Chapter 6: Step 1 (mapansin niya) Checked

127 1 2
                                    

dalawa ang update ko ngayon dahil hindi ako makaka pag update bukas. kasi rest day ko sana magustuhan niyo ang update.

i dedicate this chapter pala kay ate aril_daine. idol ko kasi siya eh. hehehe

i love your story ate.

XoXo

~~~~~~~~~~~~'~~~~~~~~~~~~~~~~~

Carl POV

Woooh! Ang sarap ng tulog ko.

Sigurado ako na magiging masaya ang araw nato.

Naligo na ako at nagbihis ng aking uniform.

Bumaba na ako at kumain ng aking breakfast.

Sumakay na ako sa aking baby black Tesla Model S at dumiretso na sa school.

Pagdating ko palang sa gate. Tilian na ng mga FG ang naririnig ko.

Nakakasawa na! Hindi ba nila alam na nakakarindi ang mga boses nila?

“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.” Sigaw nilang lahat.

Hindi ba sila nagsasawa sa kakasigaw? Buti hindi napapaos ang boses nila ang mga pinanggagawa nila.

Naglalakad ako sa corregidor ng Makita ko si Tito Roy. Tinawag ko siya at tumingin naman siya sa akin. Hay buti naman.

“Tito Roy.” Tawag ko sa kanya.

“Tumahimik ka nga baka marinig ka ng iba at tsaka para sabihin ko sayo Sir ang dapat na itawag mo sa akin dahil nasa school tayo ngayon.” Paalala niya. Sorry naman nakalimutan ko eh.

“Oo na po Sir! Oh masaya kana? Tss.” Sabi ko sa kanya.

“Ewan ko sayo. Oh anong kailangan mo at tinawag mo? Huwag mong sabihin na namiss mo ako. Hinding-hindi ako maniniwala. So spill it out.” Sabi niya. Grabe naman si Tito talagang kilala niya talaga ako.

“Eh kasi Sir Tito Roy, gusto ko sanang maki sit in sa inyo kung ok lang sa inyo? Pero kung hindi ok lang din sa akin. Alam ko naman na hindi niyo ako pagbibigyan sa gusto ko eh.” Sabi ko sabay tampong boses.

“Hoy Angelo ano na naman ang gagawin mong kalokohan aber?” tanong niya.

“Eh Tito bored na po ako sa headquarters, gusto ko lang naman pong maranasan ang mga discussion at kung anu-ano pa. gusto ko rin ng ordinaryong pamumuhay. Kaya sige na. please?” Pagmamakaawa ko sa kanya. Sana effective ang drama ko. Hahaha.

“Fine, sumama ka sa akin pero dapat walang kalokohan huh? Nako pag may ginawa ka hindi ka na makakabalik sa Section Commoner.” Paalala niya.

Ayos! Pumayag si Tito.

“Promise Tito no pranks at all.” Pangako ko sa kanya.

“mabuti na ang sigurado. Tara na at baka malate pa ako sa klase ko.” Sabi niya sa akin.

“ok.” Tugon ko.

Naglalakad kami papunta sa section ng Commoners. Well may aircon naman so ok lang mag stay ang kaibahan lang may lecture pa sila kami wala na. eh sa matatalino kami eh. Hahaha.

Pumasok na siya sa room at bumati sa mga estudyante niya.

“Good morning class, there is a young man who want to sit in at our class, so iho come in and introduce yourself to everyone.” Sabi niya sa mga ito.

Kaya pumasok na ako at pumunta sa harapan. Tinignan ko muna sila isa-isa at ayun nakita ko na ang pakay ko sa classroom na ito. Hahaha. Magbabayad ka sa akin nerd.

“Kyaaaaaaaaaah.” Sigaw ng mga babae. Tss. Mga babae talaga pagnakakita lang ng gwapo titili agad.

“tsss. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito?” sabi ng isang lalaki. Duh! Wala ka nang karapatan dun. Mind your own business dude.

“oo nga! Maghahari-harian na naman to dito for sure.” Sabat ng katabi niya. Eh kung upakan ko kaya siya akala mo kung sino eh commoner lang naman siya. Tss.

“Class quite! Give some respect to our King.” Saway ni Tito sa kanila. Dapat lang baka magkaroon ng rumble pag nagkataon.

“Yes sir.” Sabay-sabay nilang sabi. Good para walang gulo.

“So introduce yourself in the class now King.” Sabi ni Tito.

Kaya nagpakilala na ako.

“Good Morning section Commoner. I’m Angelo Carl Silvestre, nice to meet you all!” pakilala ko sa kanila sabay bow. Nakasanayan ko na rin kasi and to give my respect to others.

“So where do you want to seat King Carl?” tanong ni Tito sa akin.

Tinignan ko lang siya na pinapanood ang garden. Sige na nga aaminin ko kahit na nerd ang dating niya maganda pa rin siyang tignan. Crush ko nga yan eh kaso nga natatakot ako sa kanya. Bakit ba? Eh titigan ka lang niyan hindi ka na makakagalaw.

“Can I seat at the back beside Risa’s desk?” tanong k okay Tito.

So kilala niyo na ang rason kung bakit ako nanadito? Oo si Risa Hidalgo lang naman ang pinunta ko dito.

“Of course, since there is no one who occupy that seat, you can go now to your seat.” Tugon ni Tito sa akin.

So pumunta na ako sa tabi niya. Tss. Ano ba tong babaeng to tulog habang may klase. Grabe lang huh.

Dahil sa bored ako.

Sinindot ko siya ng sinindot.

Ano ba to mantika kung matulog?

Mahihirapan ata akung inisin toh. Tss.

Kaya sinindot ko lang siya hanggang sa bigla siyang nagising at

“The hell! What’s wrong with you? Can’t you see I’m sleeping? Are you blind or you just want me to be piss?” sumigaw siya ng napakalakas.

Nabigla ako sa pagsigaw niya. Pero naalala ko ang boses niya napakaganda nito. Ngayon ko lang narinig ang boses niya at napakaswerte ko dahil nagawa ko na ang unang misyon ko at yun ay ang mapansin niya ako. Kaya napangiti nalamang ako.

“Yes! Nagsalita ka rin sa wakas.” Sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa hangin.

Para na tuloy akong baliw dito. Pero paki ba nila basta masaya ako sa mga oras na ito nagsalita rin siya saw akas. Bwahahaha.

“What? You jerk! Get out!” sigaw niya sabay death glare sa akin.

Ummp. Tulon laway. Nakakatakot siya promise.

“Are you deaf? I said get out!” sigaw na naman niya.

Kaya umalis nalang ako baka may mangyari pang masama sa akin. Pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.

 ~Author's note~

hahaha. sorry bitin muna sa next chapter nalang ang kasunod.

see you on monday guiz!

XoXo

@metalstone

Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon