Chapter 3
Hakbang
Hindi ko namalayan ang oras kakabasa ng libro, mahilig ako sa libro noon. Pero ng nangyari ang lahat ay hindi na muli ako nagkaroon ng oras para mag basa ng mga libro.
Na palingon ako sa may glass door nila ng bumukas ito, isang lalaki na naka-suot ng itim na tuxedo. Pormal na pormal ang kanyang itsura. Matangkad sya, dahil nga na sa gilid ako ay ang side view nyang mukha lang ang nakikita ko. Matangos na pointed ang ilong nya. May kahabaan ang eyelashes nya. At ang panga nya ay para bang pants na fit na fit. Kitang kita din ang kanyang adam's apple. Clean cut ang buhok nya.
Parang dahan dahang nag half open ang bibig ko ng makitang ngitian nya ang barista, kausap nya ang barista. Noong una ay akala ko oorder sya, pero ng nakita kong pumasok sya sa pinto kung saan pumasok si Nelly ay agad kong na isip na sya siguro ang amo nila.
Na patingin ako sa wall clock, 01:03 pm na. Sya nga?! Jusko! Bakit ang gwapo gwapo ng amo nila? Kahit halos kalahit pa lang ng mukha nya ang nakita ko ay masasabi kong gwapo talaga sya. Lalo pa syang gumwapo dahil sa suot nyang tuxedo. Lalo pa talaga syang gumwapo ng ngumiti sya. Parang bawat galaw o suot nya ay mas lalo lang ata syang gumagwapo.
Kakaisip doon sa gwapong iyon ay di ko man lang na pansin si Nelly na nakatayo sa harap ko. Agad naman akong tumayo, "Ay sorry, a-ano ulit yon?" Tanong ko na baka di ko na pakinggan ang sinabi nya.
"Andyan na si sir, ready ka na?" Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
Na sa loob ng shoulder bag ko ang mga papeles na kakailanganin ko sa pag-aapply. Odiba? Girl Scout ata to.
Pumasok kami doon sa pinasukan nya kanina, mag kabilaang pinto naman ang nakita ko.
"Dito kami gumagawa ni Kitt ng kape." Turo nya sa kaliwang pinto.
"At dito ang office ni Sir." Turo naman nya sa kanang pinto.
Bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim, "Pwede mag tanong?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Kamusta itsura ko?" Halos tawanan nya ako dahil sa tanong ko, pero sinagot din naman nya ako.
"Alam mo nung unang kita ko pa lang sayo ay ang ganda mo na. Pero habang tumatagal ay ba't parang mas lalo kang gumaganda? Seryoso to a! Walang halong bola." Sabi nya. Naramdaman ko naman ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa papuri nya.
I bit my lower lip, "Di naman ako ready sa papuri mo." Pagbibiro ko at pumasok na kami, hagdan naman ang sumalubong. Sinundan ko sya sa pag-akyat.
Glass door din ang pinto sa opisina nya kaya kita ang buong itsura ng loob mula dito sa kinatatayuan namin. Nakasunod lang ako kay Nelly, nakatalikod yung lalaking nakita ko kanina. Nag paalam na si Nelly at iniwan na ako.
Na palunok ako bigla, humarap din naman sya pagkaalis ni Nelly. Para bang dahan dahang namilog ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaksyon ko. Siguro ay dahil sa kagwapuhan nya lang talaga.
"Take a seat." Sabi nya at saglit na tinignan ang upuan sa harap. Na upo naman ako.
"What's your name?" Tanong nya ng makaupo ako.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Ahm... M-messylie Effacsin." Agad kong kinagat ng ibaba kong labi ng marinig ang halos pag piyok ko.
Gusto kong mag tago sa ilalim ng kinauupuan ko ng makita ang pag ngiti nya.
"Don't be so nervous, Miss Effacsin." Agad kong na bitiwan ang labi ko sa pagkakakagat ng tawagin nya ako doon.
Walang kahit sinong tumawag sa akin ng ganyan. Na paka-pormal ang pagkakatawag nya doon. Hindi lang siguro ako sanay. Hinanap nya agad ang mga papeles na kakailanganin sa pag-aapply.
"Hindi ka na kapag kolehiyo?" Tanong nya habang hawak at binabasa ang resume ko. Nag taas sya ng isang kilay at dinungaw ako.
"Ahm... gipit po kasi kami. Ahm... ako lang po kasi yung inaasahan sa amin. Kaya mas pinili ko po na yung kapatid ko muna ang mag-aral." Sabi ko, ibinalik nya ang tingin sa resume ko.
"Pero nag iipon po ako para sa pagkokolehiyo. At isa po sana sa pagkukuhanan ko ng pera para sa pag iipon ay yung sahod dito... kung tatanggapin nyo po ako." Dagdag ko, saglit nya muli akong dinungaw at muling binasa ang resume ko.
Binalot ako ng kaba dahil sa di nya pag sasalita! 'God i really need this job.' Sabi ko sa isipan ko.
"Why should I hire you? Do you think you deserve this job?" Iyon ang naging huling tanong nya.
"Ahm, maliban po sa pangangailangan ay masipag din po ako. Lahat kaya ko pong gawin, actually isa din po akong waitress sa b---" na tigilan ako dahil bigla kong na isip na baka pag-isipan nya ng masama ang pagtatrabaho ko sa bar.
"Ahm, isa din po akong waitress sa isang maliit na restaurant tuwing gabi. At ayon nga po, gagawin ko lahat para buhayin ang kapatid ko pati na din po yung tinuturing kong lola na kinupkop kami." Sabi ko sa kanya.
"Mahilig din po ako sa kape at mga libro, kaya sobrang mamahalin ko po talaga ang trabahong ito." Pahabol ko pa.
Saglitan nya akong pinagmasdan, samantalang ako ay halos pinigilan ko na ang pag hinga.
Agad namilog ang mga mata ko ng sabihin nyang tanggap na ako. Gusto ko syang yakapin sa sobrang saya kaso nakakahiya, so niyakap ko na lang ang sarili ko.
"You can start your first day by tomorrow." Sabi nya. Para akong sirang plaka na tango ng tango, at nag paalam na ako.
Pero nagkaroon pa ng kung ano anong usapan. Na kapag mag sisirado na daw, dapat ay ako ang mag lilinis ng coffee shop. Pumayag naman ako. May pinapermahan pa sya na kung ano, bago ako tuluyang makaalis.
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng coffee shop. Na patingin ako sa kalangitan, 'My, Dy... humahakbang na po ako patungo sa ipinangako ko po sa inyo.'
Halos maluha ako.

BINABASA MO ANG
Misery
RomansAng subukang kumawala sa mapapait na ala-ala ay hindi kailaman magiging madali. Ang subukang maging masaya ay hindi magiging madali para sa akin. Ang subukang ayusin ang lahat sa akin ay kailaman hindi ko magawa. I was so Misery.