Kabanata 6

1.6K 28 2
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Simula nung araw na nakapag-chat kami ni Azi ay nasundan na iyon. Halos araw-araw at sinisiguro ko naman na ako talaga ang mag-siseen sa kanya. Swerte niya naman.

Hindi ko din alam kung saan niya napulot ang number ko kasi minsan kahit nasa klase ay tinetext niya din ako lalo na kapag boring daw ang subject nila. Aba, anong tingin niya sakin?

"Ms. Sarrah, dyan sa dulo. Then, Ms. Alex at Ms. Iza." Nag-aarange ng sitting arrangement ang English teacher namin. College na kami tapos may gan'to pa?

"May magagayanan na din." Sambit ni Iza habang natawa ay may pag hampas pa sakin. (,--)

"Uy, Alex. Kamusta na?" Bati sakin ni Sarrah. Seriously, di naman kami close.

"Ahm, ok lang. :)" Grabe, naaawkward-an ako. Sa lahat ba naman ng pwede kong maging seatmate, bakit sila pa.

To be honest with you, guys, iba kasi silang tipo ng mga babae. Hindi ko gusto. Ang dami na nilang naging boyfriend at may mga issue issue na tungkol sa kanila. Kahit naman hindi ko paniwalaan iyon ay nakikita ko naman.

"Ah. Nga pala, kamusta na kayo ni Kevin? Niligawan ka n'un dati diba?" Kevin? High school pa kami n'un ah. Well, schoolmates kaming tatlo nung high school, si Iza ay naging kaklase ko lang ng isang beses.

"Wala. Tsaka matagal na naman iyon. Wala lang yun sakin."

"Sus, 'di ka manlang nakaramdam ng kilig kahit n'ung magkasama pa kayo dati? Dapat kasi sinagot mo na, wala ka pa tuloy nagiging boyfriend hanggang ngayon, diba Sarrah." -Iza.

'I dont need a boyfriend.' Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Okay, class, yan na ang magiging sitting arrangement niyo para sa subject ko for the whole semester. Ayoko ng palipat-lipat ng upuan. Understood?"

"Yes, Miss."

"Okay. Pupunta lang ako sa faculty at may nakalimutan lang ako."

Pagkalabas ni Ma'am ay umingay na ang buong klase. At dahil hindi ko naman kaklase si LJ dito at wala naman akong ibang kakilala o kaibigan ay tumahimik nalang ako.

"Iza, pahiram naman ako ng cellphone mo. Itetext ko lang si Mark." -Sarrah

"Sinong Mark? Yung taga-Ateneo?" -Iza

"Oo, boyfriend ko yun ngayon, ano ka ba?" -Sarrah

"Eh? Bat 'di ko alam. Buti at niligawan ka." -Iza

"Aba, ano namang tingin mo sakin? Pahiram na dali. Nawalan ako ng load eh." -Sarrah.

"Oo na, ito na po." Agad namang inabot ni Iza ang cellphone niya kay Sarrah pagkatapos niya 'tong makuha sa bag niya. Grabe, 'di ako sanay sa ganitong usapan.

"Iza," tawag ni Sarrah habang nakatingin padin at nagtatype sa cellphone ni Iza. "May number ka pala ni Azrael Montefalco?"

Azrael Montefalco? As in, si 'The Third'?

"Oo, dati pa yan. Nung nakakasama pa ako sa mga gimik nila. 'Di ko lang alam kung iyan pa ulit yung number niya hanggang ngayon."

"Buti kapa, girl. Text ko kaya?"

"Try mo. Kapag nagreply, edi yan pa ang number niya."

Watdaef? Talagang itetext niya?

'Di ko alam kung ano ang sumapi sakin at pasimple kong tiningnan ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Azi sa contacts ko.

Azrael The III Monkey
+63915*******

Takte! Natapos na atang magtext si Sarrah kasi binalik na niya ang cellphone kay Iza.

"Iza, ano nga pala ulit number ni Azi? Kunin ko." Aba aba!

"0915..."

"0-9-1-5..." Tang ***. Yan na nga yan.

Maya-maya ay bumalik na din si Ma'am kaya natahimik na ang dalawa sa tabi ko. Ayoko na. Kapag ganito araw-araw maiirita talaga ako.

Habang nagdidiscuss ay narinig kong tinatawag ni Iza si Sarrah. Bat kasi ako nasa gitna nila.

"Nagreply." -Iza.

"Anong sabi?" May pagngiti pa si Sarrah na akala mo'y nanalo sa kung saan.

'May boyfriend ka na ha!'

" 'Sino ka ba? For sure, babae ka, nagamit ka ng emoji. Maraming babae sa mundo, Miss.' Yan ang sabi. Mukhang maraming nakakatext." -Iza

"Sabi mo 'si Sarrah'. Magrereply agad yan." -Sarrah

"May past ba kayo?" -Iza.

"Hulaan mo." At may pagtawa pa na akala mo naman ay mahinhin si Sarrah.

"Okay, that's all for today. Good bye class. See you next meeting."

Mabilis na nagtayuan ang mga kaklase ko at ang mga lalaki ay biglaan na agad nawala. Ready-ng ready ah.

Agad-agad kong inayos ang mga gamit ko para sa sunod na klase at ganun din sina Iza.

"Yayain kaya natin mamaya? Ano sa tingin mo, Iza?" -Yayain na ano?

"Ikaw ang bahala. Uy, una na 'ko ha. May naghihintay na oh." -Iza.

"Haha. Sige, bye bye." -Sarrah.

"Bye na din, Alex." -Iza.

"Bye."

"Nga pala, Alex...." -Sarrah. Kakausapin pa niya 'ko? Close ba kami?

Nagdare-daretso na ako palabas at nagkunwaring hindi siya narinig. 'Di na naman niya ako tinawag pa kaya mas mabuti. 'Di ko siya lilinungin, 'no. Ano siya, maganda? Duh!

I Hate MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon