[17] Expect The Unexpected

64 11 5
                                    

[17] Expect The Unexpected

Eliana's POV

Nandito kami ni Lians sa bench kung saan tanaw ang iba't-ibang buildings ng bawat departments ng university na to.

Actually, kanina ko pa pansin ang pagka-loner nito ni Lians at mukhang wala sa sarili. Wait. May pasok pa pala siya!! ~'O'~

"Lians, ayos ka lang? Sabi mo may pasok ka pa ng 11:00? 10:30 na! Nandun pa yung main library sa kabilang building na pagkukunan mo ng info!"

Gosh. Ano ako dito, hangin na napadaan lang? Tulala lang ang loka kong kaibigan.

"Hello? Earth to Liana?!" Grabe hah! I even put my hands infront of her face and waved it para mapansin niya na alive and kicking pa ang katabi niya.

Lumingon naman siya kaso mukhang wala siya sa mood ngayon. "Bakit ba?"

I just hold her forehead and neck to feel if there is something wrong. I held her pulse and looked at my watched and feel her heart beat to know its rate. "Are you sick? Tell me. Or there is something bothering you?" Parang abnormal yung rating. It was beating so fast but becomes slow after 15 seconds. What is wrong with her?

"Wala to. Don't mind me. I gotta go." Wait. What the? She'll leave me here alone?

"Hoy! San punta mo?!" Yung totoo? Iiwan niya talaga ako?! At baka mamaya kung ano pang mangyari doon dahil wala siya sa sarili niya at mapahamak pa siya.

She waved at me. "Uwi na." Omo. Mukhang may nagbo-bother nga sa kanya. Siguro, she needs space first at gustong mapag-isa. Well, if that's what she wants, hahayaan ko muna siya.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa bench at nag-stretching. Okay. Mukhang ako ata ang pupunta ng main library ngayon for Liana's needed info's para sa Physics at Math.

Sa medicine kasi, kasama pa yang mga subjects na yan. And I hate it. Gusto ko lang ng medicine dahil I love to treat ill people but I don't want to study for almost 9 years of my life. It's like, I wasted it just to finish this course. Poor me.

I grabbed my bag and went my way to the main library. Mukhang pagdating ko doon, haggard na ako. Ang layo kasi.

"Hi Eliana." ⊙__⊙ Luh. Sino yun?

I just faced backwards kaso I saw nothing. Nah, baka guni-guni ko lang yun. "Bulaga!"

"Ay kabayong bakla!" Omo. May manggulat ba naman sa akin? Then I saw it, it's Kenneth, the guy I saw on the mall.

He chuckled. "Eliana naman, hindi ako kabayong bakla! Tsaka, where are you going?" Ang cute ng tawa niya hah. Cute lang, walang malisya yun. Lamang pa din si Hiroto no.

"Sa main library, why?" He smiled. "May I accompany you to go there? Tutal, wala naman akong ginagawa. Napadaan lang naman ako dito sa G.U because I visited a friend." Ah, ganun ba?

"Sige it's okay to---"

"IT'S NOT OKAY. " Nahigit ako ni Hiroto at napayakap sa kanya. Kyaaahh! Ang bango. I wonder if may abs to. xD Hush lang kayo!

"Woah. Woah. Chill lang dude. Wala naman akong masamang intensyon kay Eliana. I just wanted to accompany her---"

"Then I'll do it. Just shut up and leave us alone." Omo. Mukhang galit na to. Nagulat naman ako ng he held my hand at naglakad kami ng parang walang nangyari.

"Um, Hiroto?" Bakit mukhang lutang at wala sa sarili ang mga tao ngayon hah?

Nakarating kami dito sa library ng walang imikan. Ano bang problema nitong siopao na to?!

The DareWhere stories live. Discover now