Chapter 2: When I See Your Face

173 6 2
                                    

"It's time to get up, the time is 5:15 A.M."  

"It's time to get up, the time is 5:15 A.M."

My phone's alarm woke me up from my heavenly sleep.

So bumangon ako para gawin yung morning rituals ko.

Papasok na sana ko sa bathroom, nung ma-realized ko na...

Today is the first day of our vacation!

Sinubukan kong matulog uli, pero wala ng pag-asa. Ayaw ng matulog ng diwa ko.

Kaya naman naisipan kong magbasa nalang ng book. Pumunta ako sa bookshelf namin, nakita ko yung librong Romeo & Juliet kaya naman kinuha ko tska humiga uli sa kama.

Nagbasa ako....

Basa.... Basa..... Basa....

Juliet: O Romeo, Romeo, wherefore art thou Romeo?  

Deny thy father and refuse thy name,  

Or, if thou will not....

Hanggang sa nakatulog ako....

Tulog....Tulog..... Tulog....

Nakaka-nosebleed naman kase! Tska napanuod ko nanaman yung movie nun. Yung kila Leonardo Di Caprio, binaril ni Jack.. I mean ni Romeo yung sarili nya. Ay hindi! Si Juliet pala ung nagpakamatay gamit ang baril. Ay hindi! Aynako, ewan ko ba kung tama ba tong pinagsasasabi ko tungkol sa story ng Romeo & Juliet. Baka sisihin nyo pa ko pagnapagalitan kayo ng teacher nyo sa English. Hahaha. Basta ang alam ko, the ending of the story was really tragical.

Pagkagising ko 10 A.M. na! So I already ate my breakfast and took a bath.

Paglabas ko ng bathroom, tumunog yung phone ko.

1  

message  

received

Gail, happy vacation! Watch ka later ng It Started with a Kiss sa ch.2, 11:45 A.M. Maganda yun friend!

From: Miles

Binuksan ko ung TV, sakto opening na ng palabas. Ang theme song pa nga "Pwede Ba" ng Soapdish.

Grabe! Kinilkilig ako habang nanunuod, ang gwapo kase nung Michael, kaso napakasuplado, akalain nyong inisnob lang yung sulat na bigay nung Jeanie. Kawawang-kawawa ung Jeanie sa kanya.

Pero sandali!

I was surprised nung biglang nag-iba yung face nung Michael. I was drinking juice that time. Kaya naibuga ko tuloy sa TV screen yung juice. Ewww!

Bakit ba kasi napalitan yung face ni Michael ng face nung guy na may mala-anghel na mukha! Shocks!

I slapped my face! Nababaliw na ko! Kung saan-saan ko na sya nakikita.

Lumipas ang ilang araw at buwan na palaging ganon, lagi ko nalang siyang naiisip, laging nasa panaginip at lagi ko nalang sya nakikita, kung saan-saan lumilitaw yung mukha nya!

Wala naman masyadong interesting na nangyari sakin ngayong vacation kaya let's move on to the first day of school. High school life!

See you to the next chapter of my life!

Dumb Ways to Make Him Fall (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon