Simula

6.7K 100 26
                                    

"My gosh! I need air."

"Hi, Elijah."

"Ang gwapo talaga ni Josiah."

"Pa-picture tayo."

"Azi, my love." -bigla naman akong napairap ng marinig ko ang pangalan niya. Kahit ba naman dito sa mall, Azrael Montefalco III padin?

"Tara na, LJ." Aya ko sa best friend ko dahil nakanganga na din siya ng makita ang mga Montefalco. (Elijah, Josiah at Azi lang.)

Goodness. Gusto kong makalayo sa kanila dahil wala akong balak na marinig ang pakikipaglandian nila sa mga fan girls na walang ginawa kundi umirit at halos maglupasay na sa sahig sa kilig.

"Friend," wala sa sariling banggit niya. Hala, nabaliw na din.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay baliw na baliw parin sila sa mga Montefalcong 'to. Wala naman silang mapapala. Nagbibigay lang ng sakit ng ulo ang mga Montefalcong 'yan.

Bitter ba? Well, totoo naman kasi ang mga sinabi ko. SAKIT SA ULO AT PUSO ANG MGA MONTEFALCO!

Naranasan ko na ang humanga sa isa sa kanila. Kay Knoxx Montefalco. Naaalala ko pa yung day na nagconfess ako sa kanya. Gumawa ako ng love letter. Inipon ko pa yung baon ko para mabilhan siya ng chocolate at mamahaling pabango. Kahit bata palang ako crush na crush ko na talaga siya kaya naman effort kung effort ako. Ang kaso noong araw ding yun agad agad nawasak ang puso ko. Nireject niya ako. Sorry daw kasi bata pa naman ako. Makakahanap pa daw ako ng iba. Kailangan niya kasi umalis at pumunta ng probinsya kaya naman hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya niyang maibigay sa akin. Grabe, na-#friendzone ako.

Pero hindi ako pumayag. Nareject na ako, syempre ang sakit kaya n'on. Hindi din naman ako ganoon kamartir kaya hindi ko agad tinanggap ang offer niyang friendship. Sabi ko kailangan ko ng panahon para mag-isip kasi nga nasaktan talaga ako at hihintayin ko nalang ang araw na maka-move on ako. At baka sakaling maging magkaibigan naman kami sa tamang panahon.

(Naks! Bumabaka sakali. At kung makapag-move on naman ako parang naging kami.)

Pangalawa, nahulog naman ang loob ko kay Elijah. Mabait siya, gentleman. Iyong tipong dream boyfriend talaga. Lumipas ang ilang taon at talagang kinimkim ko kung ano man ang nararamdam ko sa para kanya. Parang feeling ko kasi noon mas maganda kung maging magkaibigan muna kami. Dumating ang araw at bigla ko nalang nabalitaan na may relasyon na sila ni Klare. Nagulat ako syempre. Kilala ko sila bilang magpinsan tapos mayroon pala silang relasyon. Noong mga panahong iyon kulang nalang talaga ay sugurin ko si Klare at hilahin ang buhok niya dahil pakiramdam ko ay inaakit niya si Elijah. Pero lumipas ang mga araw at nakakarinig ako ng balitang hindi talaga sila magpinsan kaya naman agad-agad akong gumawa ng research about sa kanilang dalawa. At nakumpirma ko na hindi nga sila magpinsan. Noong una nalungkot ako dahil pangalawang heartbreak ko na ito pero naisip ko na okay lang naman siguro kaya hinayaan ko na lang silang dalawa. Kung saan naman maligaya si Elijah, edi go. Wala namang forever. Pero friends kami ngayon. Hihihi.

"LJ, nasaan na ba si Dette?" Si Dette ay isa ko ring kaibigan na kapatid ni Knoxx at Azi pero hindi kami ganoong nagkakasama. May usapan kami ngayon na manood ng sine. Bonding na naming magkakaibigan. Ngayon nalang kasi kami nagkaroon ng libreng time pare-pareho.

"Ha?" Wala sa sariling napalingon siya sakin. -Tingnan mo 'to.

"Kanina ka pa, ha. Nasaan na ba si Dette. At bakit nandito ang mga iyan?" Pabulong kong sambit sa kanya. Pero naiinis na 'ko. Nakakainis.

"Ha?" -Tingnan mo. Ang sarap talagang sapakin nito.

Magsasalita pa sana ako ng may asungot na biglang lumapit.

"Hi, Alex. Long time no see." Agad ko naman siyang inirapan. Panigurado mang-aasar lang ang isang ito.

Ayoko siyang tingnan. Hinding-hindi ako lilingon sa kanya dahil mukha siyang ako. Nakakarumi ang itsura niya. Mukha siyang paa at amoy paa kaya no no no.

"Go away, Mr. Montefalco."

"Sino samin?" Tanong agad ni Josiah. Nakita ko ang pagoipigil ng tawa ni Elijah.

Tinatawanan ba nila ako? Aish!

Hindi ko na sinagot si Josiah dahil nakita kong papalapit na samin si Claudette.

"Sorry ha, nalate ako." Si Claudette habang may kinakalikot pa sa bag niya. "Kuya? Bakit kayo nandito?"

"Ito kasing si Azi. Bigla nalang nagyaya na manood din daw kami ng sine kasi alam niyang manonood din kayo." -Josiah.

"Bonding namin 'to, Kuya, bakit ka naman nakikisali." -Claudette. Habang nagsasalita pa siya ay hawak hawak nito ang kanyang cellphone at tinuturo-turo si Azi. At ito namang isang ito mukhang hindi inintindi ang sinasabi ni Dette kaya naman inaya ko na silang bumili ng ticket at pumasok na sa loob ng sinehan.

"Tara na, Dette. LJ, tara na." Kinulbit ko silang dalwa at sinenyasan ang sinehan.

"Bakit ba ang sungit mo?" Akmang hahawakan ako ni Azi kaya lumayo na ako agad sa kanya.

"Sige, subukan mong lumapit at makakatikim ka talaga ng suntok sakin." At pinakita ko pa talaga ang kamao ko. Lumapit lang talaga 'to sakin susuntukin 'to talaga siya.

Tumawa-tawa muna si Azi bago magsalita. At nakakairita ang tawa niya. Parang tinapakan na aso.  Nakakairita.

"Alam mo, Alex, bagay talaga sa'yo iyang pangalan mo. A-LEX. Diba, parang panglalaki."

Agad-agad ko din naman siyang sinamaan ng tingin at sinuntok sa braso.

At nakakatawa pa talaga siya.'Mamatay ka sana kakatawa.'
Bakit ba ang galing umepal ng isang ito?

"F* you, Azi." Bago pa siya makaimik ay naglakad na ako agad papasok sa sinehan dahil alam ko na naman kung ano ang isasagot niya. Dadalihan nanaman ako ng kamanyak niyan. Oo, manyak niyang si Azi kaya wag kayong lalapit sa kanya dahil baka mahawa kayo ng kalaswaan ng utak nyan. Chupi chupi tayo, guys.

Aish! Kainis. Nakakainis talaga.

Edited.

I Hate MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon