Chapter 8

128 2 3
                                    

Chapter 8

(Amarie Nobleza)

Ang bilis ng game. Third Quarter na at naghahabulan sila sa score. Minsan natatambakan ng Soaring Falcon ang Red Bulls pero bumabawi ang Red Bulls at natatambakan naman nila ang kabilang team.

This time, lamang ang Soaring Falcon. Ang score ay 88 - 82. There's nothing to worry about, third quarter pa lang and may fourth quarter pang nag-aantay. I believe na mananalo ang Red Bulls.

Tahimik lang akong nanunuod while almost all people here in arena including my father and Ruz are shouting for their teams. Si Mhie ay napapa-cheer din minsan and obviously Red Bulls are their bias specially Ruz. He always cheer and shout for Villamor.

"RED BULLS! RED BULLS!"

"DEFENSE! DEFENSE!"

"GO RED BULLS!"

Nakakatuwa na maraming nagchi-cheer sa Red Bulls eventhough mas maraming fans ang Soaring Falcon. And may mga props pa silang softdrinks bottle yung 1.5.

"Number 10! Foul ka! Bola para kay Villamor!" sigaw ni Ruz. Di na ko magtataka kung paos na siya after the game. Bawat segundo sumisigaw siya.

"Technical foul for yellow jersey Number 10!" sigaw nang announcer.

"Shoot na 'yan, Villamor!" sigaw ulit ni Ruz.

Villamor is ready for his free throw shot. You can do it!

"WOOOHH!!" sigaw ng mga audience.

Na-shoot ni Villamor. Unti na lang makakahabol na sila. Unti na lang.

* * * * * * * * *

(Henry Villamor)

"DEFENSE! DEFENSE!"

"GO REDBULLS!!!"

Rinig na rinig ko na ang mga sigawan nila. Last thirty seconds left at tapos na ang game.

Nasa team namin ang bola. Ang hirap gumalaw dahil todo bantay ang kalaban. Tiningnan ko ang timer na nasa taas. Last ten seconds. Kaya 'to!

"TEN!"

Pinasa sa akin ang bola.

"NINE!"

"EIGHT!"

"SEVEN!"

"SIX!"

 Lahat sila malapit sa ring.

"FOUR!"

"THREE!"

"SHOOT NA 'YAN, VILLAMOR!"

"VILLAMOR! VILLAMOR!"

I don't have any choice but to shoot the ball from where I am. Susugal ako. Hinagis ko na ang bola.

"TWO!"

Nagpaikot-ikot pa ang bola sa ring. Shumut ka! Please!

-

-

-

-

-

SHOOT!

"ONE!"

"WAAAAHHH!!!"

"WOOOHHHH!!!"

"Villamor! We won! We won!"

"WOOHHH!"

Wala akong maintindihan. Totoo ba? We won? We are champions? 

Gusto kong maiyak.

Rie, we won! Nakikita mo ba? I hope you're watching me. We made it.

-

-

-

-

-

"And the MVP for this game, is none other than with the Jersey number twenty-three. . . Henry Villamor!" Sabi ng announcer.

"WOOHH! WE LOVE YOU VILLAMOR!"

Ang galing. Ganito pala ang pakiramdam na naabot mo ang isa sa mga pangarap mo. Balewala ang lahat ng paghihirap namin.

Tumingin ako sa mga audience. Kung hindi din dahil sa mga suporta ng mga tinuturing na fans ng team, we can't make it. Nadako ang tingin ko sa isang babaeng papaalis na ng arena.

Siya yun.

Di ako pwedeng magkamali.

"RIE!" nasigaw ko.

I don't care kung pagtinginan nila ako. I just want to shout her name.

Hindi ko alam kung totoo bang tumingin siya sa akin at ngumiti. Basta ang alam ko siya yun. Ang babaeng pinakamamahal ko. Nandito siya. Pinanuod niya ako, ang team.

Gusto ko sana siyang sundan kung di lang ako hinila ni Coach. I promise, I will find her. And I'll do everything to make her come back to me.

Just wait, Rie, asawa ko. Just wait.

What You Mean To Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon