Favor
Bumuntong-hininga sya bago sinulyapan ito at sinusian ang pinto ng apartment nya para makapasok. Labag man sa loob ay pinapasok nya ito bago nya isinara ang pinto para pumasok na.
Nakita nyang komportableng-komportable ito sa pagkakaupo sa hindi kalakihang sofa nya.
"Feel at home." she said sarcastically before entering her room and left him with a satisfied smirk written all over his face.
What an ass!
Walang sere-seremonyang nagbihis agad sya pagkapasok ng kwarto at nagpalit ng black sando at pajama.
Isang tikhim mula sa pintuan ang nagpalingon sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata nya ng makita itong nakasandal sa nakabukas na pinto ng kwarto nya.
"Out! Get out!"
"I'm just doing what you said." sabay kibit balikat nito na para bang normal lang ang pagpasok nito sa kwarto ko! "I feel like entering your room, so I did."
"What?!" pahisteryang sigaw nya.
"Get out you bastard! Get out!"
Sinundan nya ang mga mata nito na nakatuon sa kama nya, kung saan ang nagkalat nyang uniform, bra at underwear! Hinagod sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago ngumisi ng nakakaloko.
"I thought I will find something interesting inside your room." eksaherado itong napasinghap. "Lalabas na ako. Wala naman pa lang interisante dito sa kwarto mo." binuksan nito ang pintuan.
"Akala ko pa naman ay maabutan kitang nakahubad. Sayang.." liningon muna sya nito bago agarang sinara ang pinto ng lumipad ang mga unan nya para tamaan ito.
"You son of a bastard! Damn you to hell!"
Sumigaw sya ng malakas sa galit at narinig pa nya ang mala-demonyong tawa nito. Nag-iinit na ng sobra ang buong nyang mukha dahil sa hayop na nasa labas ng kwarto nya.
Lumabas agad sya ng kumalma na sya at nagmartsa papuntang sofa para palayasin na ang nakawalang hayop sa Zoo na nasa pamamahay nya.
"Coffee?" sabay taas ng tasa ng kape na hawak nito habang nakaupo sa sofa at titig na titig sa kanya.
"No thanks." matabang nyang sabi.
She crossed her arms. Nanatiling nakatayo habang matalim ang tingin nya dito.
"Ngayong nakapasok ka na sa pamamahay ko, komportableng nakaupo sa pag-aari kong sofa habang nagkakape, siguro naman sasagutin mo na ako?"
"Yes. I want to be your boyfriend.." seryosong saad nito ng hindi sya nilulubayan ng tingin.
Nagsimula na namang kumulo ang dugo nya sa inis sa hinayupak na nasa harapan nya.
"Are you really for real?" malamig na sabi nya.
Paano nga ba sya nito napapayag na papasukin ito sa teritoryo nya?
Yes. She remembered! They had a deal that he will answer every question she asked, whatever it is. And in return, she will allow him to enter inside her apartment and have a cup of coffee.
Bakit ako nakipag-deal? It is because I want to know everything I'm curious about. Ito lang ang naiisip kong paraan para matahimik na ng tuluyan ang aking isipan.
Nagbabakasakali na sana, pag nalaman ko na ang mga bagay na gumugulo sa akin ay mawawala narin sya ng parang bula sa buhay ko. Gusto ko lang na bumalik na sa dati ang buhay ko, na bumalik na ang dating ako bago sya sumulpot na parang kabute sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Innocent Beast Revenge
General FictionFour years ago, she loved a man she shouldn't love but she did. Its a crime to love K. A. K.. Its a crime because its forbidden, and she's committed to someone. She fought their love but in the end, she let go. She left him because of a reason. At p...