Chapter 6

127 2 1
                                    

Chapter 6

(Amarie Nobleza)

      "Uy, one week na lang. Ang galing!" Lihim akong napangiti. Nagpaparinig na kasi si Russel dahil malapit na ang birthday niya. 

       "Anong mayroon sa one week?" kunwaring tanong ko. Natutuwa ako kapag niloloko ko siya.

      Ruzzel is my younger brother. Younger nga naman talaga dahil dalawa lang naman kaming magkapatid.

      "You don't remember what's the special event next week ha, Ate?" natatawa ako sa kanya.

      Lumapit pa sa'kin at naglambing. Nandito kasi kami sa sala and I'm doing my project for releasing ng new designs ng damit ni Madame. And here's my brother, bragging about his incoming birthday. Kahit di naman niya sabihin ay may hihilingin siya for his birthday. He's turning 18 next week. Binata na pero para pa rin siyang bata, spoiled kasi. But as her sister and he's my only brother hindi konnaman siya kayang tiisin. 

      "Hindi eh. Ano bang mayroon?"

     "Ate naman eh! Ang daya mo!" I'm trying not to laugh dahil napaka-isip bata pa rin ng kapatid ko. 

      From the kitchen, lumabas si Mhie. Narinig siguro ang pagmamaktol ng damulag na 'to.

      "Anong drama yan ha, Ruzzel? Iniistorbo mo ang Ate mo." Lumapit siya sa'min at naupo sa kabilang upuan.

       "Nakalimutan ni Ate Rie kung anong meron next week aside from Championship Game na ng Red Bulls and Soaring Falcon."

      Final Game ng Red Bulls? Ah... oo nga pala, panalo nga pala sila noong last game nila. And that made their dreams came true not only to them but to our Alma Mater. But there is only one person I know na pursigido na matupad yun. He will do anything to pursue that dream. And that is the only reason I think why he did that to me.

       Henry Villamor.





(COLLEGE DAYS)

    
     "What's your dream, Rie?"

      Mula sa pagkakatingin sa langit ay nadako ang tingin ko sa lalaking nakayakap sa 'kin. Nakayakap siya sa'kin from the back habang nakaupo kami under this huge acasia tree.

      Now that he's mentioning about my dream, bigla akong napaisip sa tanong niya. Dreams? Marami akong pangarap. At alam ko na ganoon din siya.

     "Why you ask?" yun lang ang nasabi ko. I know, may iniisip siya kapag bigla-bigla na lang siyang may sinasabi.

       "Since graduating na ako, napaisip ako kung ano ang mga gusto kong gawin," sabi niya.

      "First, is to fulfill your dreams. Na makilala at makapasok ang school natin sa Championship someday. To be one of those famous basketball teams in the country, right?"

      Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binalik ulit sa langit. He kissed my left cheek at humigpit ang yakap niya sa akin.

      "How did you know?" tanong niya.

      "I just know," sagot ko.

 
     Kahit di naman niya sabihin sa'kin, I know and I feel it. Playing basketball is his passion since nang makilala ko siya. And I'm willing to support him pero hindi ko maintindihan ang sarili ko minsan. May mga thoughts na pumapasok sa isip ko and what bad is... it's all negative. Di ko man ipakita sa kanya, I know alam niyang nai-stressed ako minsan sa set-up namin.

      "Gusto kong makilala ang school natin when it comes in playing basketball. I want to prove to all of them na may maipagmamalaki din ang University natin. Kaya pinagbubutihan ko ang paglalaro. Because someday, I want to play in Championship together with my team. At kahit anong mangyari di ko iiwan ang team."

      Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Natutuwa ako dahil sobrang dedicated siya sa team niya to be on Championship. I'm happy to hear that from him. He is some of a kind man na gagawin ang lahat para maabot 'yun. But sometimes, naiisip ko kung kasama din ba ako sa mga pangarap niya. Alam ko naman ang isasagot niya pero... I'm full of doubt. I'm not a pessimistic person but I can't help to think negative thoughts.

      "Natahimik ka? Di mo na sinagot ang tanong ko." I closed my eyes when he kissed my hair.  How sweet.

      "Kahit di ko sabihin, I think you already knew it." Then I smiled.

      Sana nga ganun din siya. 'Coz there is no permanent in this world. Like what they always say, change is the constant thing in the world. 

      Sana nga . . .




      "Ate! Ate! Ano na?"

      I was back in reality dahil sa pangunhulit ni Russel. Ang kulit talaga. Wala naman akong magagawa kundi ang pagbigyan siya.

      "Okay, okay! Stop shaking me. I'm getting nauseous. What do you want for your birthday?" tanong ko.

     Nagliwanag ang mukha niya. Narinig ko namang tumawa si Mhie.

      "I thought you already forgot it. So Ate... can I watch the final game of Red Bulls and Soaring Falcon live?"

      "At sino naman ang kasama mo ha? Of course hindi ka pupunta ng mag-isa lang dun?" Nakataas-kilay na tanong ni Mhie. Natawa ako.

      "Of course Mhie, lahat tayo. Birthday ko kaya dapat kumpleto tayo, right Ate Rie?"

       "Ahm... yah. Tama si Ruz, Mhie. So settled na ha? Kausapin mo na lang si Dhie."

       "Ako na bahala kay Dhie. Gusto din naman niya yun. Yes! Makikita ko na rin si Villamor. Bibili na ako ng ticket para sa harap tayo makaupo. "

       Wala na kong naintindihan sa mga sinabi ni Ruz. Dahil isa lang ang ikinakabahala ko. 'Wag naman sana. I'm not ready to face him.

       Not now. Maybe if I'm already sure and ready.

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon