Chapter 1

207 3 0
                                    

Stranger

Pinunasan nya ang butil ng pawis sa kanyang noo. Nahahapong umupo muna sya sa may bar stool para makapagpahinga saglit.

Kanina pa sya walang tigil sa pag-aasikaso sa mga dumadating na customer.

Napahagod ang tingin nya sa kabuuan ng Silver's Night Club, kung saan sya nagtatrabaho bilang isang waitress. May tatlong buwan na rin simula ng maisipan nyang mag-apply sa naturang exclusive Night Club.

Gustuhin man nyang magtrabaho sa isang tanyag at sikat na kompanya, dahil sayang naman ang pinag-aralan nya kung hindi nya gagamitin, ngunit mas pinili nyang maging waitress nalang.

She has no choice but to keep her profile low, like a commoner.

Nagtrabaho ulit sya pagkatapos ng sampung minutong pahinga. Hanggang dumating na si Jayzel, ang taong tinuring na nya ring kaibigan simula ng magtrabaho sya sa Silver's Night Club.

Ang magandang personalidad nito bilang isang babae ang gustong-gusto nya. Mabait bagama't may pagkamataray minsan, ngunit masasabi nyang totoo itong tao at may mabuting puso.

"Jayzel, pwede bang ikaw muna ang mag-asikaso at kumuha ng order sa table 5? Kanina pa kasi ako naiihi, eh, hindi ko naman maiwan ang puwesto ko dahil dumarami na rin ang mga customer na nagsisipagdatingan." tumango ito at napangiti sya. "Okay lang, ano ka ba."

Mabilis pa sa kidlat na nagmartsa sya papasok ng comfort room.

Nakahinga sya ng maluwag ng tuluyan ng makaihi. Napasandal sya sa kinaroroonan nyang cubicle saglit.

Napatuwid sya bigla sa pagkakatayo nang may maulinigang hindi maganda sa kanyang pandinig.

"Oohhh.. uhhh.. urgh!"

"Hmmm.. ang sarap mo.. ohhh.." mahabang ungol ng babae ang narinig nya kasabay ng kalabog sa kabilang cubicle.

Nakakirita sa tainga! Gosh! Ang landi naman ng babaeng 'yon! Pati comfort room hindi na pinatawag!

"Tone your voice.. urgh.." mahinang ungol ng isang malalim na boses lalaki.

Natigilan sya. Natulala.

T-That husky voice..its so familiar to her ears.

Napailing sya.

Imposible. Oo sobrang imposibleng mangyari na nandito sya. Dahil kahit anino nito ay hindi nya alam kung nasaan. Hindi nya alam kung nasaang kalawakan man ito ngayon.

Stop thinking about him, Zianna! You'll just get hurt. Over and over again..

Hindi nya namalayang tapos na ang 'session' ng mga ito. Narinig nya ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya tiyak nyang okay na ang lumabas.

Pabalibag nyang binuksan ang pinto at dire-diretso ang lakad papalabas nang may matipunong brasong bigla nalang humapit sa bewang nya.

What the?

Naglakbay ang mga mata nya sa matipunong brasong nakahapit sa kanya patungo sa malapad nitong mga balikat at dibdib na kasing tigas ng bato, patungo sa nag-aantay nitong mga labi na para bang inaakit sya. At naaakit naman sya!

Umiling-iling sya upang itaboy ang kung ano mang lumot na bumabalot sa isipan nya. Nagiging berde nanaman kase sya!

"Wanna have some fun for awhile?" he said hoarsely, tila nang-aakit.

Sure! Why not, handsome?

Nanlaki ang mga mata nya sa naiisp na pagpayag ng nilulumot na nyang utak!

The Innocent Beast RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon