Chapter 15

130 1 1
                                    

Chapter 15

(Amarie Nobleza)

Ang laki na pala ng pinagbago ng school na 'to. Pero nakakatuwa na nandito ulit ako. Ang Alma Mater namin ni Ry. Sayang nga lang hindi ako grumaduate dito.

Kinakabahan ako. Nandito pa rin ako sa labas ng ballroom ng school. At naririnig ko na ang malakas na tugtog mula sa loob. Hindi ko kasama si Ry dahil di ako pumayag na sunduin pa niya ako. Baka may makakita pa sa amin at machismis.

Huminga muna ako ng malalim at saka ko binuksan ang malaking pinto. Naalala ko ang University Ball noong college, lahat sila ay nakatingin sakinpagpasok ko. Nakasuot lang ako ng simpleng white empire waist dress at nakalugay lang ang buhok ko.

Lalo tuloy akong kinabahan. Hindi dahil sa maraming umattend ng Victory party ng Red Bulls kundi dahil sa dami ng press na nandito.

Pupunta sana ako sa sulok para di ako masyadong kita nang may humarang sakin na babaeng reporter.

"You are Amarie Nobleza, right? Yung nanalo sa Louies Bosch International Fashion Designing Competition?" tanong niya.

"Ahm... yes," sagot ko.

Aalis na sana ako nang nasilaw ako sa flash ng camera. At marami nang reporter ang nakapaligid sakin.

"Is it true na nagde-date kayo ng Ace and MVP player ng Red Bulls na si Henry Villamor?"

"May mga pictures na lumabas about Villamor na may kasamang babae sa isang restaurant. Ikaw ba yun, Ms. Amarie?"

Gusto kong maiyak dahil sa nangyayari. Hindi ako sanay sa mga press. At kinakabahan ako sa mga tanong nila. Ito ang kinakatakot ko na makita kami ni Ry ng mga press.

"Excuse me, guys. Anong nangyayari dito?" sigaw ng isang lalaki mula sa likod. Dahil doon sa kanya napunta sa kanya ang atensyon ng press. Thanks to him.

Aalis na sana ako ng marinig ko ang pangalan ni Ry.

"Is it true that you and Ms. Amarie Nobleza are dating?" tanong sa kanya ng isang gay reporter.

"May relasyon ba kayo ni Ms. Amarie Nobleza?"

Hindi ko napansin na nakatayo pa rin ako sa pwesto ko at pinapakinggan pa rin ang mga tanong ng press kay Ry. Inaabangan ang mga isasagot niya. Parang naulit ang scenario iba nga lang ang sitwaayon ngayon.

Nagkaroon ng space sa gitna and I saw him looking at me with a smile. He is dashing on his white tuxedo. Parang kaming dalawa lang ang tao sa lugar na to.

"Ang maganda at simpleng babaeng nakikita ninyo sa harap ko wearing simple white dress is Amarie Nobleza," sabi niya. Gusto ko sanang matawa kung hindi lang ako sobrang kinakabahan.

"Is she your girlfriend?" tanong ng isang reporter.

Nakatitig lang ako sa kanya. Lalo akong kinakabahan. Hindi lang simpleng crowd ito di gaya dati pero ngayon may mga press. Ilalabas sa lahat ng tao kung ano man ang isasagot ng isang Henry Villamor.

"Girlfriend?"

Nakatitig siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Ry naman.

"No. Hindi ko po siya girlfriend."

 Tumulo na ang luha ko pero pinunasan ko na agad. Ganito naman lagi ang situation namin eh.

Narinig ko ang lahat na may iba't-ibang comment. Gusto ko nang umalis dito pero ayaw kumilos ng mga paa ko.

"I want to clear to all of you that Ms. Amarie Nobleza is not my girlfriend. Because... she is going to be my wife."

Lumapit siya sa akin and he wiped my tears. Humiram siya ng mic at binigay naman ni Madrigal. Ngumiti naman siya sa amin at tinap pa ang balikat ni Ry.

"Congrats!" sabi niya at bumalik ulit sa puwesto niya kanina. Tumingin ulit sa akin si Ry and he held my left hand.

(Background song: What you mean to me by Sterling Knight)

"Rie, asawa ko, di ba wala naman tayong official break up?" Tumango ako. Ngayon ko lang narealize yun.

"Lagi akong nagcecelebrate kapag dumarating ang anniversary natin. And the date now is twenty three so it means nine years na tayo."

I heard everyone is gasping. Maybe because they are all shock gaya ko. I'll never expect na ganito na pala katagal ang relationship namin.

"Sa dami ng mga nangyari sa atin still... you accept me again. You know what? Im very happy and lucky to have you. Wala na akong iba pang mahihiling dahil sa akin ka na ulit, kasama na ulit kita. At ito na ang isa sa pinapangarap ko na di ko pa nasabi sayo. To be with you forever. Mahal kita higit pa sa buhay ko, Rie. Mahal kita, minamahal at mamahalin kita habang buhay."

Di na ako nakapagsalita pa dahil sa sobrang pagka-overwhelmed. Then, I was shock when he kneeled.

"So Rie, will you take me as your husband and be with me forever?"

At dun na talaga ko sobrang naiyak. Pangarap din niya pala ito. Parehong pangarap namin.

"Oo na yan!"

"Sasagot na yan! Sasagot na yan!"

"Rie?"

Tumango na lang ako as my answer dahil di na ako makapagsalita. Then he kissed me infront of all people. And I responsed to it. I dont care kung pinipicturan pa kami.

"I love you, Rie" sabi niya after we kissed.

"I love you too, Ry."  

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon