Chapter 9

62 1 1
                                    

Gamble

I wish we could stay like this, not for a very long time, just for awhile is enough.

Masaya nilang pinagdiriwang ang Noche Buena ng magkakasama at malayo sa kani-kanilang pamilya na mas mahalaga pa ang mga trabaho kesa sa sariling pamilya ng mga ito.

Kumakain silang mga babae ng cake habang nagkwekwentuhan at nanunuod ng A Second Chance.

Napasulyap sya sa nag-iisang lalaking nanunuod ng movie kasama nila at sa kasamaang palad ay katabi pa nya.

"What?" tanong nya ng mahuli itong pasulyap-sulyap sa kanya.

"Wala."

Napataas naman ang kilay nya. "Its just that, you're so beautiful in my eyes.." then glance at her.

"I just can't take my eyes away from you, Zianna."

"Pick-up boy, ikaw ba yan?" sarkastikong sabi nya.

"The name is Klynt Ares, Miss Zianna Monique. The name of the man who gave his heart for you to have and owned it." bulong nito sa tapat ng tainga nya na nagpatayo ng balahibo nya sa katawan ng tumama ang mainit nitong hininga sa balat nya.

"The name of the man who will own you. Someday.." nakakasigurong pahayag nito.

"Someday, Zianna.. I promise you that." he said seriously while staring deep into her eyes.

Para syang nakuryente bigla ng may nagliparang paro-paro sa kanyang tyan at kinilabutan na nagpagising sa nahihimbing nyang puso.

"You're one hell of a crazy man. Malala ka na.." malamig na tugon nya at hindi na muling pinatulan ang mga walang kwentang pinagsasabi nito.

"Guys! It's time to open the gifts!" masayang sigaw ni Aye para kunin ang atensyon ng lahat.

Nagsilapitan naman silang lahat at isa-isang tinawag ang mga pangalan at ibinigay ang regalo sa nabunot at para may twist, nasa may-ari ng gift na kung ilalagay ba nito ang pangalan sa box o hindi. Exchanging gifts is just one of their trips.

"What the!" umuusok ang ilong ni JK ng mabuksan ang malaking kahon na natanggap nito mula kay Eleven at nakita nilang isa iyong blue dress above the knee. "Eleven! You jerk!" pahisteryang sigaw nito.

"You know what? Sometimes, you need to dress like a lady. Paano ka magkaka-boyfriend kung mas tigasin ka pa sa lalaki?"

Nagtawanan sila at inasar pang lalo si JK dahil ayaw na ayaw nitong magsuot ng dress kung wala namang importanteng okasyon.

"Mamatay ka na! You piece of shit!" malutong na mura ni JK at hinabol ng rubber shoes si Eleven para hampasin.

Kanya-kanya naman nilang binuksan ang regalong natanggap nila. Napataas ang kilay nya ng mabuksan ang di-kalakihang box na regalong natanggap.

Bracelet?

She took the silver plain bracelet with a design of infinity and put it on her wrist. Its simple yet its cute to look at.

Kanino kaya galing 'to?

Maybe its from Kuya Alec or Kuya Knight?

"Yes!" malakas na sigaw ni Allie. "To the person who gave these, thank you very much!" sabay wagayway nito ng white glass shoes na mala-cinderella ang dating.

Pumunta sya sa bahagi ng mini bar ng suite nila para kumuha ng isang wine glass at sinalinan ng red wine bago nagtungo sya sa veranda.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng masilayan ang naggagandahang mga fireworks na patuloy na nagpapakulay at nagliliwanag sa madilim na gabi.

The Innocent Beast RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon