Chapter 23 : something fishy

32 1 0
                                    

Ash POV :

Nauna ng lumabas si Ice as usual gutom nanaman yan. Minsan nga napag isipan ko si Ice kung papano siya nakaka perfect sa test kasi pano ba naman ilang minuto palang lumipas tapos na niyang sagutan yung test namin sa math at english. Laging ganon kahit simula maliit pa kami.

Unti unti ng natapos ang nag e-exam. Marami ng tapos . Ilang minuto nalang ang natira at makaka pahinga at makakapag review na kami ng i te-test mamaya. Si Cross nalang ang nag te-test seryosong seryoso siyang nag sasagot sa test.

Napatawa nalang ako ng mahina mag kaparehong magkapareho sila ni Ice pag nag te-test nakakunot ang noo at kinakagat ang dulo ng ballpen pag nag sasagot.

"1 minute left " sabi ng proctor

Marami ng nag ayos ng mga gamit para maka alis na. 10 seconds nalang ang natitira pero hindi pa tapos mag sagot si Cross. Mamaya maya nagulat nalang kami ng sumigaw siya.

"TAPOS..!!" sigaw niya na ikina tingin ng mga istudyante sa kanya. Naramdaman niya yata na nakatingin sa kanya lahat.

"WHAT..?! Ano tinitingin niyo..?!" Sigaw niya sa lahat kaya napaiwas sila ng tingin. Typical Cross masungit sa iba

"Ok pass your papers good bye " sabi ng proctor kinuha niya na lahat ng test at umalis na.

"Tara na " sabi ni Cross at nag simula ng mag lakad sumunod nalang kami

"Hay natapos din sawakas" sabi ni Axel habang ipinatong sa balikat ko ang kamay niya yung parang naka akbay sa akin. Napatingin ako sa kanya bigla nalang bumilis ang pintig ng puso ko para itong sasabog. Tumingin siya sa akin at ngumiti na ikinagulat ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Feeling ko namumula ang mukha ko. Gosh bakit ka ba laging ganyan Axel nalilito na ako. Ano ba talaga.

"Uy chansing bro . " mapanuksong sabi ni Xet na mas ikinapula naming dalawa.

"Sus inggit ka lang kasi Xet kay AL kasi siya nakaka the moves ikaw hindi hahaha" mapanglokong sabi ni Xid sa kakambal niya.

"Tumigil ka food freak  " inis na sabi ni Xet

"Ikaw ang tumigil Under " sabi naman ni Xid

Bago pa lumala at mag away nanaman itong kambal ay inawat na sila ni Cha. Lumapit si Cha sa kanilang dalawa at sabay piningot ang tenga na ikina aray nila.

"Titigil kayo o puputulin ko yang tenga ninyo" galit na sabi ni Cha

"Ah a-aray h-hindi na po aray" sabay na sabi ng dalawa kaya binitawan na sila ni Cha.

"Hmp amazona" bulong ni Xid na ikinatawa naming dalawa ni Axel

"Babe naman ang sakit naman noon parang matatanggal na yung tenga ko" maktol na sabi ni Xet kay Cha.

"Sorry babe ikaw kasi eh nakikipag away kapa." Sabi ni Cha ng malambing.

Hay hindi ko ba alam sa dalawang ito daig pa ang ilaw on and off parang away lambing oh diba saan ka pa. Wait nasan sila Azel saka si Zen..? Nag palingon lingon ako kung saan at sa isang iglap ay nakita ko sila sa likod na..... nag tatawanan..? Oh my gulay ngayon lang naging close si Azel sa ibang lalaki at mas nakakagulat pa ay tumtawa si Zen..!

Nandito na kami sa cafeteria madali naman namin nakita si Ice lumapit na kami sa kanya na masarap na kumakain.

"Oh hindi na pala natin kailangan bumili. Binili na pala tayo ng food ni Ice" sabi ni Xet

Napatigil si Ice sa pag kain at tumingin sa amin ng masama inilapit niya yung mga pag kain malapit sa kanya na ipinag taka ng iba ako naman ito tatawa tawa. Aba syempre susulitin ko na ang pag ka good mood ni Ice once in a blue moon mo lang siya makita ng ganyan. Nung maliit kami hindi naman siya cold sa katunayan nga ay masayahing tao si Ice noon pero ngayon ay hindi na dahil sa hindi ko alam na dahilan.

"This is mine. Buy your own food"  sabi niya sa amin

" what sayo lahat yan..? " gulat na sabi ni Axel..?

"Bakit masama...? " sabi ni Ice na may irap pa.

Tumayo na si Axel saka sila Xid at Trixie para umorder sinabi naman namin yung order namin. Mamaya maya dumating na yung pag kain namin kumain na kami. Habang kumakain kami bigla nalang nabulunan si Ice.

"*cough**cough*" ayan kasi ang takaw takaw hindi ko nga alam kung saan niya nilalagay yan tuloy na bulunan

"Here- " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng unahan ako ni Cross na mag bigay ng inumin. Tinanggap naman ito ni Ice at ininom.

"Thanks Cross" sabi ni Ice at ngumiti na ikina pula naman ni Cross

Hhmm something fishy .. ey.. parang matutupad na ang pangarap ko para kay Ice ang mag ka boyfriend hihihi. Noon marami siyang manliligaw pilapila ang mga manliligaw niya pero ni isa walang pumasa hindi ko nga alam dyan kay Ice kung maria clara nalang ba siya habang buhay.

~~~~

Makalipas ang araw. 3rd day na ng exam namin bumalik na sa dati si Ice hindi na siya good mood hindi ko alam kung bakit. Pero sa ilang araw kong sinubay bayan si Ice at Cross may napapansin ako para bang napaka bait ni Cross kay Ice pag nakikita sila laging binibigyan ni Cross si Ice ng Chocolate cake minsan yung paborito ni Ice na milkita lollipop.

Madalas din silang mag kasama pag bigla nalang sila nawawala. Minsan gabi ng umuwi si Ice gising pa ako ng gabing yon dahil kay Ice may narinig akong humintong kotse kaya dali dali akong sumilip kung si Ice bayon at tama nga ako si Ice nga ng paalis na ang sasakyan nakita ko si Cross sa loob. Dahil don may hinala na ako na may tinatago sa akin si Ice at Cross.

Habang nag lalakad sa hallway nakita ko si Cross hinitak ko siya na ikinabigla niya dinala ko siya sa walang tao.

"What..?" Mataray niyang sabi

"May napapansin ako" sabi ko

"Ano na naman ba Ash kung hindi yan importante ay aalis na ako " sabi ni Cross at nagsi mula ng mag lakad.

Huh ayaw mo akong pakinggan pwes makikita mo.

"May gusto ka kay Ice hano..!" Sigaw ko na umalingaw ngaw sa hallway.

Napahinto siya at mabilis na nag lakad sa pwesto ko na nagagalit.

"Ano bang ang sinasabi mo.? Tumigil ka nga Ash. Stop being childish" galit niyang sabi nag karoon ako ng bright idea

"Gusto mo si Ice diba..?" Tanong ko

"No" madiin niyang sabi

"Kung hindi mo siya gusto bakit iba ang kilos mo sa salita mo..? " sabi ko na ikinatigil niya napangisi nalang ako ng palihim

"hindi ka makapag salita so gusto mo nga si Ice. " sabi ko

"N-no i dont like her..!" Sabi niya na nauutal.

"Hmm ok kung yan ang sabi mo pero tandaan mo ito Cross action speaks louder than words. Pag nahila ka talo ka. pag mabagal ka baka may makakuhang iba. sige alis na ako bye " Sabi ko sabay talikod sakanya at iniwang nag iisip.

Hhmm ano kaya ang mang yayari.. nakakasabik naman parang teleserye lang haha.

Ms. Perfect  (on Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon