Cha (channel ) POV :
Nandito ako ngayon sa field naka upo sa bench. As usual nag fe-facebook ako. Wala akong magawa yung apat na bruha eh busy.
Si Ice nasa meeting,mas naging busy si Ice dahil sa pagiging SC president niya, si Trixie naman nasa canteen kumakain nanaman hindi ko nga alam kung saan niya nilalagay ang mga kinakain niya, si Azel naman ayun kasama sa meeting kasi president siya ng english club, si Ash naman ayun kasama ni Axel dapat ako ang kasama ni Ash pero bigla nalang siya Hinablot ni Axel at may pupuntahan sila.
Kaya eto ako lonely walang kasama.
"Channel.."
Tinignan ko kung sino ang tumawag. Pag kakita ko sa mukha niya parang naging bad mood ako.
"Jake." Mapait kong bigkas sa pangalan niya
"Channel. I miss you." sabi niya at niyakap ako.
Pumalag ako sa yakap niya at tinignan siya ng masama.
"Dont you dare to touch me with those dirty hands of yours" galit kong sabi sa kanya
"Channel im here for you.." sabi niya ulit at lumapit sa akin pero lumayo ako sa kanya
"Wag kang lalapit..! " sabi ko sakanya ng may pag babanta.
Tinignan niya ako na parang nag mamaka awa. Pero hindi na ako mag papaloko pa sa kanya ulit.
Pilit siyang lumalapit sa akin pero pilit naman akong layo ng layo
"Bakit ka nandito Jake...?" I ask
"Im here for you. Nalaman ko na dito ka nag aaral kaya i transfer here para sayo" sabi niya
"For me..? You got to be kidding me Jake..f*ck you for all this time kung kailan naka move on na ako ngayon ka pa lalapit sa akin.. well sorry pero hindi na ako babalik sayo.." sabi ko sa kanya sabay talikod at paalis na sana ng bigla siyang mag salita.
"Channel.. i...im sorry im really sorry sa nangyari dati.. hindi kita pinagpalit kay Veronica i swear. Yung nangyari samin ni Veronica ay isang pag kakamali. Lalaki lang ako madaling matukso" he said
Humarap ako sa kanya. Im mad im really mad right now.
"Madaling matukso..??!!! F*ck you Jake f*ck you..! Sasabihin mo sa akin na isang pag kakamali yun at natukso ka..?! Ganon ba..? Sasabihin mo sa akin yan ngayon kung ikaw na mismo ang lumayo sa akin dahil kay Veronica at hindi ba't ikaw ang nag sabing 'im sorry Channel hindi na kita mahal. Si Veronica na ang mahal ko' hindi ba't sinabi mo yon..!" Sabi ko
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako hindi ko na alam ang gagawin ko kung kailan ok na ako ngayon pa siya bumalik
"Channel.. i know nag kamali ako pero nung nawala ka sa piling ko parang namatay ang kalahati ko parang may kulang , ilang buwan ang nakaraan doon ko lang napagtanto na ikaw ang mahal ko" sabi niya
"Jake mahal parin kita.. yun ba ang gusto mong sabihin ko..? Well your wrong i dont love you any more. May mahal na akong iba. At yung pag mamahal ko sayo dati ay pinag sisisihan ko dahil isang pagkakamali na mahalin kita dati. Kaya excuse me kailangan ko ng umalis. " sabi ko sabay talikod na pero bago ako umalis hinitak niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
Puno ng galit ang mga mata niya para siyang papatay ng tao. Pilit kong kumakawala sa hawak niya. Nasasaktan na ako sa hawak niya.
"Ganon na lang ba yon Channel...!!!? Ha...!! Hiniwalayan ko si Veronica kahit may kapalit dahil sayo. Tapos kailang nandito na ako para sayo sasabihin mong may mahal ka ng iba..!!!!!??!!!"
BINABASA MO ANG
Ms. Perfect (on Hold)
Teen FictionThey say I'm Perfect because I'm intelligent, I'm beautiful, I'm rich ,I always got a perfect score, I can play all sports, I can play all instruments and I can do anything with perfection. Behind my perfection i hid many secrets And one of it is...