Chapter 5
It’s another school day. At heto na nga ako papunta sa classroom. Sana makita ko si kuya Luke na friend ko na sa Facebook last Friday!
Speaking of kuya Luke, nakita ko nga siya. Pa’salubong ang direksyon namin. Sana kausapin niya ako, para naman may inspiration ako. Mahilig rin kasi ako sa tinatawag nilang “Monday Sickness” eh!
Oops! Heto na nga siya! Nag’kunwari lang akong parang wala lang.
“Oy Star! At last nakilala ko na rin ang pinakamatalinong babae sa Juniors! Hahaha!”, sabi niya sabay tawa.
“Anong pinakamatalino ang pinagsasabi mo diyan kuya? Hahah! Ikaw naman talaga oh!”, sabi ko sa kanya.
Waaaah! Ang hirap naman talagang pigilan nitong kilig ano? Heto at nagsisimula nang tumulo ang mga pawis ko.
“Hahaha! Bakit? Hindi ba totoo?”, tanong niya.
“Matalino nga ako, pero hindi ako ‘yung pinakamatalino. Hahahah!”, sabi ko sabay tawa.
“Iyan ‘yung gusto ko sa’yo eh! Pagiging humble mo.”, sabi niya na mukhang nabigla.
Gusto raw?! Nako! Mukhang hindi na ako masyadong comfortable dito ah. At ‘yun na nga, nahulog ‘yung libro ko. Tssk. Ano ba naman ‘yan! Bawas ganda points!
“Oyy! Tulungan na kita!”, sabi niya at kinuha ang libro.
“Salamat nga pala! Ano rin, I’m glad na nakilala ko ang pinakamagaling na basketball player sa campus!”, sabi ko at ngumiti.
“Tulad nang sa iyo, magaling ako, pero hindi rin ‘yung pinakamagaling.”, sabi niya at ngumiti rin.
Waaah! Nakakatunaw ‘yung ngiti niya. May spark pa! I’m seeing a smileof an angel, I guess.
“Hahaha! Sige, mauna na ako. Mukhang napahaba yata pag-uusap natin dito.”, sabi ko at nagpaalam.
“Sige! Bye!”, sabi niya at nag’wave sa akin.
Whew! Ewan ko lang kung ano ‘yung nararamdaman ko kanina ha? Pero ang lakas tumibok nitong puso ko. Gusto yatang lumabas. Halos masira na ‘yung rib cage ko.
Pampagana ka mo? Ayun at naganahan na nga ako sa mga susunod na pangyayari! Thanks to kuya Luke! Waaaah! Hindi ako makapaniwala sa nangyari, at nangyayari.
Dahil sa pangyayari, ngumingiti-ngiti lang ako habang naglalakad patungo sa classroom namin na nasa second floor ng third building.
“Oyy! I can smell something fishy!”, sabi ni Gail.
“Ikaw talaga! Panira ng moment! Haha!”, sabi ko sabay tawa.
“Aba! Aba! Aba! Nagmo’moment ka pala ha? Eh, ano bang mino’moment mo na ‘yan?”, sabi niya sa akin.
“Ano kasi, kasi kinausap ako ni kuya Luke! Waaah! Isn’t it sweet?!”, sabi ko sa kanya.
Feeling ko namumula na ako. Paano ba naman kasi, nakakakilig ‘yung moment na kinausap ka ni crush. Ramdam niyo ‘yun?
“Sige ikaw na! Ikaw na talaga!”, proud niyang sinabi.
Dumating na rin kami ni Gail sa classroom. Pagtingin ko sa relo, 7:30 AM na. Pero bakit hindi pa rin ba nag’ring ‘yung bell? Kainis naman oh, aga-aga kong gumising for this.
“So, saan ka magau’audition?”, sabi ni Gail.
“Sa PBB? Hintayin ko lang ‘yung announcement sa TV. Bakit?”, sagot at tanong ko.
“Ulol! Hindi sa PBB! Dito sa campus! Nakalimutan mo na ba? Annual auditions ng Legaspi Academy ngayon!”, sabi niya.
“What?! Oo nga pala! Kaya pala walang flag ceremony! Aisht!”, sabi ko.
Tumawa lang ng tumawa si Gail because I’m getting older na raw. Ito talagang si Gail, parang siya hindi! Well, moving on hindi man ako nakapag’prepare, kailangan kong sumali ng kahit isang club.
“Uhmm, alam ko na kung saan ako magau’audition!”, sigaw ko.
“Eh, ano naman ‘yun?”, tanong ni Gail.
“Gail, pwede mo ba akong tulungan?”, sabi ko sabay hawak ng kamay niya.
“Teka, ano nga ba ‘yung gusto mo?”, tanong niya ulit.
“Di ba, nagkaroon ng relasyon si kuya Ice at Aia dahil sa sabay-sabay na practice ng cheer leading team at basketball team ng school natin?”, tanong ko.
“Oo!”, sabi niya na naka’kunot ang noo, “Wait! Star, ‘wag mong sabihin sa akin na ‘dun ka sa cheer leading?”
“Sige, hindi na kita sasabihan! See you later!”, sabi ko sabay lakad.
“Teka lang! Teka lang! Seryoso ka?”, tanong niya.
“Bakit? Wala naman yatang masama di ba?”, sabi ko.
“Well, wala naman! Sige na nga, tulungan na kita.”, sabi niya at dinala ako sa practice room ng dance troupe.
Oo nga pala, miyembro siya ng dance troupe, kaya nga nagpapatulong ako sa kanya. At heto, papunta na kami sa practice room nila.
At ‘nung dumating na kami, siyempre, namangha ako? Halos lahat ng corners puro salamin!
“Wow! Bukod sa malaki, ang ganda! Ang daming salamin!”, sabi ko habang tumitingin-tingin sa paligid.
At kung hindi ko naiku’kwento sa inyo, dati nga rin pa lang miyembro si Gail sa cheer leading team. Siya pa nga ‘yung captain eh. Kaya alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili ng choreographer ko.
Sinimulan niya na akong turuan ng basic steps para dito. Ang dali lang pala! Sigurado akong kaya ko ‘to! That’s the spirit Star.
“Oh, ano ready ka na ba? Basta, gawin mo ‘yung best mo! Tsaka ‘yung signature ko noon na nakapagpasikat sa akin. Ako lang nakakagawa ‘nun kaya nga ako sumikat sa campus.”, sabi niya sa akin.
“Salamat talaga Gail ha? Hahah! Sige, ang hirap naman ‘nun pero buti na lang tinuruan mo ako sa secret!”, sabi ko sabay tawa.
“So ano? Kain na tayo? Nagugutom na ako eh. Libre mo na ako!”, sabi niya.
“Ano?! Libre?!”, sigaw ko, “At dahil tinuruan mo ako para sa auditions mamayang 1 PM! Sige na nga! Hali ka na!”
Kaya inayos na namin ang mga sarili namin. Siyempre, puno sa pawis. Tapos, kinuha naman namin ang bag namin at lumakad na.
“Ang layo naman nitong practice room niyo sa cafeteria!”, sabi ko.
“Abay dapat lang! Para hindi matuksong bumili! Haha!”, sabi ni Gail sabay tawa.
Tumawa kaming dalawa at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa umabot na nga kami sa cafeteria. Whew!
“Hali ka! Ano gusto mo diyan? Pili ka na!”, sabi ko kay Gail.
“Uhmm, chicken, spaghetti at isang rice lang sa akin!”, sabi niya.
“Okay! Miss,isang chicken, spaghetti at rice sa isang plate! Tapos isa ring beefsteak at rice sa isa ring plate.”, sabi ko.
“Order, coming up ma’am!”, sabi niya.
Nang matanggap na namin ni Gail ang mga order namin, agad naman kaming kumain at meron ring kaunting conversations.
“Ready ka na ba mamaya?”, tanong niya.
“Ready na ready na talaga!”, sabi ko.
“That’s the spirit Star! Keep that up and I’m sure you’ll be the star!”, sabi ni Gail.
Kahit na puno ‘tong fighting spirit ko, sigurado talaga akong manginginig pa rin ‘tong mga paa ko mamaya kapag ako na ang sasalang sa dancefloor.
BINABASA MO ANG
Operation: Make the Ice Prince Fall™
RomanceThis story revolves around two persons. One is a prince with a frozen heart. While the other one is a girl with a warm heart. One task is set to make their opposite worlds collide. Copyright © 2013 OhMyGeeboXD [Cover By: MaevelAnne]