Chapter 9

127 2 1
                                    

Chapter 9

(Amarie Nobleza)

"OMG! Champion ang Red Bulls! Grabe, nung napanuod ko ang game ng live halos di na ako makahinga." 'Yan ang salubong sa akin ni Cherlyn pagdating ko sa office.

Nanood din kasi siya ng live game kasi isa siyang avid fan ng Red Bulls. Bukod daw kasi sa mga magagaling na players puro magagandang lalaki daw. Complete package ayon sa kanya.

"Grabe ang galing talaga ni Villamor pero mas magaling si Madrigal." Natawa ako sa kanya. Madrigal is her ultimate crush.

Inaayos ko na ang gamit ko dahil may meeting kami with Madame.

"Uy Rie, nakikinig ka ba? Nanuod ka din ng game di ba? Nakita kita eh. Doon ka pa nga sa harap nakaupo."

"Oo. Kasama ko ang parents ko pati ang kapatid ko," sagot ko.

Inayos ko ang ibang damit na nasa office. Gagamitin kasi yun sa isang catwalk show. Mamaya din kasi darating ang mga magiging models for pictorial.

"Nakita mo ba si Villamor after ng game? May sinigaw siyang pangalan eh. Di ko nga lang narinig kasi ang ingay. Sino kaya yun? Sure akong sa audience yun eh," sabi ni Cherlyn kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

Alam ko ang sinasabi niya. May sinigaw nga na pangalan si Villamor. Tinawag niya ang pangalan ko. Maging ako ay nagulat nang marinig kong tinawag niya ako pero thankful ako na maingay that time.

Hindi ko alam kung bakit tumingin ako sa kanya. Iyon ang kinatatakot ko na baka makita niya ako pero noong mga sandali na iyon ay wala akong naramdaman. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. I'm happy for him and also for his team. They made it. Natupad na niya ang matagal na niyang pangarap. At sigurado pa ako na  masusundan pa ang pagkapanalo nila. Tingin ko ay alam na din niya ang gusto kong iparating.

"Rie! Rie! Tulala ka na?"

"Ah sorry! Masakit lang ang ulo ko," pagdadahilan ko.

"Gusto mo ng gamot? Meron ako dito." Umiling lang ako at ngumiti.


Maya-maya ay ipinatawag na din kami. Dumating na kasi si Madame kasama ang mga models na nasa conference room na.

"Good morning everyone. The Catwalk show is coming, so I want all of you to be ready and be prepared. May mga important persons na pupunta sa event na iyon kaya dapat maging maayos ang lahat. Shin, you have the list, right?" Tumango naman si Shin, secretary ni Madame.

"Give me the copies to my office after this meeting."

"Yes, Madame," sagot ni Shin.

"I just want to remind all of you so I called for this meeting. And before I forgot, Shin, idagdag mo sa list ang team ng Red Bulls. Special guest natin sila."

Nagtilian ang mga models pati na rin ng ibang kasama namin including Cherlyn. Halata ang excitement sa kanilang mga mukha. At malalaman rin iyon sa mga tili nila. Napangiti na lamang ako sa mga reaksyon nila.

"Girls, will all of you calm down? Rie, I just wanted to say na sinama ko ang mga ibang designs mo for the show. Since, tatlo lang naman ang kinuha for the entry sinama ko na yung iba dahil sayang kung hindi makikita."

Nagulat ako sa sinabi ni Madame. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun. For the first time, makikita ang gawa ko sa Catwalk. It's an achievement for me.

"Wow, Rie! Congrats!" Niyakap ako ni Cherlyn kaya nakabawi ako sa pagkabigla.

"Rie, is my decision okay to you?" tanong ni Madam.

"Y-yes, Madame. Of course po. It's my pleasure na makasama sa Catwalk ang mga designs ko. Thank you po," sabi ko na hindi maalis ang tuwa. What a great opportunity! Gusto kong maluha sa tuwa.

Narinig ko namang nagpalakpakan ang mga kasama ko. Ang saya ko.

"Your always welcome, hija. It's a good opportunity na makita ng lahat kung gaano ka katalented.  I will discuss to you kung ano ang magiging set up ng show later. And one more thing, I want you to come with me para makita mo na rin ang mga designs mo." I just nodded dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. It's like... it's like a dream. Kung saan maaring maging possible ang lahat ng bagay.

Natapos ang meeting pero naiwan ako kasama si Madame. Pinag-usapan namin ang magiging set up for the Catwalk. At kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi ni Madame.

"Lalabas ka together with the models after their walk sa runway. You know, the usual kapag tapos nang maipakita ang lahat ng creations. Dapat makita ng lahat kung sino ang gumawa ng ganung kagandang designs. And I believe na marami ang mamamangha sa mga gawa like me."

Lalabas? Nandun din ang Red Bulls. Of course si Villamor. Makikita niya ako. Magkikita kami. Kaya ko na ba? Kaya ko na ba siyang harapin? Pareho na kaming okay, I guess? Nagawa na niya ang matagal na niyang pangarap at ako naman ay mangyayari na ang isa sa mga pangarap ko. 

Okay nga ba? Dahil ako ay hindi pa. Dahil magulo pa rin ang lahat sa akin.

Ipinilig ko ang aking ulo. I don't want to ruin the moment. Kung kailangan na talaga namin ang magkita ay wala na akong magagawa sa kagustuhan ng tadhana namin.

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon