Chapter 1

16 2 0
                                    

Chapter 1

Ipinangako

"Tamang tama, oh dalhin mo doon!" Sabi ni Baldo pagkalapit ko sa kanya. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro nya.

Kinuha ko ang bilog na tray na may lamang beer at nag tungo sa special table na tinuro nya. "Here's your beer ma'am, sir." Sabi ko sa groupong naka-upo dito sa may special table.

Ang special table dito ay sofa ang inuupuan at may kalakihan ang table. Kasya ang sampung tao sa special table na ito.

At mukhang sampu sila dito, pinagmasdan ko sila saglit. Sa tingin ko ay mga kaedaran ko ang mga ito, at mukhang mag totropa pa. Halata sa mga porma nila na mayayaman sila. Hindi naman kasi cheap ang bar na ito.

Nag thank you yung lalaki na malapit sa akin, tumango lang ako at umalis na doon. Nahinto ako sa paglalakad pabalik sa bartender ng may humawak ng braso ko. Nilingon ko kung sino iyon.

"Hey..." Hindi ko ganoong narinig ang boses nya dahil sa ingay ng tugtog pero na basa ko naman ang buka ng bibig nya.

Ngumiti lang ako at nag taas ng dalawang kilay, "Yes sir?" Medyo malakas na sabi ko para marinig nya. Humakbang sya palapit sa akin, hindi ko naman agad na gawang unatras dahil sa bilis nyang makalapit pa sa akin.

"Wanna have some fun tonight?" Bulong nya sa akin, na pairap ako ng marinig ang mapang-akit nyang boses. As if naman na maaakit nya ako.

"I'm sorry, hindi ako free ngayon." Ayon na lang ang sinabi ko para lubayan nya.

"Oh c'mon, I'll make sure you'll gonna enjoy this." Sabi nya. Umatras na ako para makita ang mukha nya.

"Marami kaming babae dito na pwedeng i-uwi. Gusto mo hanapan kita?" Sabi ko at ngumiti. Kumunot naman ang noo nya.

"What?" Na guguluhang tanong nya.

"Hindi po ako available sir." Sabi ko, malakas pa din ang boses ko para marinig nya dahil hindi na kami ganoon kalapit.

Tinalikuran ko na sya para makakuha ng babae na pwede nyang iuwi. Pero nakaka-isang hakbang pa lang ako ay agad na may brasong pumulupot sa bewang ko.

What the hell?

"Alam kong nag papahard to get ka lang, c'mon." Huminga ako ng malalim para sana mag salita kaso muli syang nag salita.

"Para namang big deal ang sex sa mga katulad mo." Pag kasabi nya nito ay buong lakas kong inalis ang braso nya at hinarap sya.

"Dan--" hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng biglang na sa tabi na namin si mamita.

"May problema po ba dito sir?" Tanong nito sa lalaking nag papainit ng ulo ko.

"Messy?" Dagdag ni mamita at tinignan ako.

"Magkano ka ba?" Pagalet at malakas na tanong ng lalaki. Sabay kaming na palingon sa kanya ni mamita.

"Ahm..." Narinig ko pa iyon na sabi ni mamita kahit na pakiramdam ko ay lumalakas na ang tugtugin.

"Ako ng bahala dito." Sabi sa akin ni mamita, saglit kong tinignan ng masama ang lalaki at dumiretso na ng bartender.

"Okay ka lang?" Tanong kaagad ni Chris na mukhang na panood ang nangyare.

Tumango na lang ako, binigyan naman ako ng tubig ni Baldo. Ikinalma ko ang sarili ko, at paulit ulit na ipinapaalala sa sarili ko na kasama na ito sa trabaho ko. Ang mabastos. Hindi ito ang kauna-unahang beses, parang gabi gabi naman itong nangyayare.

Bakit hanggang ngayon di pa din ako nasasanay? Asar na tanong ko sa isipan ko. Ilang minuto pa ay bumalik na si mamita.

"Okay ka lang ba?" Pag-aalala nya. Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot,

"Ano ka ba mamita, okay lang ako. Para namang unang beses nangyare sa akin ito." Pinilit kong maging jolly ang boses ko para mapanatag sya.

Na agaw ng ng lalaking nambastos sa akin ang atensyon ko. Papalabas na sya ng bar, at kasama nya sa paglabas yung apat pa nyang kasama.

"Ano pong nangyare?" Tanong ko at ibinalik kay mamita ang atensyon ng na wala na sa paningin ko yung lalaki.

Umupo si mamita sa stool, at ganoon din ako."Inalok ko sa kanya ang iba pang babae natin dito, ayaw eh. Gusto ikaw, kaya sinabi ko na umalis na lang sya kung ipipilit nya ang gusto nya." Sabi ni mamita, nang hingi sya kay Baldo ng maiinom.

Hindi ako na kapag salita. May katandaan na si mamita, hindi ko sya kadugo o kamag-anak. Amo ko sya, amo namin sya. Pero kung ituring nya ako ay parang tunay na nyang anak. Dahil siguro na aawa sya sa nangyare sa nakaraan ko kaya ganito sya kabait sa akin. Pero okay lang. Tatanggapin ko ang awa nya, dahil kapalit naman noon ay pag bibigay nya ng tyansa sa akin para mag patuloy sa buhay.

"Natahimik ka?" Tanong ni mamita, ngumiti ako at na payuko saglit. Ibinalik ko ang tingin sa kanya,

"Sorry po talaga..." sabi ko sa kanya. Na pangiti naman sya.

"Ano ka ba, okay lang!" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

Nag pasalamat ako kay mamita. Madaling araw ng mag out na ako, "Hatid na kita?" Alok ni Chris, umiling naman ako.

Si Chris ay naging sobra kong matalik na kaibigan. Sila ni Jaimy at Baldo. Mas na una sila sa akin sa bar, kaya sobrang thankful ako ng winelcome nila ako. Na hindi nila ako tinuring na bago, para bang nakaka-ilang araw pa lang ako noon ay kung ituring nila ako parang taon na kaming mag kakasama.

"Hindi na, malayo kami sa inyo. Mahihirapan ka lang." Sabi ko sa kanya, ngumiti sya ng tipid.

"Medyo madilim pa, baka mapahamak ka." Sabi naman nya.

Na paisip naman ako doon, kaya pumayag na lang ako. Na alala ko tuloy si Jaimy, kung siguro'y kasabay namin sya malamang inaasar na naman nya ako kay Chris o di kaya'y si Chris sa akin. Nakikisakay naman itong si Baldo.

Gwapo si Chris, malaki ang katawan. Mabait, mukha lang seryoso at masungit palagi ang mukha pero mahilig talaga syang mag patawa. Katulad ko, hindi din na kapag tapos ng kolehiyo si Chris. Dahil sa kagipitan, well sa kaso ni Chris pwede pa naman. Ayaw nya lang, dahil sa problema nya sa pamilya nya. Ako naman? Pinag-iipunan ko pa talaga.

Dahil kailangan kong tuparin lahat ng ipinangako ko.

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon