Chapter 5
Iiwas
Mayroon pa akong isang oras na pahinga bago pumunta sa pangalawa kong pinagtatrabahun, sa Bar. Inalarm ko na ang phone ko, na gigising ako before 30 minutes bago mag 10 pm.
Pagod na pagod ako ng humiga na, pero parang mas lalo ko pa atang naramdaman ang pagod ko ng makahiga na. Agad din naman akong nakatulog. Halos gusto ko ng ibato ang cellphone ko ng tumunog ito, pakiramdam ko ay kakapikit ko pa lang.
Isang minuto muna ang pinalagpas ko bago tuluyang bumangon. Na ligo na ako pag katapos ay nag suot na ako ng faded blue na pantalon, at simpleng t-shirt pang-itaas. Lumabas na ako ng kwarto, nakapatay na ang ilaw dahil tulog na sila lola. Hindi na ako nag paalam at umalis na.
"Kamusta first day mo?" Tanong ni Chris, nandito din sya sa dressing room namin ni Jaimy.
"Ayos naman." Simpleng sagot ko.
"Nakakapagod ba?" Tanong nya.
"Medyo, pero keri lang." Sagot ko, nahahawa na ako sa mga salita ni Jaimy.
"Ano ka ba Chris, para namang marunong mapagod yan si Messy." Sabi naman ni Jaimy na nag aayos na, dahil sya at ang iba pang babae ang sasayaw na sa stage.
"Syempre naman pero dahil kela lola at Mett na papawi pagod ko. Ginagawa ko ito para sa kanila!" Sabi ko naman.
"Tama! Kaya ikaw Chris, kung ayaw mong nakikitang nahihirapan si Messy pakasalanan mo na! Para ikaw na ang mag hahanap buhay para sa kanila!" Sabi nya at nag patuloy sa pag lalagay ng lipstick sa labi nya.
"Mali!" Agad kong sagot.
"Hindi mo kailangan ng ibang tao para umahon, o hindi mo kailangan iasa ang lahat sa iba!" Dagdag ko.
"Tama! Pero mas mapapadali kung may katulong ka inday!" Sabi naman ni Jaimy.
"Mali! Dahil wala akong panahon sa pag-jojowa!" Sabi ko naman.
"Tama! Kaya ikaw Chris, hintay lang!" Sabi naman ni Jaimy, na pairap naman ako.
Hindi naman na nag salita si Chris, sanay na sya sa pang-aasar ni Jaimy patungkol sa aming dalawa. Kaya hinahayaan na lang nya. Well ako hindi ko hahayaan, ayaw ko namang magkaroon kahit 0.1% na aasa si Chris. Hindi sa pag-aassume, kailangan ko lang maniguro.
Lumabas na din naman si Chris, ilang minuto pa ay gumora na din si Jaimy. At ako ay binilisan ko ng ayusan ang sarili ko dahil ako na ang susunod na sasayaw sa stage. Kulay itim naman ang kulay ng suot ko, ikinulot kong muli ang buhok ko. Matapos kong maayusan ang sarili ko ay lumabas na din ako.
Sinabihan ako ng ilang minuto pa ay ako na, dinig na dinig ko ang hiyawan mula sa labas. Malamang may ginagawang pakulo yan si Jaimy. Nang matapos sila ay ilang minuto muna ang pinalipas bago ako tumungtong sa stage.
Habang sumasayaw ay inililibot ko din ang mga mata ko, ng makalapit sa pole ay na padpad ang tingin ko sa isang groupo na mukhang magkakaibigan. Halos mahinto ako at mamilog ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaking naka-gray long sleeve na itinupi hanggang siko. At mukhang naka-black jeans sya.
Inalis ko kaagad doon ang tingin ko at nag focus na lang muli sa pag sasayaw, pero halos lumilipad ang isipan ko dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig nya. Alam ko lahat ng mata ay sa akin naka-tuon, pero bakit pakiramdam ko mas ramdam ko ang paninitig nya sa akin.
Ng matapos akong sumayaw ay agad agad akong bumaba ng stage, muli na naman akong sinalubong ni Jaimy. Halos habulin ko ang hininga ko, "Anyare?" Pag-aalala ni Jaimy.
Hindi ko sya pinansin at agad na nag tungo ng Dressing room, alam kong naka-sunod lang sa akin si Jaimy. Agad akong umupo sa kinauupuan ko, na agad din namang hinila ni Jaimy ang upuan nya at itinabi sa akin.
"Hoy! Ano problema?" Tanong nya, nilingon ko sya.
"Andito yung amo ko sa coffee shop, andito si sir A-adam." Sabi ko sa kanya, kumunot naman ang noo nya.
"Eh ano?" Na guguluhang tanong nya.
Ipinatong ko ang dalawang siko ko dito sa table namin at ipinatong doon ang noo ko kaya nakayuko ako ngayon.
"Ano naman kung andyan si Adam o kung sino man yang boss mo!" Sabi nya, nillingon ko sya at umayos na muli.
"Hindi ko sinabi na dancer ako sa bar, ang sinabi ko lang na isa akong waitress sa isang maliit na resto." Sabi ko sa kanya.
"Eh bat di mo sinabi?"
"G-aga! Anong iisipin non? Na bayaran ako? Walang kaso sakin yon, yung isipin nyang bayaran o kung ano ako. Pero kapag sinabi ko, panigurado di ako non tatanggapin kung nag kataon." Paliwanag ko.
"Oo nga ano..." Sabi naman nya.
"Eh di umalis ka na dyan." Sabay kami ni Jaimy na lumingon sa may pinto. Andoon si Chris na na katayo habang hawak ang doorknob.
"Nag bibiro ka ba?" Sabi ko at humarap muli sa may salamin.
"Eh kesa makatanggap ka ng pang-iinsulto bago ko paalisin." Sabi nya.
"May point sya girl." Sabi naman ni Jaimy, umiling ako kaagad.
"Kailangan ko tong trabaho na to. Di ako aalis doon." Sabi ko. Wala naman akong narinig na sagot, at nakatayo pa rin doon si Chris.
"Hindi naman nya siguro ako na mukhaan." Sabi ko at lumingon kay Jaimy.
"Kulot ang buhok ko, at makapal ang make-up ko. Malayo sa itsura ko kapag na sa coffee shop ako." Dagdag ko, nag kibit balikat na lang si Jaimy.
"Siguro." Tanging sagot nya.
Hindi na nag salita si Chris patungkol doon, sinabihan nya lang ako na kailangan na ako sa labas. Kaya nag bihis na kaagad ako, "Eh teka, mamaya makilala ka na nya ngayon. Simple na kaya yang istura mo ngayon." Sabi ni Jaimy ng matapos kong alisin lahat ng make-up ko at makapag bihis.
"Edi... iiwas ako." Sagot ko na lang sa kanya at lumabas na.

BINABASA MO ANG
Misery
RomanceAng subukang kumawala sa mapapait na ala-ala ay hindi kailaman magiging madali. Ang subukang maging masaya ay hindi magiging madali para sa akin. Ang subukang ayusin ang lahat sa akin ay kailaman hindi ko magawa. I was so Misery.