[27] Plan

27 1 7
                                    

[27] Plan

Carl's POV

"Okay Elly. Later? Yes! Okie bye!"

Nandito kami sa isang hindi na ginagamit na classroom. Maganda kasi tumambay dito. Kahit na hindi na siya ginagamit, napapakinabangan pa rin because of the aircon and chairs na maayos rin.

Iba talaga dito sa school ni pinsan.

Liana's having a conversation with Eliana on the phone. They're going to buy some stuff in the mall.

Window shopping. Girl bonding. Buy stuff.

Well, that's what I heard.

Binalik niya na yung phone niya sa bag then I saw her facing at me.

"Carl, ba't ba kanina ka pa tahimik? Is there something that bothers you?" Concern niyang tanong.

I shook my head. "I'm fine. Malapit na yung next class mo. Let's go."

Kinuha ko ang bag niya sa kanya as we go outside to her next class.

Alam kong medyo nawe-weirdohan na sa akin si Liana pero I just can't stop thinking about Arrhythmia.

Hindi ko pa rin nakukuha ang mga sagot na gusto kong malaman. I just want to protect her. Ayoko nang maulit ang nangyari kay Liana pagkatapos nung ginawa ni Treah sa kanya.

I hope that's the last.

I'm really fcking worried.

"Carl. Hello, hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko akin na yung bag ko."

I looked at her. "Why?"

"Anong why ka dyan! We're here already! Sabi ko na nga ba there's something bothering you!" Sigaw niya at tsaka mabilis niyang nahablot ang bag niya sa akin and woah.

She gave me a peck on my cheek.

Parang bigla akong nabuhay.

"Para naman bumalik ka na sa reyalidad Mr. Lopez. Babush na. I'm just going to text you later. Aalis din kami ni Elly so no worries, okay?"

I just nodded at her, still in shock.

Wow, I didn't expect that coming from her.

I just smiled. I'm really blessed to have her.

I'm really lucky and blessed to have Liana in my life.

As I walk down the stairs, something came up on my mind.

Plan it is.

Thank heavens for having my schedule lighter these days than usual.

I have time to seek the answers that freakingly bothers me.

Just hang on there bud. I'm on my way.

Third Person's POV

"ANO?!" Mariin na sigaw ng matandang lalaki sa kanya.

Isang makapangyarihan na lalaki.

Patuloy na humihingi ng dispensa ang isa ring lalaki na ka-edad niya na bumubulyaw sa kanya.

Ngunit hindi siya makapangyarihan katulad niya.

Napahilamos naman sa mukha ang makapangyarihan na lalaki at tsaka siya bumuntong hininga.

"Makakaalis ka na." Kalmado niyang sabi na animo'y walang nangyari.

Umalis siya sa inuupuan niyang swivel chair at tsaka siya pumunta sa isang pinto na matagal niya nang hindi pinapasukan.

The DareWhere stories live. Discover now