Chapter 14: kuya Nathan

65 4 2
                                        

Ice POV :

Nandito kami sa isang sikat na subdivision kung saan kami tutugtog sa party ng mga smith.

Huminto kami sa gate. May lumapit sa aming guard. Ibinaba ni kuya Sebastian ang bintana. Pag kakita niya kay kuya Sebastian bigla nalang siya nagulat parang nakakita ng multo.

Mga ilang sandali nabalik siya sa katinuan ng tumikhim si kuya Sebastian.

"Ah...Magandang gabi ho ser, mam " bati sa amin ng guard at yumuko

Ganito ba dito..? Yumuyuko ang guard bilang pag galang sa mga bisita..?

"Good evening din po" tugon ni kuya Sebastian.

"Ser may entrance pass po ba kayo..?"

"Ito po "

Pag kabigay ni kuya Sebastian ng pass ay pinapasok na kami ng guard.

"Sige ho ser pwede na kayong pumasok" sabi ng guard

Pumasok na kami sa loob, pag kapasok namin may lumapit sa aming maid. Pag kakita niya sa amin bigla siyang nagulat parang nakakita ng multo bigla nalang siya yumukod.

Hindi ko maipaliwanag pero parang something fishy dito sa lugar na ito.

"Good evening po ako po si Mia ang mag aassist sa inyo ngayon. Tara na po." Sabi niya sa amin ng mabalik siya sa ulirat.

Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang mag isip kasi itong mansion ay parang familliar sa akin ,hindi ko sure kung nakapunta na ako dito. Basta pag tungtong na pag tungtong ko dito parang may force na tumutulak sakin na maalala na alam ko itong lugar.

Napahinto ako sa pag iisip ng may lumapit sa aming isang babae sa tingin ko nasa 20 na siya.

Yumukod si Mia bilang pag galang

"Good evening lady Cindy.." bati ni Mia sa babae

"Mia.. how many times i will tell you na dont call me lady Cindy ."

"Pero-"

Hindi pa natatapos mag salita si Mia ay bigla nalang mag salita yung babae

"Walang pero pero tutal mag kasama na tayo simula bata palang.."

"*sigh* sige na nga Cindy sige alis na kami baka mapagalitan pa ako ni madame."

"Wait Mia.. uhmm will you buy me this please ako na bahala sa bisita "

"Pero-"

"Sige na Mia.. pleased... akong bahala kailangan ko kasi yan eh.." sabi ng babae habang nag puppy eyes

"Hay nako sige na nga.." sabi ni Mia at kinuha ang listhan.

"Thanks Mia "

Bago umalis si Mia yumukod muna ito sa amin bilang pag galang . Ng maka alis na si Mia humarap sa amin ang babae.

Napatingin siya sa akin na parang nagulat. Tinitigan niya akong mabuti parang tinitignan ang bawat detalye ng aking mukha.

"Excuse me. ." Pasintabi ni Ash dahilan para mabalik sa ulirat ang babae

"Oh..! Sorry for that.. nagandahan lang ako sa kanya ang ganda kasi ng mata niya ha-ha-ha" sabi niya na parang na awkward .

"By the way I'm Cindy... " pakilala niya sa amin. Nag pakilala din yung kasama ko ng mag papakilala na si kuya Sebastian biglang nanlaki ang mata ni Cindy.

"KU-" hindi natapos sabihin ni Cindy ang sasabihin niya ng biglang takpan ni kuya Sebastian ang bibig nito at hinitak malayo sa amin.

Mag kakilala kaya sila..? At bakit ganon ang naging mukha ni Cindy ng makita niya ako at si kuya Sebastian. .??

Makatigil na ngang mag isip sumasakit lang ang ulo ko.

Lumapit na sa amin sina Cindy at kuya Sebastian.

"So tara na girls para makapag ayos pa kayo." Sabi nito sa amin na parang walang nangyari.

Tumingin ako kay kuya Sebastian na may pag tatanong pero he just shrug.

Nakarating na kami sa isang room. Nag pa alam na sa amin si Cindy.

Someone POV : 

"kuya Nathan kailan kapa dumating...? Hindi mo manlang sinabi na uuwi ka dito..! Dapat nakapag handa kami sa pag babalik mo.. oo nga pala bakit mo sila kasama at bakit ka nag sasalamin hindi naman malabo mata mo hindi ba.. ay wait lang tatawagan ko si Cross hula ko matutuwa yon pag na laman na umuwi-"

Tinakpan ko ang bibig niya. Kahit kailan talaga ang daldal niya.

"Sshhh .. wag kang ma ingay baka may makarinig sa iyo." Sabi ko sa kanya

"hhhhmmm ...!!hhhmmmm....!!!"

"Ay sorry..!" Paumanhin ko sa kanya sabay binitawan siya

"Ang sama mo kuya..! Ginaganyan mo na ang maganda mong kapatid" sabi niya sa akin habang nag pa pout

"Haha hindi ka parin nag babago baby damulag ka parin haha"

"Eh...! Kuya naman nag bago na kaya ako at isa pa hindi ako baby damulag.."

"Haha oo na.. so nasan si princess..? "

"Ah.. nandoon sa kwarto niya inaayusan wait.. kuya wag mong ibahin yung usapan" sabi niya

Sayang akala ko makakatakas na ako.

"*sigh* sige na nga sasabihin ko na sayo pero yung ibang details kay dad mo nalang itanong ok.. so eto na actually hindi talaga ako umalis ng bansa sinabi lang ni dad sa inyo para hindi ako magulo sa trabaho haha"  paliwanag ko.

"Omg kuya nakakaloka ka naman pero kahit ganyan ang kalagayan mo  susuportahan kita." Sabi niya habang nakangiti

Buti na intindihan niya. Pero sorry nag sinungaling ako sayo hindi ko pweding sabihin sayo ang totoong dahilan baka magulo ang plano.

"Haha ikaw talaga..!  here give this to kaylee at pakisabi na happy birthday at sorry dahil hindi ko siya napuntahan .." sabi ko sabay abot sa kanya ang isang kahon na malaki

"Ano ba naman yan kuya kung mag reregalo ka yung maliit naman hindi katulad nito na singlaki ng ref."

" haha wag ka ng umangal ..so..alis na ako i need to go na sige bye" paalam ko sa kanya

"Ok kuya Nathan bye bye.. txt txt nalang ha..! Pero pag wala kang load my facebook naman kaya chat chat nalang tayo ok pero pag wala kang internet sumulat ka nalang pero pag busy ka at hindi ka makapag sulat aba bahala ka ng gumawa ng paraan..!!"

Haha nakakatuwa talaga si Cindy hindi parin nag babago. Wag na kayong mag alala Cindy malapit na akong umuwi unting tiis nalang at ang mga pangyayaring nagaganap ay sumasang ayon sa plano.

Umalis na ako. Habang kumakaway na nakangiti kay Cindy. Kumaway naman itong pabalik.

Kahit ayoko mang umalis eh hindi pwede kasi sa planong ito sasaya ang lahat pag sumang ayon si tadhana.

Ms. Perfect  (on Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon