Chapter 3
*Elioto's Park*
A/N: Thank you so much at dahil dyan, ikaw dine-dicate ko! Thank you so much talaga @imyourbabycupcakes! Stay tune okay? Love you!
Grabe talaga kanina! Ewan ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Feeling ko umiinit na yung mukha ko ngayon! >///< Si siopao kasi sabihan ba naman ako ng I Love You?! Pero as a friend yun ah! Masamang mag-assume kasi mag-mumukang feeler ako noh! Pero feeling ko kung may ano ako sa tiyan ko and feel ko rin that my heart beats faster than the normal speed!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko and inaalala lahat ng memories ko with hiroto nung mga bata palang kami. Ang sarap talaga pala balikan lalo na nung nagkahiwalay kami sa isa't-isa!
Inopen ko yung laptop ko kasi hahanapin ko siya sa facebook. Nakalimutan ko na kasi yung name ni siopao noon kasi "SIOPAO" nalang palagi tawag ko sakanya dati kaya nakalimutan ko na yung real name niya!
1,978,499 friends! Ba't andami niyang friends? Halos puro babae lahat ah! Prince nga pala kasi siya sa school. Infairness gwapo niya sa DP niya--- W-wait? Tigil-tigilan mo nga Eliana ang pagiging malandi! And FYI Onti lang na gwapo siya okay? Onti lang!
So ayun in-add friend ko na siya. Gusto ko rin siya kasi maka-chat itong si bestfriend ko!
Nagulat nalang ako nung biglang may nag-appear na chatbox
Hiroto
(Hi cutie ko! Nagulat ka ba na andami kong friends?)
Me
(Hindi naman kasi "prince" ka nga nila diba?)
Hiroto
(But you are the only one in my heart cutie ko)
Ano ako lang? Gulay kinikilig me! >///////<
Me
(Huwag mo nga ako bolahin! O sige offline na me! goodnight na siopao!)
Hiroto
(Bukas gising ka ng maaga pupunta ako sa inyo bye! goodnight sweetdreams cutie ko)
Magre-reply sana ako kaso nag-offline na siya. Anu raw? Pupunta siya dito? O.O Ano namang pakulo niya yun?
Oh well, joke lang siguro yun matutulog na lang ako inaantok na kasi ako
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
***
*poke*
"Anebenemenyen! Natutulog pa ako ma!"
*poke*
"AISH mamaya na! Male-late naman yung professor namin eh!"
"Weh talaga?!"
HUWWAAAAHHH!!!! Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?
Nakita ko lang naman ang mokong na bestfriend ko sa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na bagay sa kanya yung school uniform namin!
"Anong ginagawa mo dito? Sino nagpapasok sayo?" pumunta nga talaga siya sa bahay!
"Diba sabi ko pupuntahan kita and si tita ang nagpapasok sa akin dito! Kaya bangon na! Male-late pala prof natin then good! May pupuntahan tayo!"
"A-ano? San tayo pupunta?" ano ba yan dapat di ko nalang sinabi!
"Basta! Sige I'll wait sa baba maligo ka na!"
So ayun naglagay lang naman ako ng light make-up and medyo kinurl ang buhok ko and sinuot na ang uniform ko. May pupuntahan daw eh!
"Sakay na cutie ko!" infairness ang laki talaga ng pinagbago niya! Yung mukha niya, yung puro fats na naging muscles na...
UUUUGGGGHHHH! Nagde-day dream na naman ako!
"Um Eliana huwag kang magulo, wait" huh bakit?
A-ano to? O///O bakit lumalapit siya sa akin? Hahalikan niya ba ako? Please Lord help me! Ipipikit ko na sana yung eyes ko nang...
"Oh ayan okay na! LET'S GO MY CUTIE!"
Beyen kinabit lang pala yung seatbelt kabitin! Di man lang natuloy... Ano sabi ko?! Nawawala na ako sa katinuan ah?!
AKWARD SILENCE ang namamagitan sa amin ngayon at nabibingi na ako! Paano ko to sisimulan? Okay Eliana! Inhale! Exhale!
"Hiroto/Eliana" nagkasabay pa kami =________=
"Ah ikaw muna/You first"
"Well ladies first then you should speak first" hay! PAYN!
"Um hiroto saan ba tayo pupunta?"
"Well that's secret! Medyo malayo pa kaya matulog ka na muna" medyo inaantok na rin ako
"Okay thanks so ano muna sasabihin mo?"
"Ah yun ba? Wag mo na intindihin yun sige tulog ka muna"
--------------------
Sentosa, Singapore
"What the heck is the meaning of this?!" ayoko na dito!
"Well my dear mother, I'll be leaving tomorrow here at this stupid place!" kainis! Wala na akong pakialam kung magalit man siya
"You're not leaving without your father and my permission" eh ano naman? wala nga silang pakialam sa akin
"I dont fcking care! I'm leaving this country with or without your permission!"
"You don't have the rights to speak to me like that! Remember that your only my son! Hey Carl!"
And with that umakyat na ako sa room ko. Bukas na bukas aalis na ako dito at pupuntang Pilipinas para doon ipagpatuloy ang studies ko and hanapin ang aking cousin na si Hiroto. Na-miss ko rin yun kahit nababanas ako sa kanya. Wala lang kasi ako magawa. Oy walang basagan ng trip!
Eliana's POV
Nandito na kami ni Hiroto sa park na pinupuntahan namin nung mga bata pa kami. Halos lahat walang nagbago dito. Dito ko siya first na-meet. Ito ang pinupuntahan namin dahil nga sa magandang scenery, masarap sa pakiramdam and malakas ang simoy ng hangin. Para sa amin, ito ang EliOto's Park.
"Cutie ang ganda oh! Ni hindi pa nagbabago dito!" napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang lahat
"Lahat ng good memories natin andito sa EliOto's Park!" ELIana + hirOTO = EliOto ^______^
"Hindi mo pa talaga nakakalimutan yun? Oh BTW, may DSLR ako picture tayo!"
Noon, palagi rin kami nagpi-picture. Halos mapuno na ang camera niya noon dahil sa pagte-take ng shots ng kami magkasama!
"Okay cutie ko, 1, 2, 3 cheese!"
And naka-peace sign ako while siya naka-akbay sa akin.
So ayun nga nag-gala gala lang kami sa park and nagbike haha!
And picture ng picture kami dun sa Elioto's Park minsan selfie, minsan kaming dalawa at minsan yung mga sights dun sa park...
Sana huminto nalang ang oras para makasama ko siya ng matagal...
WAIT! Talk about ORAS! Omo!! 20 minutes nalang male-late na kami!
"Siopao u-um i think male-late na tayo. 20 mins. nalang before 8"
"A-ah ganun ba? Halika na ang sarap talaga pag kasama mo ang bestfriend mo! Lalo na ang minamahal mo"
"Siopao may sinasabi ka?" parang may binulong siya
"Don't mind me. Sige oh pasok na male-late na tayo"
Itutuloy
YOU ARE READING
The Dare
Fiksi PenggemarPaano kaya kung nagkita ulit kayo ng bestfriend mo. SPECIFICALLY Childhood BESTFRIEND... Pero ang 'BESTFRIEND' na yun ay magbabago sa isang iglap bilang 'IN A RELATIONSHIP called LOVE'. Magiging masaya ka syempre pero alam naman natin na sa bawat ka...