Chapter 3

149 3 1
                                    

Duke

Ilang araw nang hindi mawaglit sa isipan nya ang lalaki. Para itong alilabok na laging kumakapit sa kanya araw-araw.

Nasa loob sya ng locker room nilang mga waitress.

And believe it or not, kakatapos lang nyang kumain ng balot. It's her favorite food since she became a normal person.

Nakakatawa lang isipin, nung una nyang nakita ang bilog na pagkain na 'yon noon, nandiri sya ng may nakitang sisiw! Nasuka pa nga sya noon habang tinitignan pa lang ang pagkain. Pero ng makita nyang kumain niyon ang kaibigan nyang si Jayzel, she tried to ate it. And surprisingly, she loved the food ever since that day.

And its so funny to imagine that she, Zianna Monique Velasco, a princess from a royal family in England, was eating balot like a normal person!

Bumuntong-hininga sya.

Ibang-iba ang kinamulatan nyang buhay simula pagkabata. Pero kahit na nagkakanda-kuba na sya sa pagtatrabaho, she won't give up. She'll survive on her own.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan nyang si Jayzel.

"Kanina ka pa hinahanap ni boss." bungad agad nito.

"Oo na, lalabas na ako. Kumain lang naman ako saglit ng-"

"Ng balot. Hindi mo na kailangan pang sabihin dahil alam ko na ang linyang 'yan." pagtatapos nito sa sasabihin nya.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung paano ka nahumaling sa balot." nagkibit-balikat lang sya at ngumiti.

"Basta lumabas ka na agad mamaya."

"Okay."

Lumabas narin ito agad bago sya tinitigan ng matagal na parang may hiwagang nakapalibot sa pagkatao nya na hindi nito matumbok-tumbok.

Tumingin sya sa salamin at pinagmasdang mabuti ang repleksyon nya.

Kasing puti ng gatas ang kanyang balat, kasing kinis ng porcelana ang kanyang kutis, maganda ang hubog ng katawan at may katamtamang taas na 5'6. At higit sa lahat, ang nakakaakit nyang mga matang kulay bughaw na nagpapatunay na may dugong bughaw na nananalantay sa buong katawan nya.

Hindi nya maintindihan kung bakit naging ganito na ang takbo ng buhay nya.

Alam naman nyang sya rin ang may kasalanan kung bakit naging ganito sya kung ano sya ngayon.

She looked like a goddess outside and every male species who set there eyes at her would fall for her in a blink of an eye.

But they didn't and couldn't see, the true her. No one could see that she's broken inside.

No one can feel the pain she's suffering long, long time ago. The scar in her heart was still there. It stop bleeding but it didn't heal.

"Hindi ngayon ang oras ng pagdadrama, Zianna Monique! Ano ka ba!" asik nya sa sarili.

Kinalma nya ang sarili. Lumabas na sya at nagtrabaho bago pa sya maiyak sa loob ng locker room.

"What is your order, Sir?" nakangiting tanong nya sa matangkad na lalaki na moreno at may dalawa pang lalaking kasama sa couch.

"Pwede bang ikaw nalang ang orderin ko, Miss?" nakangiting sabi ng isang mestisong lalaking kasama ng mga ito.

"No, Sir." ngumiti sya imbes na gusto na nyang magtaray. Sinabi ng isang kasamahan ng mga ito ang mga order ng mga ito.

Yumuko sya at paalis na sana para asikasuhin ang mga order ng mga itong pagkain, red wine at mga beer.

"Hindi ba talaga pwede, Miss?" umiling sya sa makulit na mestisong customer nila.

The Innocent Beast RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon