Chapter 2

186 6 0
                                    

Chapter 2

Si—Si kuya Luke! He sent me a friend request! Woohoo! Noon, nagkaroon ako ng hard time para mag’stalk sa kanya. Naka’private kasi ang profile niya eh. Pero ngayon, hindi na.

And as what I have said, nang’stalk na ako. Tinignan ko ang mga pictures at mga posts niya.Na’realize ko na ang gwapo niya talaga. Aweeeh! Nakakakilig.

Maya-maya, bigla na lang may nag’pop-out sa screen ng Facebook profile ko.

Luke Santos: Hi! Online ka pa pala?

Me: Oo! Ini-enjoy ko lang ang essence ng weekend! Hahah. Eh ikaw?

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Ganoon na rin! Hahah!

Me: Pero nakakasama ‘yan sa height mo! Hahah! Matulog ka na nga ‘dun!

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Umiinom naman ako ng gatas at vitamins ehh! Hahah! Tsaka, mataas na rin kaya ako.

Me: Pero kahit na, hindi aapekto ng mabuti ang pagtulog mo ng late.

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Sabihin mo lang kung ayaw mo akong maka’chat.

Nako lagot! Concerned lang naman ako sa health mo ehh. Sorry na! Nako kailangan kong bumawi nito. Baka magkaroon siya ng bad impression sa akin.

Me: Hi—Hindi ahh! Actually, gusto nga kitang mas makilala pa ng husto eh!

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Ako rin! Hahah! By the way, pasensya ka na kung nagmamadali ako kanina ahh? Pero I’m really glad to meet you.

Me: Okay lang ano?! Hahah! Hindi mo naman ako girlfriend. Kaya wala akong karapatang magalit di ba?

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Kung sa bagay! May punto ka nga naman.

Me: So, pwede na ba kitang makilala?

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Siyempre! So alam mo na yata pangalan ko ano? Sa June 16 ang birthday ko. May younger sister ako at kaming dalawa lang ang naging bunga sa pagmamahalan ng mga magulang namin.

Actually, alam ko na naman talaga lahat ng information na ‘yan eh! Daig ko pa si Detective Conan kung makapag’investigate. Ang gusto ko lang naman talagang malaman ay, may girlfriend ka na ba? Haha!

Me: Ahh, ganun ba? Well, ako mag isa lang akong ipinanganak. Sa December 18 ang birthday ko. ‘yun lang, wala na akong masabi eh.

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Matanong ko lang…

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Uhhh…

Luke Santos is typing…

Luke Santos: May boyfriend ka na ba?

Oops! Ba’t niya naman kaya natanong? Is he really interested upang malaman kung mayroon na talaga. Oh baka, may nagpapasabi lang.

Me: Paano kung sinabi kong meron? Haha!

Luke Santos is typing…

Luke Santos: May magagawa ba ako? Haha!

Nako! Nako! Nako! Mukhang may nagpaparamdam dito ahh.

Me: Wala! I mean, wala pa akong boyfie. NBSB ‘to!

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Ahh, mabuti naman kung ganun! Oy, late na! Sige matulog ka na! Matutulog na rin kasi ako.

Me: Ramdam ko nga rin. Sige, good night kuya!

Luke Santos is typing…

Luke Santos: Good night rin!

Agad naman akong nag’log-out. At heto, hindi pa ako inaantok. Sino ba naman ang aantukin kung bigla ka na lang kakausapin ng crush mo? I need someone to talk to. Matawagan nga itong si Gail.

“Hello Gail! May sasabihin ako sa iyo! Good news!”, sabi ko kay Gail with an excited tone of voice.

“Napatawag ka na naman? Hayst! Kakatulog ko lang tapos dinidisturbo mo ako.”, sabi niya na with a sleepy voice.

“Ay sorry! Mehehe!”, sabi ko at tumawa.

“Ikaw talaga! Haha! Oh, ano bang gusto mong sabihin at napaka-excited ng tono ng pananalita mo?”, tanong niya sa akin.

“Ano kasi, in’add ako ni kuya Luke sa Facebook!”, sabi ko na pasigaw.

“Talaga! Magpasalamat ka sa akin! Haha!”, sabi niya habang tumatawa.

“Not you, sa kuya mo! Hahah!”, sagot ko naman.

“Oh, ‘yun lang ba? Matutulog na ulit ako. Ang ganda na sana ng panaginip ko.”, sabi ni Gail.

“And, not just that! Guess what!”, sabi ko na excited pa rin ang boses.

“Oh ano? Ni’like niya ‘yung mga posts at profile picture mo? ‘Yun ba?”, ang pag’guess niya.

“Mali! Hahaha! Ano, nag’chat kami! Parang ‘Get to Know You’ lang.”, pagpapaliwanag ko.

“Talaga! Wow! Ang swerte mo naman! Ikaw na talaga girl! Ikaw na! Hahaha! Nakakainis ka! Buti ka pa, napansin ka nan g crush mo, samantalang ako, parang invisible lang.”, sabi niya na mukhang malungkot. O malungkot talaga.

“Hayaan mo, mapapansin ka rin niya. Magtiwala ka lang. Tulad ko! Hindi ko nga inasahan eh.”, pagpapaliwanag ko sa kanya para hindi na siya malulungkot.

“Kung sa bagay, tama ka nga rin naman! Sige, sige matulog na tayo at maaga pa tayo bukas! Haha! Good night!”, sabi niya.

“Sige! Good night best!”, sabi ko naman.

Sinuwerte yata ako ngayon. Ito naman kasing si Gail, crush niya ‘yung isang senior na napakatalino. Si kuya Blake Samonte. Kaso lang, malabong mapansin siya ni kuya Blake. Pero like me, dapat magtiwala rin siya dahil in an accidental or coincidental way, magkakatagpo rin sila.

Excited na talaga ako sa Monday, paano ba naman kasi, baka magkakausap na naman ulit kami ni kuya Luke. Hoping for the best! But for now, kailangan ko ng matulog dahil may date pa kami ni Gail bukas.

Operation: Make the Ice Prince Fall™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon