Special
Napahagod ang tingin nya sa walang hanggang kadiliman na nakapaligid sa kanya.
Hindi nya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya ngayon. Walang dumadaang taxi o kahit pa mga kotse! Kung talaga namang tinamaan ka ng kamalasan, oh!
Napapikit sya ng may dumampi sa pisngi nya. Umihip ang malakas na hangin at nayakap nalang nya ang sarili, dahil sa lamig. Unti-unting pumatak ang mumunting ulan sa katawan nya at naging mabigat ito.
Lumalakas na ang ulan. Habang sya ay nakatayo parin sa tabi ng daan, walang masisilungan.
Ganitong-ganito ang nangyari noon.
Wala syang dalang payong kaya nagpaulan nalang sya. At isa pa, sa mga oras na iyon, wala sya sa sarili at tamang pag-iisip.
She was physically, mentally and emotionally drained that time.
Napapikit sya ng mariin ng may dumaloy na sakit sa kanyang dibdib.
Hanggang ngayon parin ay kumikirot parin ang puso nya tuwing naaalala ang masakit na pangyayaring iyon ng buhay nya. Para syang pinapatay ng paulit-ulit sa mga sandaling iyon.
It was her first heartbreak back then.
Mas lumakas pa ang hampas ng hangin at ang bugso ng ulan, para bang may paparating na bagyo.
Tinatablan na ng lamig ang buo nyang katawan. Nanginginig na sya, at tulad noon wala syang magawa, mag-isa lang sya na dinadanas ang lahat ng sakit at pighati.
Dahil ang mainit na brasong yumayakap sa kanya tuwing nasasaktan sya o kaya ay nag-iisa, ay wala na.
Iniwan na sya nito. At iyon ay dahil sa kanya.
Dahil sa katangahan nya..
At hangang ngayon ay sinisisi nya parin ang sarili sa nangyari sa kanilang dalawa.
Basang-basa na sya ng ulan. Bigla nalang syang nakaramdam ng panghihina. Dahil siguro sa sobrang pagod at panghihina ng katawan nya dahil sa ginaw. Unti-unting bumagsak ang katawan nya at nawalan sya ng malay.
**
Nang magising sya ay mabigat ang kanyang ulo, na para bang pinupukpok ito. Masama rin ang pakiramdam nya at mainit ang buo nyang katawan.
Pero teka..
Bakit parang nasa ibang planeta ata sya? I mean, bakit naging mixed of white and black ang buong kwarto, eh, puti naman ang kulay ng kwarto nya?
Nang mapagmasdan ang karangyaan ng buong kwarto ay napagtanto nyang nasa ibang kwarto sya at malamang sa malamang ay may kumidnap sa kanya!
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang masarap na putahe, este makisig na lalaki pala.
Ang naniningkit na mga mata ay mas lalo nyang nilakihan upang mapagsino at mapag-aralan ang bawat detalye ng kahubdan nito sa pang-itaas.
Napalunok sya ng makita ang perpektong nakakatakam na katawan nito. Nice abs and muscles!
"Why are you so hot?" bulong nya. "It makes my mind go wild."
Sinubukan nyang umupo pero napahiga ulit sya.
Bakit ngayon pa sya naging lampa? At sa harapan pa ng estrangherong ito?
Tama kayo. Ang lalaking nasa harapan nya ngayon ay ang lalaki ring nakasagupa nya sa comfort room. What a small world, eh?
Mabilis na inilapag nito ang hawak na tray na may lamang isang tasang tubig at mangkok na may lamang soup bago umupo sa gilid ng kama malapit sa kanya. Inalalayan sya nitong makasandal sa headboard.
BINABASA MO ANG
The Innocent Beast Revenge
General FictionFour years ago, she loved a man she shouldn't love but she did. Its a crime to love K. A. K.. Its a crime because its forbidden, and she's committed to someone. She fought their love but in the end, she let go. She left him because of a reason. At p...