Kabanata 3

1.7K 46 1
                                    

"Alexandra, tumayo ka na d'yan. Aba, anong oras na?" Sabay katok ni Mama sa pinto ng aking kwarto.

"Opo, tatayo na."

Actually, kanina pa naman ako gising. Nagbabasa lang ako.

Lumabas na din ako sa kwarto para kumain kasi di pa ako nagtatanghalian, 11:36 na.

"Mama, anong pong pagkain?" Tanong ko kay Mama habang nagsusuklay siya ng buhok.

"Hindi na ako nagluto kasi pinapapunta tayo ni Ma'am Juliet sa bahay nila para doon na magtanghalian. Hindi ko naman matanggihan. Andoon na ang mga kapatid mo."

"Ahhh. Sige, ma, una ka na po, susunod nalang ako."

"Sige." At lumabas na agad si Mama ng bahay. Si Ma'am Juliet ay kapitbahay lang namin at isang guro .

Bago lumabas ay nagtoothbrush muna ako at nagsuklay lang. Mamaya na ako maliligo, kakain lang naman ako.

Paglabas ko ng bahay, napansin ko na ang dami palang tao.

"Hmmm? Hindi naman ako mabaho. Ok lang yan."

Dumaretso na ako sa bahay ni Ma'am Juliet.

"Hi, Alex. Bagong gising tayo ah." Bati sa akin ni Ate Carmela, ang bunsong anak ni Ma'am.

"Hi, ate. Good morning."

"Sige, kain ka ng madami ha."

"Sige sige." At umalis na din si Ate Carmela at pumunta ata doon sa mga kaibigan o kaklase niya.

"Alex," tawag sa akin ni Ma'am. "Ito ang pinggan mo."

"Salamat po."

Kumuha na ako ng pagkain kasi gutom na din naman ako. Wala ng hiya-hiya. Lol.

Nang matapos na akong kumain, dumiretso ako sa kusina nina ate Carmela para doon ilagay ang pinagkainan ko.

"Achuuu! Achuuu!"

Napakunot ako ng noo nang makarinig ako ng isang sneez.

"Oh, sh!t." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi naman ako yun, diba? Di kaya ako mabaho. Hindi pa ako naliligo pero alam ko naman ang amoy ko.

"Achuuu! Ano ba yan? Achuu!"

Dahan-dahan akong humakbang palabas ng kusina nang biglang may tumawag sa akin.

"Alex? Alex ikaw nga!"

Ha?

Napapikit naman ako ng mata ng marinig ko ang boses na iyon. Alam na alam ko ang boses na yun.

Sh!t lang oh. Aasarin ako nito. Aissh. Bakit ngayon pa? Pagminamalas ka nga naman oh.

"Ah. Ha-Hi, Azi. He-he. Sige, una na ako. He-he. Bye."

Sh!t lang talaga. Awkward akong napabati sa kanya. Shete talaga. Shete.

I Hate MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon