Chapter 3
Kumakain na kami ng breakfast with my mom and dad. Si mom ang nagluto ngayon at ang niluto niya ay ‘yung Chicken Cordon Bleu raw. Ewan ko kung tama ba ‘yung narinig kong sabi ni mommy.
First impression ko dito nang tinignan ko ay napakasarap. At ‘nung tinikman, napaksarap nga. Mas masarap pa sa inakala ko.
“Ang sarap naman nitong niluto mo mommy.”, sabi ko.
“Oo, tinuruan kasi ako ng kumare ko nito. First time kong lutuin ‘yan! Masarap ba?”, sabi ni mommy.
“Honey naman, kakasabi nga lang ni Sophia na masarap eh.”, sabi naman ng daddy.
“Ay, sorry na hon! Haha! Gusto ko lang namang marinig na masarap eh.”, sabi ni mommy kay dad.
“Kailan ka pa ba nagluto ng hindi masarap? Haha!”, sabi naman ni daddy.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang natapos na kami. Ipinahatid ako ni mommy at daddy sa driver namin patungo sa SM Mall of Asia.
As what we have agreed, sa Starbucks kami magkikita. Kaya patungo na ang mga paa ko sa kinaroroonan ng Starbucks ngayon.
Agad ko namang nakitang umiinom ng Frappuccino si Gail with, with her brother. Si kuya Ice Stephen Mendoza. Siya ang team-mate ni kuya Luke sa basketball. At siya rin ang dahilan kung bakit kami nagkakakilala ni kuya Luke, my one and only love.
“Oh, andito ka na pala! Late ka ng 18 minutes! Haha!”, sabi ni Gail at tumawa.
“Hindi ka ba nasanay sa Filipino Time ng mga Pinoy?”, tanong ko naman.
“Sanay! Pero alam kong hindi ‘yan ang rason, kasi, alam kong napuyat ka kagabi!”, sabi niya na mukhang nanunukso.
“Napuyat ka diyan, tigilan mo nga ako diyan! Hali na nga kayo.”, sabi ko.
Umuna na akong naglakad dahil nahihiya ako sa big brother ni Gail. Awkward naman rin yata kasi. Ayaw ko ding maging echosera ano? ‘Yung tipong feeling close.
“Nagmamadali ka yata Star! Teka lang!”, sigaw ni Gail sa akin.
“Ahh, pasensya na kayo. Masyado lang talaga kasi akong excited.”, pag-eexcuse ko.
Agad naman akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina. I mean, bumalik ako papasok sa Starbucks.
“Ano ka ba naman? Kanina tinignan ko ang schedule sa 10 AM pa ang schedule. Dito muna tayo.”, sabi ni Gail at pinaupo ako sa bakanteng seat.
Nagtinginan si Gail at ang kuya Ice niya ng saglit.
“Ay, oo nga pala! Star, si kuya Ice! Siya ‘yung basketball player kong kuya!”, pagmamalaki ni Gail.
“Hi kuya!”, sabi ko kay kuya Ice.
“Uhh, hi din! Ikaw pala si Star, alam mo, palagi kang kinukwento sa akin ni Gail.”, sabi ni kuya Ice at ngumiti.
“Ganun ba? Haha!”, sabi ko at tumawa na lang.
“Oo, ganda nga ‘nung name mo eh. Pwede ba kitang tawaging bituin?”, tanong niya.
Nagtinginan naman kami ni Gail at tumawa. Tumawa na rin siya.
“Si kuya naman talaga oh! Star, pasensya ka na diyan sa kuya ko ha?”, sabi ni Gail na nakangiti.
“Ano ka ba naman. Okay lang, kahit anong tawagin mo sa akin ‘wag lang akong ma-offend.”, pagpapaliwanag ko.
“Yehey! May bago na akong kaibigan! Si Bituin!”, sabi ni kuya Ice na parang bata.
Nagulat ako sa naging reaction niya. Nakakatuwa lang dahil ang cute niya. Pero hindi ko siya type ha? Tsaka, may girlfriend na ‘yan! Si Aia Mendez, ang captain ng cheerleader ng school. Marami-rami na rin siyang naging boyfriend at kahit isa, walang nagsu-succeed.
“Pasensya na ulit dito sa nag-aasal bata kong kuya.”, sabi ni Gail.
“Okay lang! Ang cute nga eh.”, sabi ko at tumawa.
Nakita kong 9 AM na kaya agad kong sinabihan sina Gail at ang kuya Ice niya. Para makabili rin kami ng makakain at maiinom.
“Hali na kayo! 9 AM na, bli tayo ng mga popcorn, at iba-ibang pagkan at maiinom. Tara!”, pag-anyaya ko sa kanila.
“Ay, oo nga! Sige, hali na kayo. Pero bago ‘yan oorder muna tayo.”, sabi ni Gail.
“Sige ba!”, sabi ko.
Kaya um’order na kami ng Frappuccino tig’isa-isa. Maya-maya, naglakad na rin kami patungo sa Movietime area ng Mall of Asia.

BINABASA MO ANG
Operation: Make the Ice Prince Fall™
RomanceThis story revolves around two persons. One is a prince with a frozen heart. While the other one is a girl with a warm heart. One task is set to make their opposite worlds collide. Copyright © 2013 OhMyGeeboXD [Cover By: MaevelAnne]