Chapter 3

140 2 2
                                    

Chapter 3

(Henry Villamor)

     "Mr. Villamor, congrats ulit! Pasok na kayo sa Finals! Goodluck po," bati sa akin ng security guard ng condo kung saan ako nakatira ngayon.

     "Thank you po."

     Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang 23rd floor kung saan ang pad ko. Habang naghihintay, napatingin ako sa number na pinindot ko.

     Twenty three.

     A special number for me aside from it's my Jersey number.

      Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang may maalala sa numerong ito. 


     "Villamor, papicture naman!" hila sa akin ng isang babae. Wala na akong nagawa kundi magpapicture.

     Nasa school ako ngayon at kasalukuyang hinahanap ang asawa ko,  I mean my girlfriend. Nasaan na kaya siya?

     I tried to call her for seventh time. And now for the eighth time.

     "Hello, Villamor."

     Napailing na lang ako habang natatawa sa pang-aasar niya. But I like it when she call me that in a childish way.

     "Inaasar mo na naman ako ah. Where are you?" tanong ko. Narinig ko pa siyang tumawa. Ang ganda sa pandinig. Hindi nakakasawang pakinggan

    "Find it for yourself. I love you."

     Naka-end na ang call. Napapailing na lang ako. Ang asawa ko talaga.

     She's Amarie Nobleza. A fashion designer student dito din sa Lorenzo University. Tahimik siya at medyo aloof sa iba niyang classmate pero may mga kaibigan naman siya. May pagkamahinhin, pero di tulad ng iba na di makabasag pinggan. Makulit and funny on her own way. Pero kahit ganyan siya di nakakaligtas sa'kin ang mga usapan na marami siyang suitors and admirers. Akala nila single siya just like what others think of me.

     We've been in a relationship for almost five years and this day is special for both of us. Because this day is our fifth Anniversary. But secretly. Ayokong may makaalam ng relasyon namin not because of my image and reputation but because I want to protect her. Like what I've said, she's a silent and private person at gusto niya din na tahimik ang buhay niya.

     And I'm thankful na naiintindihan niya ako. That's why I love her so much more than my life.

     Napangiti ako dahil alam ko na kung saan ko siya makikita. To our favorite place. I drove there for about ten minutes. Then I saw the girl I really love.

     "So this is your surprise, huh?" sabi niya.

     Lakas talaga ng pakiramdam nito. Humarap siya sa akin wearing her beautiful smile. Napakamot tuloy ako sa ulo. Nabuko na ako. 

     "Hindi na surprise 'yan, nakita mo na eh." Lumapit ako sa kanya and hug her. I love hugging her. Nakakapanatag kasi ng pakiramdam at nakakatanggal ng pagod

     "Nasurprise pa rin ako, no? But thanks anyway and... I love you."

     "I love you too and happy fifth anniversary." I smiled and kissed her.





      Bumalik ako sa katinuan nang bumukas ang elevator. Dumiretso na ko sa pad ko at naupo. I need to see her again because I badly missed her. Wala naman araw na hindi ko siya iniisip.  Walang araw na hindi ko siya namimiss.

     Where are you now, Rie? Do you still remember me?  Do you miss me like I badly miss you? Do you forgive me?  And do you still love me? 'Coz I really still love you, asawa ko.

      Marami akong gustong itanong sa kanya. Pero higit sa lahat ay gusto ko ulit siyang makita. Gusto ko ulit siyang mayakap at mahalikan.  Gusto ko ulit makita kung paano niya ako suportahan sa mga pangarap ko. Gusto kong marinig ulit mula sa kanya na mahal na nahal niya ako.  At gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil kasalanan ko kung bakit nawala siya sa'kin. 

      Rie, I will find you.  At sana kapag nakita kita ay may pag-asa pa. I wanted to fix everything and make things right for both of us. Kung saan, maipagsisigawan ko na ikaw pa rin ang may hawak ng puso ko hanggang ngayon. 

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon