffee ma'am. Enjoy!" Sabi ko sa dalawang babae.
"Ahm miss, anong pangalan nung lalaking naka-tuxedo? Sya ba yung boss nyo dito?" Tanong ng isang babae na naka-shopao ang ipit ng buhok. Muntikan ng mawala ang ngiti ko pero agad ko din namang inagapan.
"Ah, si sir Adam po." Sagot ko, nag katinginan sila ng kasama nya.
"Single ba sya?" Nakangising tanong naman ng isa, na itiklop ko saglit ang labi ko.
'Aba malay ko! Ke-aga aga nyo namang lumandi! Laklakin nyo yang kape ng magising kayong dalawa na di kayo bagay sa kanya! Mag mumukha kayong alalay nya kapag tumabi kayo sa kanya!' Pero imbis na ayan ang sabihin ko,
"Hindi ko po alam eh, bago lang po kasi ako dito." ang na sabi ko. Na pangiwi naman sya dahil sa sagot ko. Nag paalam na ako bago pa ako bumuga ng apoy sa mga mukha nila.
Pag pasok ko sa loob ay naka-busangot na ako, at di ko alam kung bakit. "Anong nangyare?" Tanong ni Nelly. Agad naman akong umiling bilang sagot.
"Bat naka-busangot ka?" tanong nyang muli.
"Onga, pero ang cute mo dyan." Sabi naman ni Kitt, medyo na pangiti naman ako sa sinabi nya.
"Wala." Sagot ko, nag kibit balikat na lang silang dalawa.
At agad na akong na paisip...
Single nga kaya sya?
BINABASA MO ANG
Misery
RomanceAng subukang kumawala sa mapapait na ala-ala ay hindi kailaman magiging madali. Ang subukang maging masaya ay hindi magiging madali para sa akin. Ang subukang ayusin ang lahat sa akin ay kailaman hindi ko magawa. I was so Misery.