Special Chapter

142 1 1
                                    

SPECIAL CHAPTER:

     Five months na ang nakakalipas nang ikinasal kami ni Ry. Nakakatuwa dahil naging masaya at maayos ang lahat.

     Naalala ko nang magpropose siya, nandun din pala ang mga parents namin. They are all happy for us. Si Ruzzel ay halos di na alam ang gagawin dahil sa nakita na niya in person ang idol niya. But later on, naging close sila. Parang magkuya lang.

     Dahil sa dami ng press noong gabing 'yun, may balita na agad kinabukasan tungkol sa nangyaring proposal. Hanggang sa kinasal kami ay kami pa rin ang laman ng mga balita. Pero ang maganda at nakakatuwa dun, lahat ay positive.

     Maraming nagulat noong una nang malaman nilang ako ang girlfriend ni Ry. Akala ko ay maraming mangbabash sa akin but they all supported me. And I am thankful for that.

     And now, I'm adjusting to be a wife. To be Amarie Nobleza-Villamor, a wife of MVP player Henry Leen Villamor.

     And also...

     "Bakit nandito ka sa labas? Baka mahamugan ka. Masama sa inyo ni baby 'yan," sabi ng aking mister.

     Yes. I'm pregnant. Two months pregnant to be exact. Magiging mother na ako. Kaya pinatigil na muna niya ako sa pagtatrabaho kahit ayaw na niya talaga akong magtrabaho.

     "Papasok na nga po ako eh. How's the practice game?" tanong ko.

     "Ayos naman. Lalong tumindi at humigpit," sagot niya at inalalayan akong umupo. Hindi na ako magugulat dahil malaki din ang expectation ngayon sa kanila since sila ang naging champion. But whatever happens, I'm still here to support him.

     Sumandal ako sa kanya habang nakaupo kami dito sa sala. I feel sleepy.

     "Sleepy?" aniya saka ako niyakap.

     Hinawakan niya ang tummy ko. Gawain na niya 'yan ng malaman niyang buntis ako. Tumango lang ako.

     "Anong gusto mong ipangalan kay baby?" tanong niya. Speaking of babys' name, may naisip na ako.

     "Hena Marie," sagot ko.

     "Hena Marie?"

     "Yes. Combination ng pangalan natin. Like it?"

     "Kahit anong ipangalan mo, magugustuhan ko. Mahal kita eh."

     "Mahal din kita. "

     Then he kissed me.

     Sana lagi kaming masaya. Kung may mga problema, sana maayos agad. Magtutulungan kami para magkaroon ng masayang pamilya.

    
     This is our dream.  











 

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon