Chapter 1: Ang bagong lipat

1.6K 7 4
                                    

 Ang bagong lipat   ------------------------------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>

“Aalis na kayo? Kalungkot naman… wala na akong kasabay kumain kapag wala akong duty, wala na akong audience at higit sa lahat, wala na akong libreng shampoo at conditioner… huhuhu “ ang sabi ni mumay habang kausap ang papaalis ng sina ate melay at kuya emman

“ano ka ba mumay, wag ka ngang umiyak dyan, malay mo naman eh yung bagong uupa dito ay gwapo, ayaw mo nun magkaka bf ka na, smile na jan!!! babatukan kita!!! Hindi ko rin iiwan itong box ng shampoo at conditioner sa’yo sige ka… “ si melay sabay haplos pa sa buhok ni mumay na upang patahain ito

 “hhhuuuuwwaaaahhhhhh!!!!....

 “ano ba mumay! Tahan na!”

 “kasi naman eh*sniff* kasi *sniff* hays, ayaw ko ng ibang katapat ng kwarto no, gusto ko kayo lang, kayo lang ni kuya emman, nothing’s permanent talaga” sabi ni mumay na umiiyak na ngayon

 “oh ito na nga, ipunta mo muna yan sa kwarto mo, matagal tagal mong supplies yan –sabay abot ng boxes of shampoo and conditioner ni melay. “wala talagang permanente per se sa mundong ito,ikaw 1year na lang at titira ka na rin sa magarang bahay… ay!  sa mansion pala ng mapapa…”

 “hhhhhhhhuuuuwwaaa!!! Wag ka nga, umalis na kayo!!! Dali!!! Pag tataboy naman ngayon ni mumay sa mag nobyo

 “oh lakas talaga ng mood swings nito, iiyak iyak ka dyan kanina tapos ngayon papalayasin mo na kami!!!”

 “eh kasi naman eh, sabihin daw ba yan, wag nga kasi ipaalala yan!!!”

 “oh melay, emman ibaon nyo sa byahe nyo, pagsaluhan nyo na lang, mag iingat kayo ah, wag nyo akong kalimutan ah, pag naka balik na kayo from Australia, pasalubong ko ah” –nangiti ngunit mangingiyak ngiyak na sabi ni manang gina

 “salamat po at wag po kayo mag alala” –si kuya emman

 “tara na nga beb, ayoko ng umiyak dito, lalo lang mgwawala si mumay eh, kala mo naman kasi hindi na kami magkikita*sniff*” –maiyak iyak na rin na sabi ni ate melay

 “hindi na ako iiyak, may fb naman, may ym, skype at kung anu anu pa, oo hindi na ako malulungkot, promise yan” –nakangiti na sabi ni mumay

 “manang, isang lalaking gwapo, makinis at binata ang paupahin po ninyo sa kwarto namin ah, para naman maaliw itong si mumay, hahaha, cge na po aalis na kami” –sabay alis na rin nila melay at emman

6mos na rin mula ng lumipat sa apartment na ito si mumay, sina emman at melay ay ang magnobyong nangungupahan sa tapat ng kwarto ni mumay, bale 6mos na rin sila magkakasama, sa loob ng mga buwan na yun, naging close agad sila, turing nila kay mumay ay kanilang baby, o nakakabatang kapatid kahit pa 3 yrs lang ang tanda nila dito.

At ngayon, umalis na nga ang mag nobyo, naiwan nila mag isa si mumay. Dito napili mag-rent ni mumay sa kadahilanan na malapit ito sa hospital na kanyang pinagtatrabahuhan, ayaw niya sa kanilang bahay dahil wala naman siya makakasama doon, masyado pang malaki para sa kanya lang.

Sa unang palapag ng apartment, may 4 na kwarto, room 1 ang kwarto ni mumay, room 4 naman ang kina emman at melay. Bale, magkatapat ang Room 1and4, 2and3, then magkatabi naman ang Room1and2, 4and3.. Sa ibang kwarto naman gaya ng room 2 , ang nangungupahan naman dun ay isang masungit na teacher kaya naman hindi ito makasundo ni mumay, sa room 3 naman ay ang mag asawang sina ogie at kris at ang kanilang super kyut na baby na si onin na madalas din na kalaro ni mumay. Hanggang 4 na palapag ang apartment, dahil sila ang nasa pinaka baba, medyo may kamahalan ang upa dito at malalaki ang kwarto kumpara sa ibang rooms ng ibang palapag.

ROOM 214 -- [ON GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon