Kabanata 4

1.7K 44 1
                                    

Pagkatapos kong takbuhan si Azi ay hindi na muna ako dumaretso sa bahay namin. Baka kasi sundan ako at malaman pa niya kung saan ako nakatira.

Pagkatapos ng 20 minutes kong paglalakad lakad sa school na malapit dito sa amin ay nagdecide na akong umuwi. Naalala ko na hindi pa pala ako naliligo. Nakakahiya na talaga.

Habang naglalakad pauwi ay may natanaw akong direksyon papunta sa kaliwa at kanan.

"Saan nga ba ako dadaan?"

Napahinto ako kasi hindi ko alam kung sa kaliwa ba ako dapat dumaretso o sa kanan? Madalas naman ako dito pero bakit hindi ko alam ang daan pauwi?

Nakaramdam ako ng kaba at takot na baka hindi na ako makauwi sa amin.

Naglakad lakad ako pabalik sa school para isipin kung saan ba ako dumaan kanina. Pati na rin yung mga nakaraan na araw kung kelan ako pumupunta dito. Kaso inisip ko na nang inisip nang inisip kaso wala talaga. Hindi ko maalala.

Nagdaredaretso ako ng lakad at napagdesisyunan ko na sa kaliwa muna dumaan. Kapag medyo nakalayo na ako at hindi na pamilyar sa akin ang lugar ay hindi na ako tutuloy at dadaretso na agad ako papunta sa kanan.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng may biglang sumigaw.

"Ate, saan ka pupunta?" -si Grace pala, ang nakababata kong kapatid.

"Ha? Ahm. Wala lang. May sinilip lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Pakiramdam ko ay mali na ang tatahakin kong lugar kaya naman nagsinungaling na ako.

So, dapat talaga ay sa kanan ako dumaan.

"Anong ginagawa mo dito? Umuwi na tayo." Aya ko kay Grace. Gusto ko na siya makasabay sa pag-uwi para naman hindi ako mawala.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko pero ayaw ko namang sabihin sa kapatid ko. Pakiramdam ko ay mag-aalala siya ng sobra sa sasabihin ko. Siguro ay dala lang din ito ng pagod sa kaiikot ko dito at init na napupunta sa ulo ko.

"Ang weird mo, ate. Tara na nga."

Agad naman kaming nakauwi sa bahay at thankful naman ako dahil naalala ko na kung saan nga ba ako dapat dumaan kanina.

Pagbalik sa bahay ay napahiga ako agad sa aking higaan.

After pa siguro ng 7 minutes nang magdecide na akong maligo.

I Hate MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon