Kabanata 7

1K 16 10
                                    

Natapos ang dalawa ko pang subject nang hindi ko namamalayan. Nakaupo ako ngayon sa isang bench na nasa tabi lang ng hallway at nasa likod ang maluwag na field.

'Ganoon ba talaga si Azi?'

Hay naku, Alex. Assuming ka lang. Ano namang akala mo? Na ikaw lang ang kakausapin nung tao? Baka nakakalimot ka? Si Azrael Ian Montefalco III ang pinakakilala mong babaero sa buong mundo tapos magrereklamo ka dyan na kumakausap siya ng ibang babae? Tanga lang, girl? Tanga lang?

Aissh! Mababaliw na ata ako. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Nakakadepress.

"Huyyy!" Nanggugulat ba 'tong si LJ?

"Ano?" Naiirita kong tugon.

"Bat ganyan ang itsura mo? Kanina pa kitang tinatawag, e, hindi ka naman namamansin." Sabay upo niya sa tabi ko.

"Friend, may sasabihin ako sayo."

"About saan?"

"Diba, ikaw lang naman ang nakakaalam na nagkakausap kami ni Azrael?"

"Oh, tapos? Don't tell me, may nakakaalam na iba?"

"Hindi. Kasi ano."

"Ano?"

Kinukwento ko kay LJ lahat ng nangyari kanina.

"Antaray mo ha. Ano naman kung kausapin nila si Azi? Yaan mo na. Tsaka 'di ka naman nakakasiguro na magiging matagal pa ang pag-uusap nila. Baka nga mamaya naisip pa nun na baka ikaw yung nagtetext sa kanya kasi, malay natin, this past few days ay ikaw nalang pala ang kinakausap niya, diba? Bongga!"

"Tumigil ka nga. 'Di totoo yan."

"Ewan ko sayo." Bigla naman siyang umupo ng paharap sa akin at niyugyog ako. "Alam ko na, girl. What if, kung pumunta kaya tayo sa school nila? What do you think?"

"Nababaliw ka na ba? Paano kapag may makakita sa atin? Nag-iisip ka ba? Ayoko!"

"Anong 'ayoko'? Para nga ma-test natin kung kumakausap ba ng ibang babae ang Azrael mo."

"Ayoko."

"Tara na." Sabay tayo ni LJ at hila sa kanan kong braso. "Tumayo ka na kasi. Dali na."

"Ayoko sabi."

"Isa, Alex. TUMAYO KA D'YAN!"

"Oo na, tatayo na."

Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang din sa utos niya. Gusto ko din nga namang malaman kung kumakausap pa siya ng ibang babae o hindi. Pero parang ayaw ko din, paano kung may iba pa pala at nandoon pa sa school nya? Lagi niyang kasama. Lagi niyang nakikita? Hayys.

May 10 minuto na ata kaming naghihintay dito sa tapat ng school gate nila. Hindi naman kami makapasok kahit nagpupumilit si LJ kasi ayoko talaga.

"Pumayag na nga ako na pumunta tayo dito. Wag na, please." Ako.

"Ok, sige sige. Talagang hindi ka papapilit eh. Pero pwede, bili muna tayo ng kahit tubig? Uhaw na ko." LJ

"Ikaw nalang. Mamaya lumabas pa yun, hindi natin maabutan." Ako.

Binigyan naman ako ni LJ ng mapang-asar na tingin, yung nagsasabi ng 'ikaw ha'.

"Oh, bat ganyan ka makatingin sakin?"

"Wala. Baka kasi may gusto ka lang ipabili. Ano?"

"Wala. Wala na nga akong pamasahe pabalik ng school, magpapabili pa ko."

"Pasensya naman po, ano? Sige, mabilis lang ako."

"Dalian mo. Pagkabilang ko ng lima dapat nandito ka na." Sigaw ko habang papalayo si LJ.

"Grabe ka ha." Sigaw n'ya din pabalik.

Nakakakaba.
Paano kapag may makita akong kasama niyang ibang babae?
Paano kung may girlfriend pala siya dito?

Naputol ang aking malalim na pag-iisip ng may matanaw ako na grupo ng mga lalaking papasok ng campus. Agad akong nakaramdam ng kakaibang kaba kaya naman agad kong inisa-isa ang bawat mukha nila.

Palinga-linga ako ng mahagip ng aking mga mata ang mukhang kanina ko pang inaantay. Hindi ko alam kung tatago ba ako, aalis. Hindi ko alam.

Papasok na siya ng gate nang mapalingon siya sa gawi ko. Nasa kabilang kalsada na nga ako,  pano pa niya ako nakita? 😫

"Alex?" Sabay turo sakin.

Grabe!  Ito na nga ba ang sinasabi ko.  Anong gagawin ko?  Saan ako pupunta? Mygoodness.  Somebody help me?

"Uy!" Sabay ngiti at taas pa  'ko ng kamay.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko.  Pano na?  Nakakahiya.

"Sinamahan ko si LJ, nabili lang ng tubig..... " Grabe,  ang tagal niya.  Nasan na ba siya?

"Azi, tara na, anong oras na?" Singit ng kaklase niya ata. Ang epal namn nito.

"Alex,  bye na. May klase pa kami eh. Ingat ka. "

"Sige, 'kaw din. " At tuluyan na nga siyang pumasok sa campus nila.

Bat ganun?  Yung puso ko grabe ang pagtibok, ilang minuto lang naman kaming nag-usap, baka nga segundo pa eh. At kung kelan namang wala na akong kasama saka pa siya nagpakita. At yung kaklase nya, kitang kita naman na magkausap pa kami umeksena pa. Aiish.  😤😖

"Alex,  oh, tubig. " Sabay abot ng binili niyang tubig sakin. Tama, kailangan ko nga ito. Kailangang kailangan. Feeling ko nawalan ako ng hininga sa katawan.

Pagkatapos kong uminom, "LJ,  tara na. Nagkita na kami,  tara na."

"Ano? 😱 Paano? Saan?  Kelan?  Anong sabi? May kasama ba? Sino? " sunod sunod na tanong niya sakin.

"Mamaya ko na ikukwento. Tara na,  please. "

"O sya, sya.  Tara na. Tara na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon